Grabe naman tong babaeng to. Kahit guro sinigawan. Kakaiba talaga. Ano ba ang problema niya? Nakatiim ang bagang nito. Maling galaw mo lang ay parang sasakalin ka na nito kaagad. Cute naman siya magalit pero nakakatakot. Tumingin ako sa kanya, at di ko inaasahang titingin rin siya sa'kin. Matalim ang tingin nito, pero ito ang unang umiwas.
The bell rang and all stood up to get out. Nauna ng lumabas ang guro. Pabigla-bigla naman ang pagtayo ni Francine kaya natumba ang upuan nito. Nagulat ang lahat mabuti nalang at wala akong sakit sa puso dahil kung ganon eh baka atakihin ako. Dapat na rin siguro akong masanay, lahat kasi ng subjects ay magkatabi kami o kaya nasa likuran lang niya ako at partner pa kami sa Chemistry. Umalis siya sa pwesto niya. Sinusundan siya ng tingin ng lahat. At habang naglalakad siya ay umaatras naman ang mga estudyanteng madadaanan niya dahil halatang natatakot ang mga ito. Halos na freeze ang buong paligid. Binuksan na niya ang pinto, lumabas at sinara ng pagkalakas-lakas. Pagkatapos ay saka lang nakagalaw ang lahat. At lahat ay napabuntong-hininga. Sa lahat, ako lang ang nanatiling naka upo at walang reaksyon sa nangyari. Marami ng bulong-bulongan na naririnig ko.
"grabe talaga ang dragon na yun." Girl 1
"ou. Buti nakalabas na siya." Girl 2
"fearless talaga siya." Girl 3
"ano naman kaya ang problema non?" Girl4
"ewan. Basta mag-ingat nalang tayo na hindi natin siya mababangga. Ayoko pang malagutan ng hininga." Girl 5
"oa mo naman. Pero mukhang kaya nga niyang gawin yun." Sagot ng unang babae.
Nakakaloka rin ang mga bulong-bulongan nila.
"hoy! Grabe naman kayo manghusga ng tao. Hindi nyo naman siya lubusang kilala!" Sabi ng babae na kasama ni Francine kanina sa mga babaeng nagbubulungan.
"bakit Riela? Hindi naman siya tao ah." Sagot ng leader ng grupo ng kababaehan.
"if she's not human, why haven't she killed anyone yet? I know that you're just afraid of her. And one more thing, don't you ever judge her because you don't have any rights." Pagkasabi non ay tumalikod na ang babae at umalis. Tama naman ito. Tumayo na rin ako at umalis.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...