"grabe ka Francine, tulungan mo'ko!" Inis na sabi niya sa'kin. Inilahad niya ang isang kamay sa'kin. Lumapit ako dito para tulungan siyang makaahon at tinanggap ang kamay niya. Dalawang kamay ko na ang humawak sa kanya para hilahin siya pero ang bigat niya. Lalaki nga naman. Papaakyat na sana ito nang madulas ako pero hinila niya ako kaya imbes na sumalampak ang katawan ko, lalung-lalo na ang ulo ko sa semento ay nadapa ako sa tubig. Niyakap ako ni Andrew. Sabay kasi kaming sumalampak sa tubig. Nasa ibabaw niya ako. Sabay kaming lumitaw sa tubig.
"bakit mo ba ako tinulak?" Tanong ni Andrew. Mabuti at hindi natatanggal ang wig nito.
"tinangka mo kasi akong halikan." Sagot ko. Nakasalikop pa rin sa beywang ko ang isang kamay niya.
"sabi kasi nila patunayan ko raw na lalaki ako kaya hahalikan sana kita pero tinulak mo naman ako. Mabuti nalang at wala akong dalang pera at phone."
"hindi mo nalang sana sila sinunod!" Pinalo ko ang braso nito sa inis. Binibitiwan na ako ni Andrew. Agad akong kumalabit sa batok nito. "huwag mo akong bitawan! Hindi ako masyadong marunong lumangoy. Six feet ito. Hindi ko kaya ang lalim nito." Sabi ko sa medyo natatakot na boses at parang naiiyak ako. Naramdaman ko namang ibinalik nito ang pagkakayakap sa'kin at mas mahigpit pa iyon kaysa kanina. Ngumiti ito ng nakakaloko.
"kung hindi pa kita hinila, malamang nabagok na ang ulo mo sa semento." Sabi nito.
"ou na. At salamat don." Sabi ko. Nanonood lang naman ang mga kaibigan ko ng movie, live at the swimming pool pa. Two persons fighting while their bodies are so close.
"bigyan mo nalang ako ng thank you kiss." Sabi nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Naghiyawan ang mga kaibigan ko.
"ayoko nga!" Agad kong tanggi dito. Naramdaman kong unti-unting kumakalas ang yakap sa'kin ni Andrew. Mas lalo akong kamalabit sa batok niya.
"ano ba?! Gusto mo ba akong patayin?!" Nanggagailiti na ako sa galit. Tumingin ako sa paligid. Saka ko lang napansin na nasa gitna na kami ng pool. "walanghiya ka Andrew! Dinala mo'ko sa gitna! Um---"
"ANDREW???!!!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat sa pagkagulat. Nagkatinginan ang lahat. Patay! Wala na akong takas! Darn it! Dang it! Damn! Fuck! Shit! Bullshit! Ano pa ba ang kulang?
Si Tracker ang unang nakabawi sa lahat. "mistress, siya si Andrew?"
Saka lang nagbalik ang katinuan ng lahat nang nagsalita si Tracker. Sunod-sunod ang tanong ng lahat.
"ou na!" Sigaw ko para tumikom na ang kanilang mga bunganga. Ang sakit na kasi sa tenga.
"ou na, siya na si Andrew! Si Andrew Claid na gusto ninyong makilala at makaharap! Nandito na siya! Nakita nyo na simula pa kagabi! Tapos!"
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...