Ito ang pangalawang araw na sinusumpa ko si Kyla. Sinalubong niya ako sa campus. Marami ang nagtitinginan sa'min at pinag-uusapan pa kami. Mga tao talaga dito, hindi marunong mahiya.
Kumapit na naman siya sa'kin at rinig ko ang mga bulongan nila.
"sila na ba ang nagdadate ngayon?"
"okay lang kaya kay Ms. Francine?"
"baka sumuko na si g-nerd kay dragon."
"aaminin ko, mas gusto ko sila ni Ms. Francine."
"ou nga. Mas bagay sila. Cute kasi silang tignan."
"hindi lang cute, nakakakilig pa."
"magkasalungat kasi ang ugali nila."
"karaniwan din kasi sa mga pelikula at manga o anime lang ang lovers na ganyan."
"ou! Naku! Naalala ko tuloy ang anime na Kaichou wa maid-sama!"
"tama ka. May pagkaganon nga ang ugali nilang dalawa. At sana happy ending din."
Lihim akong napangiti don. Bagay nga talaga kami ni Francine. Sila na ang nagsabi. Nakapanood na din ako ng anime na yan. Mahilig rin ako sa anime at manga reader din ako. Tama ang mga ito. May pagkatulad nga sa anime characters na yun ang ugali namin ni Francine.
Nakita kong nairita si Kyla dahil narinig rin niya ang mga yun. Pigil lang nito ang galit.
Pagdating ko sa classroom ay wala pa si Francine. Marami na ring estudyante. Malapit na kasing magbell kaya pumasok na ang ilan. Maingay sa paligid dahil chika dito, chika doon. Ang lakas pa ng tawanan ng ilang grupo ng kalalakihan.
Nagheadset lang ako at sumubsob. Magkukunwari nalang akong tulog para hindi ako papansinin ni Francine.
Pagkamaya-maya ay nakatulog nga ako ng tuluyan. Saka lang ako nagising nang niyugyug ni Francine ang balikat ko. Pagbangon ko ay naghikab pa ako at nag-unat. Tingin ko hindi ako nagising nong tumunog ang bell. Nagsilabasan na kasi lahat at kaming dalawa na lang ang natitira. Posible kayang walang nakabantay sa'kin dahil kami nalang ang nandito? Sana. Gustong kong samantalahin ang pagkakataon na kaming dalawa lang para yakapin siya. Namimiss ko na talaga siya. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.
"sabay na tayo." Ani Francine.
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Teen Fiction[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...