CHAPTER 42 KEVIN: DISREGARD

605 8 0
                                    

        Nakauwi na nga ako kinabukasan. Medyo nawawala na ang mga pasa at sugat sa katawan ko. Ako lang mag-isa dito sa bahay dahil nasa school na si kuya. Mamaya na ako tanghali papasok. Half day muna ako. Nagpahinga naman ako agad. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko.

        Sa wakas nakapasok ulit. Naglalakad ako sa campus ngayon patungong classroom ng first afternoon subject ko. Medyo maaga pa naman dahil lunch break pa. Nakapaglunch na naman ako sa bahay bago umalis kaya tumambay nalang ako sa classroom. Walang tao nang dumating ako pero matapos ang ilang saglit ay may mga pumasok na. Isang grupo nga lang ng kababaihan. Naging busy ako sa paglalaro sa tablet ko nang lumapit at pinalibutan nila ako. Apat sila lahat.

        "hi Andrew!" Masiglang bati ng isa.

        "hello." Ganti ko.

        "Andrew kumusta ka na?"

        "okay lang." Simpleng sagot ko.

        "bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw?"

        "may inasikaso kasi ako. Something personal."

        Tinago ko na ang tablet dahil alam kong makikipagkwentuhan sa'kin tong mga to.

        "Andrew, bakit hindi mo subukang tanggalin yang glasess mo? Sayang, maganda pa naman ang mga mata mo." Sabi nong nasa harap ko.

        "malabo kasi ang paningin ko." Pagsisinungaling ko.

        "bibilhan nalang kita ng contact lenses." Offer ng isa.

        "ayoko. Mas komportable ako sa glasess." Agad kong tanggi.

        "okay. Cute ka pa rin naman eh." Kinikilig na sabi ng isa.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon