CHAPTER 65 KEVIN: P.D.A. (PUBLIC DISPLAY of AFFECTION)

721 10 0
                                    

       Nagtaka ako sa sinabi nito. Ano raw? Hindi nito gusto si Francine? Parang nainis ako don.

        "akala ko nagpapahinga ka na." Seryuso kong sabi dito at nilagpasan lang siya.

        "joke!" Bulalas nito sabay sara ng pinto at umakbay sa'kin. Sabay na kaming pumanhik sa itaas. Tinaliman ko siya ng tingin. Akala ko panibagong problema na naman dahil hindi gusto ni kuya si Francine at nagsinungaling lang ito kanina na masaya ito para sa'min. "ikaw naman, nagkagirlfriend lang, hindi na mabiro." Sinuntok pa niya ako ng mahina sa braso.

        Ngumiti na din ako. Tumigil na si kuya sa harap ng guestroom. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang...

        "good night lil' bro. Wag kang masyadong excited bukas ha. Babawi ka pa sa grades mo. Kayong dalawa ni Francine."

        "grande naman yun eh."

        "kaya nga. Kailangan niyang e maintain ang grades niya kundi ma e-expel siya sa academy. Balita ko pa naman siya ang may pinakamaraming records ng gulo sa school."

        Nabahala na ako don. "sasabihan ko siya. At saka, wag mo ng sirain ang gabi ko kuya. Perpekto na sana eh, nagpahayag ka pa ng kaunting problema. Sige na, good night." Tuluyan na din akong pumasok.

        Pagpasok ko sa kwarto ay napaisip ako.

        Si Francine. Ang responsibilidad nito bilang grand. Kailangan niyang bumawi dahil sa maraming araw na absent siya. Tapos ang dami na din ng gulong nagawa niya kaya dapat hindi siya matanggal sa pagiging grand dahil tanging yun lang ang dahilan kung bakit hindi pa siya na-e-expel sa school.

        Napabuntong hininga ako. In-off ko na ang ilaw at humiga na rin sa kama. Bukas ko nalang uli p-problemahin ang mga yun.

        * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

        Nasa parking lot ako ng school ngayon. Nag-aantay kay Francine. Nakita kong sabay dumating ang magkapatid. Si Alexis gamit ang BMW nito at si Francine sa motor.

        "hi Andrew!" Masiglang bati sa'kin ni Alexis nang makababa na ito ng kotse.

        "hello." Ngumiti lang ako dito.

        "o, sis, magpakababae ka na ha. Tandaan mo, ikaw ang girlfriend." Nakangiting baling nito sa kapatid na kakababa lang sa motor.

        "tumigil ka nga, kanina ka pa." Saway nito kay Alexis. Lumalapit na siya sa'kin.

        "o, sige, mauna na ako. Wag lang kayo masyadong p.d.a.(Public Display of Affection) ha." Kumaway at kumindat pa ito sa'min.

        Magkapatid ba talaga sila ni Francine? Ang layo nila eh. Well, nagbago lang kasi si Francine kaya ang layo na nila. Ganito si Francine noon. Kikay at girlish pa. Ngayon, kabaliktaran na. Okay lang, tanggap ko naman siya eh at wala pa ring pagbabago dahil mahal ko pa din siya.

        Hinatak ko siya at hinalikan agad sa mga labi na alam kong ikinagulat niya. Pero tumugon na din ito nang makabawi sa pagkagulat.

        Kapwa kami hinihingal nang kumalas na kami sa isa't-isa.

        "kailangan ba talagang halikan mo ko all the time na magkikita at magpapaalam tayo sa isa't-isa?" Tanong nito.

        Inakbayan ko siya at naglakad na sa direksyon patungong campus.

        "gusto ko nga palagi eh. Buti at sa tuwing pagbati at pagpapaalam lang kita hinahalikan. Hindi yung inuubos ko ang oras na halikan ka pag kasama kita."

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon