"oh, Shit!" Mura ko nang magising na ako. Napakasakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ito ng napakalaking bato na hindi tumitigil hanggang hindi nabibiyak ang bungo ko. Napapikit ako na sapo ang noo ko. Kinapa ko ang alarm clock sa tabi ng kama ko na nakapatong sa night table. Tinignan ko iyon at alas diyes na pala. Wala naman akong balak pumasok kaya pumikit uli ako. Pero nananakit na ang tiyan ko at kumaripas ako patungong c.r. Saka ko naisuka ang kinain ko kagabi at ininum. Ilang minuto din ako sa c.r. Ang sama ng pakiramdam ko. Nang matapos ay agad na akong naligo para tuloyan ng mahimasmasan. Unti-unti ng nawawala ang hang-over ko. Nang natapos na ako sa pagligo ay nagbihis ako at bumaba na. Kumakalam na rin ang tiyan ko. Dumeritso akong kusina at tinignan ko kung may iniwang lutong pagkain sa'kin si kuya. At meron nga. Agad ko ng pinaghain ang sarili ko at kumain. Kailangan ko pa ring alagaan ang katawan ko kahit ang puso ko ay walang lunas. Nasa isang tao lang ang gamot niyon. Ang korni ko. Pero totoo naman yun.
Buong araw lang akong nagmukmuk sa bahay. Nakasandal lang ako sa sofa sa salas na nakapatong pa ang mga paa ko sa mesita. Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan at ipinatung ang braso sa noo ko.
Tumulo na naman ang luha ko. Napapikit lang ako.
Ang sakit. Napakasakit. Sobrang sakit. She hates me, and i can't accept it! Napakalaki kong tanga. Sana bumalik na lang ako noon. Sana hindi ako naduwag. Tanga ko talaga. Tanga! Tanga! I hate myself! I hate it!
Napaano na kaya siya ngayon? Ano ng ginagawa niya?
Hihiga na sana ako sa sofa kaso tumunog ang cellphone ko. Nagdadalawang isip akong kunin yun dahil wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino. Pero kinuha ko na lang sa bulsa. Napakaingay kasi. Nakita ko sa screen ang number na hindi ko kilala. In-off ko na lang yun. Pero tumunog uli. In-off ko ulit. Tumunog na naman.
Sinagot ko nalang.
"bwesit! Sino ba to?!" Galit kong bungad sa kabilang linya.
"Andrew, wag mo nga akong sigawan!" Ganti naman ng kausap ko sa phone. Pamilyar sa'kin ang boses niya.
"A-Alexis? Ikaw to?"
"ou."
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Ficção Adolescente[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...