Maganda ang bahay ni Andrew. Lalong-lalo na ang view sa labas. Nakakarelax ang paligid at tahimik. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. Inaantok yata ako. Naghikab pa ako. Inilagay ko na ang phone ko sa bulsa at baka mabitawan ko pa dahil sa antok. Gusto kong uminom ng tubig para malabanan yun. Naramdaman kong may bumababa na sa hagdan. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin don. Nagulat ako sa'king nakita. May prinsipe atang naliligaw dito. Hindi! Si Kevin na yan. Napakagwapo niya pag walang wig o hindi nagpapanggap. Mas gwapo siya sa personal! Nginitian pa ako.
Tumikhim ako. "wag kang ngumiti, lumalabas pagkababae ko eh." Sabi ko.
Tumawa pa talaga ito, palapit siya sa'kin. "huwag mo kong akitin Andrew." Umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"napakagwapo ko talaga no?" Tumabi siya ng upo sa'kin. Ang bango ng katabi ko.
"ou na. Gwapo ka na. Eh, ano naman ngayon?" Tumingin na ako sa kanya.
Agad itong ngumisi. Ang puti ng ngipin niya at pantay-pantay pa. Gagong to pinapakulo ang dugo ko. Tumayo ako at lumipat sa single sofa na nasa gilid.
"bakit ka lumalayo?" Tanong nito.
"baka masira ko mukha mo."
Tumawa na naman ito.
"pwede ba akong makiinom ng tubig?"
Itinuro lang nito ang kusina at naglakad na ako papunta don. Dumaan muna ako sa dining area at lumiko pakanan. Malaki ang kusina nito. Kumpleto lahat ng gamit at may semi bar counter pa na pwede kang umupo doon. Walang tubig sa ref pero puno ng pagkain ay may mga canned beers pa. Nakita kung may water dispenser at don nalang ako kumuha. Singer nga pala ito kaya hindi basta-basta umiinom ng malalamig. Natuyo yata ang lalamunan ko kaya napadami ang inom ko. Lalaking yun! Sinusubukan ata pagkatao ko. Talagang inilalabas ang pagkababae ko! Wag naman sana. Hindi ko na maintindihan ang iniisip ko. Snap out of it Devil Hell! Inilagay ko na ang baso sa lababo at bumalik sa salas. Nakita kong nagsimula na si Andrew sa paggawa ng proyekto namin. Umupo ako sa pwesto ko kanina.
"ikaw na ang gumawa sa part na yan at ako na dito." Sabi nito na nasa ginagawa ang atensiyon. Tinitigan ko siya. At muling bumalik ang alaala ko sa isang kababata ko noon. Umiling-iling ako para mawakli sa isip ko yun at nagsimula na rin akong kumilos.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Ficção Adolescente[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...