CHAPTER 39 FRANCINE: AGAINST

666 13 0
                                    

        Napayuko na ako dahil naiiyak ako sa nakikita ko. Tuluyan na din akong sumubsob. Tuluyan ng dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Gustung-gusto ko siyang patayin pero sumasalungat ang puso ko. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya kanina. Gusto kong pahirin yun. Parang bumagsak ang buong mundo sa'kin nang masaksihan yun. Aminado akong nasasaktan ako na makita si Andrew na binubugbog ng grupo ko. Utos ko naman yun sa kanila pero ba't ngayon parang gusto ko ng patayin ang grupo dahil sa mga pananakit nila kay Andrew? Gusto kong patayin ang sarili ko dahil ako din naman ang may kasalanan dahil nga inutusan ko lang sila. At narinig ko pa lahat ng sinabi ni Andrew kanina. Hindi daw siya lalaban dahil kung ang ikasasaya ko raw ay ang makita siyang nahihirapan at nasasaktan, ay magpapaubaya siya.

        Ou! Tama! Yun ang gusto ng utak ko! Pero kabaliktaran sa puso ko! Gusto ko na siyang lapitan para ipagtanggol at yakapin para maprotektahan. Pero pigil na pigil ko ang sarili.

        Gustung-gusto kong nakikita siyang nahihirapan, nasasaktan at nagdudusa. Pero bakit? Bakit, parang... Mas nasasaktan ako? Pakiramdam ko... Ako ang binubugbog nila. Pakiramdam ko mas nasasaktan ako dahil ako ang nagpapahirap sa kanya.

         Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga hiyaw ni Andrew sa sakit.

        Tama na! Tama na! Ayoko na! Ang sakit-sakit na eh...

 

        Gusto kong isigaw dahil sa bawat suntok at tadyak nila, pakiramdam ko ako ang natatamaan.

        Uminom na lang uli ako ng beer. Pinunasan ko ang mga luha ko.

        Hindi ko namalayan na nandito pala si Nightmare sa tabi ko. Pasimple akong tumingin dito.

        "bakit ka nandito? Tulungan mo sila don." Sabi ko.

        "mas masasaktan ka lang kung dadagdag pa ako." Malamig nitong sagot.

        Iniwas ko ang tingin dito. "bakit naman ako masasaktan?" Tumungga ako.

        "tss. Kanina ka pa umiiyak diyan. Bakit hindi mo pa sila patigilin? Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Nasasaktan kang nakikita si Andrew na binubugbog ng kagrupo natin. Si Andrew nga ang pinagtutulungan nila pero alam kong mas nasasaktan ka kaysa sa kanya."

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon