CHAPTER 33 FRANCINE: MEMORIES

685 15 0
                                    

 

        Linggo na. Aalis ako ngayon gamit ang luxury car ni dad. Pinapacheck-up ko pa kasi ang motor ko simula kahapon at mamaya ko pa pwedeng magamit. Nagmamaneho ako ngayon papuntang mall. Nasa highway na ako na walang masyadong tao at two way lang ang lane. May humarang sa unahan. Nagbusina na ako ng tatlong beses pero talagang ayaw nilang tumabi kaya huminto na ako at bumaba ng padabog. Nilapitan ko sila.

        "ano ba?! Bingi ba kayo o magpapakamatay kayo?!" Galit na galit kong sigaw sa limang lalaki.

        "surrender your car miss." Sabi ng isa.

        Natawa ako don. "ano? Surrender? Pagmumukha niyo!"

        "kung ayaw mong ibigay sisirain nalang namin."

        "try it and your faces will be destroyed first." Banta ko sa kanila. Sinugod nila ako isa-isa. Pero habang nakikibakbakan ako ay hindi ko napansin na kumuha ang isa sa kanila ng bato at ibinato sa kotse ko. Saka ko lang yun namalayan ng narinig kong nabasag ang harapang windshield niyon.

         Sobra na ang init ng ulo ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili. Nabalian ko sila at halos hindi mamukhaan ang mga itsura nila. Saka lang ako tumigil nang magmakaawa ang isa at saka ko lang narealize na sumubra pala ako.

        Bumalik na ako agad sa kotse bago pa maghari uli ang galit ko kaysa pasensiya. Umalis na din ako. Pagdating ko sa bahay ay halos mabingi ako sa sermon ni dad.

        "Francine, what did you do to my car?!" Galit niyang sigaw sa'kin. Nasa sala kami ng pamilya ko except kay mom. Nasa trabaho kasi siya.

        "dad, hinarangan po kasi ako ng limang lalaki at binalak nilang kunin ang kotse pero nang hindi ko binigay ay sinugod ako at binasag pa nila." Paliwanag ko.

        "at nakipagaway ka."

        "nagalit po kasi ako."

        "nakipag-away ka pa rin! Francine hindi kita pinayagang mag-aral ng ilang martial arts para makipagbasag-ulo!"

        "sorry po dad." Hindi na ako lumaban dito. Nakayuko ang ulo ko.

        "i'll punish you."

        "dad!" Agad kong protesta.

        "you'll be cleaning the storage room---"

        "dad, sobra naman po ata yun." Protesta din ni Alexis. Nakapamaywang si dad.

TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon