Chapter 48

4.7K 101 22
                                    


Leslie on the right ---> Isn't she lovely? :)

**

                                            SANDRO

Nagising akong parang lumulutang sa ulap ang pakiramdam. Grabe, hindi ko pa rin talaga makalimutan ‘yong nuggets na hinanda ng bubwit para sa akin kahapon. Although siyempre, pinaghanda rin niya sina Miguel at Charlie, iba pa rin ang pakiramdam nang ibigay niya sa akin ‘yong para sa akin. Hindi lang kasi ‘yon basta nuggets lang eh. Alam kong iyon ay nuggets with love courtesy of Leslie the bubwit. Takte, nababakla na talaga ako dahil sa ginagawa ng bubwit sa akin. Napaselfie pa nga ako kahapon dahil doon. Ang dami ngang chicks na naglike eh! Pambihira. Isang selfie kasama ang pagkain, naka-200 likes agad. Ehem, iba na talaga kapag sikat.

Nga pala, bati na rin kami ng dalawang ugok. Hindi na ako nagtatampo dahil sa ginawa nilang pambabakod sa bubwit ayon sa kautusan ng Mahal na Haring Denver. Pareng Denver, kung nasaan ka mang lupalop ng Amerika ngayon, sana manatili ka na lang diyan at ‘wag nang babalik sa Pilipinas kong mahal. Matatapos na ‘tong kwento ko at alam kong kapag bumalik ka pa, magkakagulo na naman.

Napasimangot ako sa isip ko. Tama na nga ang isiping Denver. Nakakabakla. Bakit ko ba iniisip ang gagong ‘yon? Nga pala, nagchat ‘yon kagabi sa Facebook. Pambihira, matapos ang ilang buwang hindi pagpaparamdam, kagabi pa niya napiling magparamdam ulit. May ipinapahiwatig ba siya doon? I-add ko raw siya sa Skype para mag-Skype daw kami nina Miguel at Charlie mga minsan. Nag-oo na lang ako at in-add na nga siya sabay log out agad. Napatigil tuloy ako, si bubwit kaya, minessage rin niya? Hay, bahala na.

Bumangon na ako sa kama dahil sumasakit na rin ang likod ko dulot ng ilang oras na pagkakahiga. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table at nakita kong 6:30 pa lang. Nagtungo na ako sa banyo sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili at maligo na rin at pagkatapos noon ay bumaba na ako para kumain ng agahan.

Nakakailang hakbang pa lang ako pababa nang matigil ako dahil sa nakita ko sa sala.

Ang bubwit, nag-aayos ng bag niya. Pero hindi iyon ang nakapagpatigil sa akin. Kundi ‘yong ayos niya ngayon. Takte! Umagang umaga ganito ang mabubungaran ko? Langhiya! Ayos na ayos na kahit hindi na ako mag-agahan. Busog na busog na ako sa nakikita ko.

Nakaplain dress kasi siyang parang denim ang style. Ewan ko eh. Hindi naman kasi ako pamilyar sa mga tawag sa mga dress ng mga babae. May collar ‘yong dress na suot niya. Ang kyut nga tingnan eh. May manipis na belt din. Above the knee ‘yong dress at kapag yuyuko ang bubwit, umaangat lalo ‘yong dress. Sobrang naeemphasize ‘yong long, creamy legs niya. Nasisilaw ako masyado sa kaputian ng bubwit.

Inaadmire ko pa ang kabuuan ng bubwit mula dito sa paanan ng hagdan ng bigla namang dumaan si Tita Jen galing sa labas. Nakapanghardinera outfit siya ngayon. Malamang na galing siya sa garden upang bisitahin ang mga alaga niyang halaman.

“Gising ka na pala Sandro. Good morning.” Bati sa akin ni Titang may mapanudyong ngiti sa mga labi niya. Malamang lang na nakita niyang nakatunganga ako sa anak niya. Langya, kakahiya ‘to ah.

“Ah. Good morning din po Tita.” Ganting bati kong hindi maalis ang titig sa bubwit. Nang marinig niya ang tinig ng mommy niya ay napatingin siya sa direksyon namin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya.

“Good morning Kuya Sandro!” nakangiting bati sa akin ng bubwit. Isinukbit na niya ang bag niya sa balikat niya at lumapit kay Tita Jen para bumeso. “Alis na po ako Ma.”

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon