CHAPTER 34 FRANCINE: REMINISCE

649 12 0
                                    

 

        Nagulantang ako sa'king nabasa. Binasa ko ulit ng dalawang beses. Hindi pa nga sira ang mata ko. Muli kong tinignan ang mukha ng dalawang batang masaya na naka-upo sa bench. Pilit ko mang winawaksi sa isipin ko ang paglitaw ng mukha ng isang lalaki. Si Andrew. Tinitigan ko ng maigi ang larawan, kahit saang anggulo ko tignan ay mukha ni Andrew ang lumilitaw sa isipan ko.

        "A-ano t-to? b-bak-kit--?" hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko bunga ng naghalo-halong emosyon. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko. Ayaw kong isipin lahat, gusto kong takasan lahat ng nangyayari ngayon. Hindi ko namalayan ang masaganang pagdaloy ng mga luha ko. Yung sakit na nararamdaman mo noon na triple na ngayon buhat ng pangalawang beses ka nang pinagkaisahan ng tao at tadhana. At hindi mo alam kung karapat-dapat ba sayo ang sakit na dinaranas mo ngayon. Wala ka nang kakampi noon, mas lalo na ngayon. Hanggang sa nanlalabo ang paningin ko buhat ng mga luha. Humagulgul na ako ng iyak at napa upo na ng tuluyan sa sahig. Talagang hindi ako makapaniwala. "Ang anyo palang ito ang nanakit sa'kin." Muling nanumbalik ang sakit na naramdaman ko noon. At muling dumaloy sa isipan ko ang bwesit na nakaraan.

    * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

 THE PAST.....

        SIX YEARS AGO

        TEN YEARS OLD pa lang kami.

        "Isi, Isi." Natatarantang tawag sa'kin ng kapatid ko. Nakapasok na pala ito sa'king kwarto.

        "ate, kumatok ka naman, may kamay ka eh." Sabi ko. Naglalaro lang kasi ako sa laptop ko. "ano ba yun?" Inis kong tanong dahil na isturbo niya ako.

        "nagpaalam ka na ba sa kanya?" Balik tanong niya sa'kin.

        Kumunot ang noo ko. "anong nagpaalam?" Nagtataka kong tanong.

        "my god! Hindi ka pa nagpapaalam?" Gulat na tanong niya.

        Mas kumunot ang noo ko. "paalam? Ano bang paalam? Teka, ano bang pinagsasabi mo? Wala akong naiintindihan." Inis ko ng sabi dahil kanina pa ako nagtatanong pero tanong din ang sinasagot niya. Tumayo ako at pumunta sa isang stand table para kumuha ng tubig.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon