SANDRO
“Hey Ass!”
Badtrip. Saan nanggagaling 'yong tawag na 'yon?
Nagpalinga linga ako sa gilid ko, sa likod ko, sa taas, sa lahat na pero di ko makita kung nasaan 'yong pangahas na tumawag sa akin. Oo, feeler ako. Pero hindi, joke, alam ko namang ako 'yong tinatawag eh. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng “Ass” eh. Este, isang babae pala. Oo, imagine-in ninyo, babae pa ang tumatawag sa akin ng ganun. Pambihira.
Napatalon ako nang may kumalabit sa balikat ko.
“Ass! Ang snob mo ah,” sinabayan niya ako paglalakad at kumindat pa siya sa akin. Pambihira. Ang lakas talaga ng charisma ng isang 'to.
“Bakit ba Jamie?” naiiritang tanong ko sa kanya. Ke aga aga, ang kulit niya eh. Daig pa niya si Leslie. At least 'yong isang 'yon ay medyo napagpapasensiyahan ko pa ang pagpapacute. Eh ito? Di ko mapigilan, baka nahalikan ko na. Hindi joke lang. Incest 'yon.
“Walang galang! Mas matanda ako sa'yo!”
“Sinong mas walang galang sa atin Ate Jamie? Ikaw nga, tinatawag mo akong ass eh. Sinisigaw mo pa sa buong campus. Proud lang?”
Tumawa siya sa sinabi ko. Aba. Binalewala lang? Ang tino nito eh.
“Ahh! Naiirita ka ba? Eh pangalan mo 'yon eh. Ace Sandro Salvacion. Hay naku baby Ace! Ang cute cute mo pa rin kahit ang tanda mo na. Nakakamiss 'yong ten years old ka pa lang tapos buhay pa sina Tita Case at Tito Ace eh...”
Hala... biglang nag-iba 'yong mood ni Jamie ah. Oo, Jamie. Ayoko siyang tawaging ate, hindi bagay.
Bigla siyang lumungkot. Napansin ko 'yon sa expression ng mukha niya. Oo, medyo natatandaan ko rin 'yon. Favorite kasi ni mom si Jamie noon eh. Kasi si Jamie 'yong unang naging inaanak ni mom tapos basta, siya raw 'yong naging dahilan kung bakit nabuo ako. Loko. Nainggit daw si mom kina Tito Jim eh. Gusto rin daw niyang magkaanak. Ayon.
So dapat pa pala akong magthank you sa babaeng 'to? Kasi kung di dahil sa kanya, malamang wala ako dito ngayon? Hay.
Nakakainis 'tong si Jamie oh. Bigla bigla na lang babanggitin ang pangalan nina mom and dad. Ayan tuloy, nag-iba rin ang timpla ko. Sumama. Feeling ko maiiyak na naman ako eh. Hay, nakakagago lang.
Tinapik niya ulit ako kaya napalundag na naman ako. Automatic na napatingin naman ako sa kanya noon.
“Uy, sorry ah? Namiss ko lang talaga sila. How did you manage to cope by the way?”
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit medyo civil kami ni Jamie ngayon? 1 week na rin kasi since the locker/cafeteria incident. Noong nalaman ni Jamie na ako si Ace Sandro, nag-iba 'yong mood niya. Parang bigla siyang natuwa sa akin. Akala ko naman ay nainlove na siya sa'kin, 'yon pala eh pinsan ko siya. Gago. Di ko siya namukhaan eh. Galing kasing States so ayon, basta... Bigla siyang gumanda. Ang pangit niya noon eh. Seryoso.
Dalawa na tuloy ngayon ang binabantayan ko. Nakakabwisit. Pero okay lang. Ayos nga 'to eh. Makakasama ko lagi si Jamie. Tsk. Iba na 'to.
Umupo kami sa bench. Lunch break naman at katatapos lang naming kumain. Di ko nakasabay kumain si Leslie sa kadahilanang k-in-idnap siya nina Denver. Mga pauso talaga ng isang 'yon. Mamaya ko na lang pala kukumustahin. Di na rin pati pala ako uuwi sa bahay, baka paulanan ako ng kung ano ano ni Leslie eh. Alam ninyo naman ang isang 'yon. Masyadong madrama sa buhay. Magaling umarte eh. Artista ba.
“I was terrible in coping Jamie. Este, Ate Jamie. Wala, nagkukulong lang ako noon sa kwarto ko sa mansion eh. I didn't allow anyone in. Kung hindi lang mapilit sina Tita Jen at Tito Gio, baka kung saan na ako pinulot ngayon. Ang laki nga ng pasasalamat ko kasi di sila nagsawang intindihin ako. Mga kaibigan talaga sila ni mom. Di nila ako pinabayaan eh,” pagkukwento ko sa kanya. Tumitingin tingin ako sa kanya at pansin ko ang awa sa mga mata niya. Hay.
BINABASA MO ANG
Twisted Happiness (Sanlie, #1)
Fiksi RemajaBook 1 of the #SanLie Trilogy. #THS1. Happiness is a choice. It gets twisted though, if you make a wrong choice. © May 2013-August 2014 | crappywriter