CHAPTER 11 KEVIN: CAFETERIA SCENE

833 14 0
                                    

        Live at the academy. Walking at the campus and many girls are calling my attention. Sinuot ko nalang ang headset at yumuko. Ayoko silang pansinin. I saw Francine. Kasama niya ang kapatid niya na nakakapit sa siko niya habang kumakaway sa mga kaibigan. Papunta sila sa deriksyon ko. Alexis waved at me with a wide smile. Napatigil ako sa paglalakad dahil papalapit sila sa'kin. Hinihila nito ang kapatid pero si Francine naman ay parang hinihila palayo ito sa ibang direksyon. Pero nagmatigas ang kapatid nito kaya halatang pinagbigyan nalang niya. Nang nasa harapan ko na sila ay nginitian ako ni Alexis. Lumingon ako kay Francine pero nasa ibang direksyon ang atensyon nito at nabobored sa pangyayari.


        "hi Andrew. Salamat nga pala at hindi ka natatakot sa kapatid ko. Kaya bantayan mo siya ha, at pigilan sa pakikipagbasag-ulo. Ikaw lang kasi katapat niyan." Bumaling pa ito sa kapatid at tinirikan lang ito. Muli itong tumingin sa'kin at nakatitig na. Medyo lumapit pa ito. Napaurong ako dahil sa ginagawa nito.


        "hoy! Wag mo ngang landiin yan!" Sigaw ni Francine dito. Tumigil naman ito at umatras pabalik sa tabi ni Francine. "baka mamaya bugbogin pa yan diyan sa kanto pag nabalitaang siya naman ang bago mong target." Nakapamulsa ito.


        "talo mo nga sila eh. Si Andrew pa kaya." Nakapulupot uli ito sa siko. "at saka hindi ko naman siya masyadong nilalandi."

 

        "nilalandi mo pa rin."

 

        "tinititigan ko lang naman siya ng malapitan, para kasing may pagkahawig sila ng teen superstar na si Kevin Ward."


        Bigla akong naalarma at napatingin kay Francine. Ganon rin ito. Lumingon ako sa paligid,mabuti at kaming tatlo lang ang nakarinig non.


        "tumigil ka na nga! Obsess ka lang siguro sa Kevin Ward na yun kaya naalala mo siya sa iba." Agad na sabi ni Francine. "tara na!" Hinila na ito ni Francine.  "baka si Justine Bieber pa maalala mo." may sasabihin pa sana si Alexis pero tuloyan na siya nitong hinila palayo. Sinundan ko lang sila ng tingin. Napahinga ako ng maluwag.


        Pumasok na ako sa silid. Nakaupo lang ako at sumubsob sa mesa para iwasan ang lahat. Nagsimula na akong nag-alala kanina. Napapikit na lang ako. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Francine yun.


        "I know you're thinking about what happened earlier. Don't worry, i'll handle that bitch." Sabi niya na tinapik pa ako sa balikat. Bumangon ako. Napabuntong-hininga.


        "paano pag marami na ang naghihinala? Ayokong mangyari yun." Nababahala talaga ako. Hindi ako mapakali.


        "i'm with you so I won't let it happen. Gusto mo pagsabihan ko sila na huwag kang lapitan at kausapin?"

 

        "tinatakot mo lang sila."

 

        "hindi. Pagsasabihan nga lang eh. Nasa kanila na yun kung tingin nila tinatakot ko sila. Pakiramdam nila yun." Ginagawa yata nito ang lahat para maibsan ang pag-aalala ko.


        "seriously? Gagawin mo talaga yun?"

 

        "i do what i say."

 

        "wag na. Baka mas lalo silang maghinala pag gagawin mo yun. Salamat nalang, pati kanina." Ngumiti ako sa kanya.


TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon