Talagang nakakakilig ang kinanta ni Francine. Ito lang ang babaeng nakakapagpakilig sa'kin. Matapos ang date namin ay bumalik uli kami sa'king bahay. Hindi na ito pumasok sa loob at lumapit na sa motor nito.
"uuwi na ako. Tawagan mo lang ako pag bumalik ang sakit mo."
"hindi na ito babalik. Magaling na ako."
"bukas na nga pala ang program sa school. Pwede namang hindi ka na pumasok." Sabi nito na nagsusuot na ng helmet at sumakay na.
"papasok ako."
"okey, sige. Alis na ako." At umarangkada na ang motor nito. Napangiti ako na pumapasok sa loob. Para na akong baliw sa kakangisi at tawa dahil sa pag-alala ng mga pang-aasar ko kay Francine kahit may sakit ako. Mabuti at hindi ako pinatulan non dahil wala akong kalaban-laban.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * *
PUMASOK na nga ako. Mamayang hapon pa ang program pero busy na ang lahat sa paghahanda. Excited pa ang karamihan. Ang mga mag pe-perform ay nagpa-praktis pa. May mga klase pa naman pero hindi na iyon hinandle ng maayos dahil sa paghahanda. Ang ilang estudyante ay tumulong sa pag-aayos ng entablado. May stadium naman ang school pero sa campus daw gaganapin ang event.
Nasa garden ako ng school. Nakaupo sa isang bench. Gusto kong umiwas sa lahat. Papahiga na sana ako sa bench ng may nagsalita.
"hi Andrew." Bati sa'kin ni Alexis. Hindi yata masigla ito ngayon dahil hindi ito ngumingiti sa akin. Umayos ako ng upo at bahagyang lumayo dito ng tumabi ng upo sa'kin. Tumikhim ako.
"anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"gusto kitang makausap."
Agad akong nabahala dahil baka nabuko na niya ako. Iniwas ko ang tingin dito. Kaming dalawa lang ang nasa garden. Gusto ko na sanang tumakas pero baka mas magsuspetsa ito.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Novela Juvenil[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...