"my god, ano bang ginawa ko?" Tanong ko sa sarili. Nasa c.r. Ako ngayon. Tinitignan ang reflection ko sa salamin. Naalala ko ang halikan namin kanina. Hindi nga ako nagkakamali. Ang sarap at lambot ng mga labi niya. Ang bango pa. Hindi siya nakakasawang halikan. Kung hindi pa kami naubusan ng hangin ay malamang hindi pa kami kakalas sa isa't isa. Lalo na ako. Parang gusto ko na atang sumabog sa kilig na nararamdaman ko pero hindi naman ako katulad ng ibang babae, kung kiligin eh parang nanalo sa lotto kong makasigaw, makatalon at makachika sa iba. Pero parang ganon ang pakiramdam ko eh. Nanalo sa lotto. Pero ayokong gawin ang mga ginagawa nila. Nakakadiri kaya. Napapangiti nalang ako sa sarili at napakagat sa ibabang labi ko.
Pagkatapos ng ilang sandali ay tumigil na ako. Naghilamos ako para kahit paano ay mahimasmasan ako at magising sa'king kabaliwan.
Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ang basa kong mukha.
"kasalanan niya to. Naniwala pa kasi ako sa kanya. May pa one minute-one minute pa kasi siyang nalalaman kaya ayan. Lumabas ang hormones ko. Kainis!" Kausap ko sa sarili.
Kung tutuosin, first kiss ko siya. Siya kasi ang unang lalaki na nakahalik sa'kin. Hindi nga naman masama humalik ng lalaki. Mukhang mas masarap pa nga eh. Nakaka-addict.
Aaminin ko, talagang nabitin ako don. Ang sarap naman kasi talaga niya. Hindi naman talaga totoong, he's a lousy kisser. Sa tingin ko nga, mas magaling siya sa'kin eh. Nasabi ko lang ata yun dahil hindi ko alam kung ano ang dapat ilabas ko sa'king bibig. Siya lang kasi ang nag complement ng ganon sa'kin. Teka, hindi ako sigurado kung complement nga ba yun o pang-aasar lang niya.
Saka lang ako natigil sa'king pagmumuni-muni nang may ilang kababaehan na gumamit ng sink. Mukhang nagmadali agad ang mga yun nang makita ako. Sila nga pala yung nang-away sa kapatid ko. Dapat lang talaga silang magmadali dahil nandito ang pinakamagandang dragon.
Gumamit muna ako ng cubicle bago lumabas na ng c.r.
Sa paglalakad ko ay napag-isipan ko kung paano ako haharap kay Andrew. Nakakahiya pa man din yung ginawa ko kanina. Pero alam kong nagustuhan naman niya kaya okay lang. Nabitin pa nga siya eh. Lalo na ako. Pero hindi na dapat maulit yun dahil wala naman kaming relasyon.
Saka ko lang din naalala na manliligaw nga pala sa'kin si Andrew. Pero dapat hindi ko siya agad sasagutin. Baka isipin niya, easy to get ako. Definitely i am not.
Ako na lang naglalakad sa mga koridor ngayon. Pumasok na ako sa huli kong klase. Late nga ako ng three minutes eh. Pinagtitinginan pa man din ako pagpasok ko but i ignore them all. I directly walk towards my partner's side. He smiled at me. My god, he's cute even with those braces, glasses and wig. He's damn hot! How else if he's not wearing his cover-ups? I'm sure he could be a god. I need to stop thinking like this. I'm feeling weird in my own self. I suddenly turn my gaze away from him. I don't want him to think that i'm affected of his presence but honestly i am. I want to hide it from him. I sit at his side then the whole class proceed.
"why are you late Francine?" He whispered.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Ficțiune adolescenți[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...