Ang saya-saya ko ngayon. Isa na to sa pinakamasayang araw ko. Hindi ako makapaniwala. Kami na ni Francine. Sa wakas! At hinding-hindi ko siya pakakawalan.
Panay pa rin ang ngiti ko hanggang ngayon. Matapos ang six years, ang pagkamuhi niya sa'kin, at pananakit ko sa kanya, finally, naging akin na din siya. Akin na si Francine Risika Flores. Wala ng makakaagaw pa sa kanya.
Sunday nga pala bukas. Yayayain ko siyang magdate. Napapangiti ako sa naisip.
Two hours na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Bakit ba kasi? Hindi pa rin matanggal ang ngiti ko. My god! Nakakabaliw ka Francine!
Pinilit ko pa ring matulog. Matapos ang isang oras ay nakatulog din.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Paggising ko, 10:00 na. Tinanghali na ako. 12:00 kasi ako nakatulog kagabi.
Bumangon na din ako. Naligo ako at nagbihis. Hindi na ako nagpanggap. Nagluto ako. Pagkatapos kong magluto ay tinawagan ko si Francine. Nasagot na rin nito iyon matapos ang ilang ring.
"Ano?" Agad tanong nito.
"Isi, punta ka dito sa bahay ngayon."
"bakit?"
"basta. Pumunta ka nalang dito."
"ou na."
"bye. Hihintayin kita." Nakangiti kong sabi sabay baba na ng phone.
Inilagay ko na ang mga inihanda kong pagkain sa basket at nagdala rin ako ng malaking tela. Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang sarili sa salamin. Gwapo naman ako eh kahit hindi maayos ang itsura ko pero siyempre mahal ko ang taong kaharap ko kaya mag-aayos pa rin ako. Sinuklayan ko ang kulay ginto kong buhok at nginitian pa ang sarili sa salamin. Ayos na to. Matagal na rin naman akong gwapo sa paningin ni Francine eh. Noon pa.
Sa labas na ako naghintay. May bench naman eh. Pangiti-ngiti akong mag-isa. Nababaliw na siguro ako. Hindi ko mapigilan eh. Si Francine naman kasi. Nakakaaddict.
Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko. Para na akong babae nito kung kiligin.
Natanaw ko na rin siya sa gate. Papasok na siya dito. Ang astig talaga ng mahal ko. Huminto na siya sa parking area. Katabi ng motor ko. Bumaba ng motor, tinanggal ang helmet, isinabit niya iyon sa manibela at naglakad na palapit sa'kin.
Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis habang papalapit sa'kin.
"naku Andrew, alam mo namang napakagwapo mo ngayon kaya wag ka ng ngumiti." Sabi niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...