Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at bumangon. Medyo magaan na rin ang pakiramdam ko dahil nakapagpahinga na ako. Dalawang araw rin akong walang tulog. Inunat ko ang katawan ko at nilinga ang paligid. Nandito nga pala ako sa bahay ni Andrew. Tumayo ako at pumunta sa verandah. Gabi na pala. Napakaganda tignan ng kagubatan. May mga ilaw ang ilang bahagi. Tumingin ako sa baba at may pool pala dito. Malaki ang pool, hugis parihaba. May umbrella table pa. Malinis ang paligid at maganda ang desinyo. Tinignan ko wristwatch ko. Alas siete na! Kaya pala nag-aalburuto na ang aking tiyan. Hindi na kasi ako nananghalian dahil umuwi lang ako sa bahay para makapagbihis at grabe ang pagsalubong sa'kin ni mom and dad lalo na ang kapatid ko kanina sa school kaya medyo natagalan akong umuwi. Pagkagaling ko sa bahay ay dumeritso na ako dito.
Mukhang nakakahiya yung ginawa ko kay Andrew kanina. Pero wala na yun. Totoo naman kasing nakakaakit siya. Kalimutan mo na yun Francine! Kalimutan mo na!
Umiling-iling ako para mawala na ang iniisip ko. Kinuha ko ang phone sa kama dahil nahulog yata sa kakagalaw ko. Lumabas na ako ng kwarto. Kumalam na naman ang tiyan ko ng makaamoy ako ng ulam. Nagluto yata si Andrew. Dumungaw ako sa ibaba pero wala ito doon. Pumunta nalang akong kusina. Pero napatigil ako sa dining area. May nakahanda ng pagkain sa lapag. Lalo akong nagutom. Nakita ko rin si Andrew. Kalalabas lang sa kusina, may dalang bowl ng rice. Nginitian niya ako. Hindi ko yun pinansin.
"umupo ka na. Kumain na tayo." Anyaya nito. Lumapit na ako sa hapag at umupo sa tapat nito. Umupo na rin ito at nagsimula na kami.
"how do you feel?" Maya-maya tanong nito.
"better."
"wala kang hang-over?"
"hindi naman ako nalasing. Pero masarap talaga yung beer mo ah. Hindi nakakatama."
"saka lang yun nakakatama pag nakatatlo ka na."
"kaya pala."
"bakit? May balak ka ba talagang maglasing?"
"konti."
Naging tahimik lang kami at parang nasasakal ako kaya binasag ko na.
"naabutan ko si Riela kanina sa airport. Dumeritso kasi ako pagkatapos ng conference don Vrona."
"Francine."
"umalis na siya. Iniwan na niya ako." Mahina kong sabi. Pinipigilan ko ang mapaiyak.
"hindi ka makakalimutan non. Saka bibisitahin ka naman non pag may oras siya."
"tama ka." Medyo masiglang sabi ko para mawakli ang lungkot ko.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...