CHAPTER 36 KEVIN: PAIN

671 12 0
                                    

 

        Hindi ako makaimik sa mga sinabi ni Francine. Napasandal ako sa pader at pabagsak na umupo. Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko. Napakasakit. Sobrang sakit! Humagulgol na ako ng iyak.

        "aaahhhh!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Sinubsob ko sa'king mga palad ang aking mukha. Parang gusto ko ng mamatay.

        Tumunog na ang bell pero wala na akong pakialam. Umuwi nalang ako ng bahay. Nadatnan ko ang kapatid ko. Kagabi pa nga pala siya nandito. Dito muna siya titira hanggang matapos ang pag su-sub teacher niya sa academy.

        "oh, bro, why is your face like that?" Bungad niya sa'kin nang pumasok na ako sa salas.

        Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kwarto ko. Hinagis ko ang bag sa sofa at pabagsak na umupo sa kama. Hinubad ang salamin at inilapag sa'king tabi. Sinubsob ko ang mukha ko sa palad. Tumutulo na naman ang mga luha ko at napahagulhul. Bigla nalang pumasok ang kapatid ko at lumapit.

        "bro, what happened?" Alalang tanong niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa balikat. "Kevin, dahil ba sa kanya?" Alam ng kapatid ko ang tungkol sa nakaraan ko dahil naekwento ko ito sa kanya.

        "bro, she hates me." I said. He rubbed my back. "she hates me and it hurts like hell!" I blurted out.

        "just let it out. Ilabas mo lahat ng sakit." Niyakap niya ako.

        Ibinuhos ko na lahat-lahat. Umaalingawngaw sa isip ko ang mukha at mga sinabi ni Francine kanina. Lalo na ang mga huling salita niya.

        I hate you Andrew!

 

        I hate you Vivi!

 

        And worst,

 

        I hate you Kevin Ward!

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon