Nagkatitigan kami ng mga kalaban. May oras nga pala ang laban na to kaya dapat namin bilisan.
Nagkatapatan kami ng bawat member. Katapat ko ang leader nila.
Nakaalerto ako pati ang lahat.
Tinignan ko ang direksyon ni Flash at bumaling uli sa kaharap ko.
"bakit si Flash ang napili mo?" Tanong ko sa kaharap.
Saglit nitong binalingan si Flash at bumalik uli sa'kin.
"kasi type ko siya, maganda ang katawan at mabilis ang kilos."
Sa isang iglap ay agad sumiklab ang sagupaan. Labas lahat ng alam naming styles. Ang iba ay bumwelo at ang iba ay patuloy pa rin. Wala pang natutumba sa amin. Kinakabahan ako. Sana matapos na ang oras na walang natutumba sa grupo ko.
Hindi ko na pinansin ang kanya-kanyang laban ng members ko. Nag focos nalang ako sa'kin. Kailangan kong patumbahin ito para matapos na ang laban.
Sumugod uli ako. Magaling nga siya at mas lumakas kaysa nong una. Aaminin kong talagang mahihirapan akong talunin ito pero kailangan ko pa ring ibigay ang best ko. Ayokong ipahiya ang grupo ko. And i hate losing. Okay lang kung kay Andrew ako palaging natatalo sa away. Mahal ko naman yun eh.
Naalala ko lang din. Dapat hindi ako magkasugat, mapasaan o magasgasan man lang. At higit sa lahat. Hindi niya dapat malaman na sumabak ako sa labanan ngayon. Ang sinabi ko lang kasi ay manonood lang kami. Pero biglaan din naman ang panghahamon ng rank 2 sa'min kaya hindi ko nasabi. Bahala na. Basta wala lang palatandaan na nakipaglaban ako ngayon.
"three minutes more!" Announce ng m.c.
Oh my god! Malapit na ang oras. At wala pa kaming napapatumba. Okay lang sa'kin kung draw ang labas nito. Basta wag lang nila makuha ang kaibigan ko. Kundi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko at hindi ko tatanggapin ang pagkatalo.
Sumugod uli ako. Iwas, suntok, sipa, harang, at bwelo na naman.
Tinignan ko ang direksyon ng iba.
My god! Kung hindi pa ako nakaiwas kaagad malamang tatama talaga sa mukha ko ang sipa ng kalaban ko.
"minamaliit mo ata ako dahil hindi ka nakafocus sa laban natin." Naiinis na sambit nito.
"hindi. Totoo magaling ka. Mas gumaling ka pa nga ngayon." Sabi ko.
"what is that? a complement or what?" Hindi naniniwalang tanong nito.
"a complement." Sagot ko. Totoo yun ah.
Nauna siyang sumugod at agad akong dumipensa.
"bakit ako ang napili nyo?" Tanong naman nito. Nagsasagupaan kami habang nag-uusap.
"dahil ikaw ang leader." Tanging sagot ko.
"yun lang?"
"dahil magaling ka. Yun lang."
"magaling din naman members ko ah."
"ikaw nga kasi ang leader."
"mabuti pa tapusin na natin to."
"mabuti pa nga." Sang-ayon ko.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...