Damn it! Sinipa ko pa talaga ang upuan ko, natumba ito at tumilapon. Galit na galit ako sa sarili. Hindi naman ako nagkakaganito kung may galit sa'kin pero sa kanya naiilang ako. Marahas kung dinukot ang bag ko at padabog na isinara ang pinto. Napatingin ang mga dumadaan sa gawi ko.
"ano ha?! Anong tinitingin-tingin nyo?! Gusto nyong mabugbug?!" Sigaw ko sa mga ito at agad nagsipag-alisan ang mga ito.
Papunta na ako ng parking lot. Sumakay sa'king motor, binuhay ang makina at umarangkada na. Dahil sa galit ko napabilis ang takbo ko kaya wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa resthouse. Mabuti at walang ni isang utoridad ang nakakita sa'kin dahil nag o-overspeed ako. Pagdating ko ay nakita kong may mga motor sa labas. Bakit sila nandito? At kompleto pa!
Hindi ko na ginamit ang doorbell at sinipa na lang ang single door para matawag ang pansin nila. Ramdam kong patakbo silang palapit sa gate. Alam nilang ako ang nasa labas dahil nakikita nila ang tao sa labas dahil may CCTV dito. Pagbukas ni Tracker ay agad akong pumasok.
"hi mistress. Mabuti at---" nilagpasan ko lang sila at hindi pinansin.
"badtrip si mistress." Dinig kong sabi ni Ranger.
"ou nga. Bakit kaya?" Ani Pain.
Humarurot na ako papasok. Hindi ko pinansin ang mga bati nila. "why are you here?" Agad kong tanong sa kanila.
"we're just hanging out, mistress. Tinawagan ka rin ni Tracker hindi ba?" Ani BL.
Kinuha ko phone sa bulsa at may limang missed calls nga galing kay Tracker. "hindi ko napansin." Umupo nalang ako sa sofa at hinayaan sila sa kanilang mga ginagawa. Sina BL, Pain, BR at Scratch ay nag e sparring, sina Grim, Flash at Tracker ay umiinom. Si Knight naman ay hinaharanahan ang ibang mga babae. Tinawag ko siya.
"Knight." Tumigil siya at napatingin sa'kin pati sina Danger, Nightmare at Ranger.
"yes mistress?"
BINABASA MO ANG
TEEN SUPERSTAR (S.O.P.'s Devil Hell) (COMPLETE= under editing) TAG-LISH
Novela Juvenil[TAG-LISH] HE'S the Hollywood teen superstar. But he decided to leave the big screen for a while. Kevin returned to his old place to where he grew up. He's back to pursue the very girl he never forget and trying to live a normal life as a teenager...