Napa evil smile ako nang makita ko na si Kyla. Nagmamasid lang si Andrew sa'kin kaya tumingin ako dito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Kumunot ang noo niya at alam kong nag-iisip ito kung anong gagawin ko. I just winked at him and turn my gaze in front.
Hinayaan ko muna si Kyla hanggang natapos ang klase. Agad nitong inayos ang mga gamit nang tumunog ang bell. Halatang umiiwas siya at lumalayo. Paalis na sana siya sa kanyang pwesto ng pinigilan ko siya sa braso. Nang napaharap siya sa'kin ay nginitian ko siya.
Si Andrew ay nakaupo lang. Parang iniiwasan nitong masaksihan ang gagawin ko. Wala naman akong masyadong gagawin eh.
Halata ko ang panginginig ni Kyla sa takot. Pinipilit nitong bawiin ang braso na hawak ko. Tumigil ang lahat at bumaling sa'min. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kanya. Nakalabas na ang guro bago ko hinawakan si Kyla.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "saan ang tama sa'yo ni Xyren?" Tanong ko na sa katawan nito nakatingin. Sa boobs nito ako napako. Nanggigigil din kasi ako sa mga babae eh. Alam nyo na naman yun.
Napansin siguro nitong doon ako nakatitig kaya tinakpan nito ang dibdib gamit ang isang kamay. Para namang hinubaran ito.
Tumingin na ako sa mga mata niya. "bakit? Anong ginagawa mo?" Pa inosenteng tanong ko dito. Malamang nairita ito sa pagtitig ko dun.
"n-n-nakatitig ka k-kasi sa d-dibdib ko." Mahina nitong sagot na nauutal pa. Nakayuko pa ito. Hindi niya sinasalubong ang tingin ko.
Binabawi nito ulit ang braso pero hindi ko pa rin siya pinakawalan. Hinatak ko pa siya palapit sa'kin. Mas matangkad ako sa kanya ng two inches.
"ano ulit yung sinabi mo?" Nanlilisik ang mga mata ko.
"w-wala yun." Mahina pa rin nitong sagot. Ewan ko kung naririnig ba ng lahat. Tingin ko yung mga malalapit lang sa'min ang nakakarinig dito.
Nanatili itong sa sahig nakatingin. Hinawakan ko ang baba niya at itinaas para makatingin siya sa'kin. Kaharap ko na nga ang mukha niya pero sa ibang direksyon pa rin nakapako ang mga mata niya. Sarap tusukin.
At napasinghap ang lahat sa gulat. Ramdam kong si Andrew ay napatayo sa likuran ko. Tumunog kasi ang inuupuan nito dahil sa biglang pagtayo. Sino ba namang hindi magugulat? Sa ginawa ko malamang lahat. Alam ko ring karamihan ay napabuka ang bibig dahil sa nakikita.
Anong ginawa ko kaya nagkaganon sila?
Agad ko lang naman hinalikan si Kyla ng mariin sa mga labi niya. Wala naman siyang reaksyon eh. Hindi siya nagpupumiglas. Siguro dahil nasa stage of shock pa siya. Hinawakan ko ang batok niya at mas hinatak siya palapit sa'kin. Nakahawak ako sa beywang niya. Mas diniinan ko pa ang paghalik. Makalipas ang ilang segundo ay humiwalay na ako sa mga labi niya. Masarap din naman. Pero mas masarap kay Andrew. Triple pa.
Tinignan ko ang itsura niya. Hindi pa rin pala ito nakabawi sa pagkagulat. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya. Malagkit ang tingin ko sa kanya. Ou. Kanina pa lumabas ang pagkalalaki ko. Alam kong nakakadiri sa tingin ng iba pero wala akong pakialam. Ito ako eh.
"palagi akong hinahalikan ni Andrew, hindi ko pa rin kabisado ang mga paghalik niya pero yung halik ko sa'yo ay isa sa mga paghalik ni Andrew sa'kin. Basic lang yun. Inilipat ko lang sa'yo ang paghalik niya. Kasi, kahit kailan, hinding-hindi mo siya mahahalikan at lalong hinding-hindi siya mapapasa'yo." Mahinahon pero madiin kong sabi sa kanya. "akin siya Kyla. Akin. Pagmamay-ari ko siya." Sa braso na uli nito ako nakahawak. "Kaya wag na wag kang magkakamaling mang-agaw. Lalung-lalo na pag akin." Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Galit na kasi ang ekspresyon ko ngayon at alam ng lahat na anytime sasabog na ako.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...