Chapter 46

73.4K 1.1K 88
                                    

Jessielie's POV

"Will you stop crying!?"-Rinig kong sigaw ni Gio kasabay non ang pagtama ng unan sa mukha ko. Tinignan ko siya ng masama tska binato din yung unan sakanya pero hindi iyon umabot.

"Tss. Just stop crying okay? Iniiyikan mo ang taong never ka man lang iniyakan."-What Gio said hits me and it made me cry more harder.

"Kasasabi ko lang na itigil mo na eh."-Gio.

"Hindi ko naman kayang itigil eh. Mahal ko si Zig."

"Okay. I know you love him and you cannot force yourself not to love him but you have to stop crying and be strong. Hindi pa ba sapat yung mga ginawa nila sa'yo?"-Tanong ni Gio at naupo sa gilid ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata at pisngi ko tska siya hinarap.

"Your eyes are already swollen. You look like shit."-Mapang-asar na sabi niya kaya napatawa ako.

"Tss. I'll send you your food and you should sleep after you eat. I will come back tomorrow to pick you up."-Gio. Tumango-tango naman ako bilang pag-sangayon.

"Pero Gio paano mo pala nalaman?"-Tanong ko sakanya.

"I just know. Sige na, mauuna na ako papadalahan nalang kita ng pagkain."-Pagpapaalam ni Gio. Muli akong nag-pasalamat sakanya tska ko siya hinatid sa labas. Pagkabalik ko sa loob inayos ko nalang ang mga gamit ko para mabaling sa iba ang atensyon ko pero pagkatapos ko ng magawa ang mga bagay na magpapaalis sa kalungkutan ko pati ang kumain, naupo nanaman ako sa couch at muling tumulo ang mga luha ko, hindi ko na ito napigilan hanggang sa makatulog na ako.

***

"Hindi ka pa bababa?"-Kunot-noo na tanong ni Gio.

"Makikita ko siya."-Malungkot na sabi ko.

"Ano naman ngayon kung makikita mo siya? Will you die?"-Sigaw ni Gio at makikita sa mukha nito ang pagka-inis. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili.

"Sorry. Sige Gio, muuna na ako sa room ko. Salamat ulit ah. See you."-Nakangiting pag-papaalam ko tska bumaba mula sa kotse.

Kailangan ko siyang harapin, kailangan kong ipakita na okay pa din ako. Kailangan kong mag-tapang-tapangan sa harap niya kahit na alam kong sobrang sakit na.

Naglalakad ako sa hallway ng may lumapit din na student tska ako sinabihan na mag-punta daw sa dean's office dahil may sasabihin daw siya. Anong meron?

***

"Bakit niyo po ako pinatawag? May nagawa po ba ako?"-Nag-aalanganing tanong ko sa dean.

"Hindi na ako magpapa-ligoy-ligoy pa, masakit man ito pero you have to enroll to another university."

Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko.

"H-ha? I mean bakit po?"-Hindi makapaniwalang tanong ko. Wala naman akong masamang ginawa, nag-ppass ako ng requirements ko at higit sa lahat, tahimik lang naman akong uri ng studyante dito.

"Hindi ko alam iha pero presidente na mismo ng university ang nag-sabi sa amin"-Kita ko sa mga mata ng dean na parang nag-tatanong din ang mga mata nito kung bakit ako mapapaalis sa school na ito.

Hindi na ako nakapag-salita dahil gulat na gulat pa din ang sistema ko.

"Pwede po ba sixang maka-usap? Hindi naman po ako basta dapat na umalis without knowing the reason diba?"-Tanong ko.

Tumango-tango ito habang naka-ngiti.

"That'll be better. Dapat ngang malaman mo ang dahilan. Nasa pinaka-mataas na palapag ng main building ng university ang office ng university president. Know the reasons iha, I know mabuti ka namang studyante."-Nakangiting sabi ng dean.

Tumango-tango ako tska ngumiti bago nag-paalam at umalis. Pagkalabas ko sa office ng dean, nag-unahan sa pag-tulo ang mga luha ko na agad ko namang pinalis. Humugot muna ako ng lakas bago tinungo ang office ng president.

"Excuse me miss. Office ng president?"-Magalang na tanong ko sa babaeng nakaupo sa isang front desk.

Tumayo ito tska pumasok sa isang door, pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na ito sa office at sinabing maaari na akong pumasok.

Pagkapasok ko sa loob bumungad sa akin ang isang babaeng prenteng-prente na nakaupo sa isang swievel chair at nakangisi sa akin.

Kung kanina, gulat ako dahil sa sinabi ng dean, ngayon naman x3 ang gulat ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

"I-ikaw?"-Gulat na tanong ko habang ang puso ko ay malakas na pumipintig dahil sa takot. Oo inaamin ko, takot ako sakanya. Takot na takot.

"Oh yes my dear."-Nakangising sabi nito.

"Huhulaan ko kung bakit ka nagpunta dito. Tatanungin mo kung bakit ka aalis dito sa university. Simple lang naman ang sagot ko, mapapaalis ka dahil gusto ko."-

"Ano bang problema mo!?"-Malakas na sigaw ko dahil hindi ko na talaga kaya.

"Hmm. Wala naman."-She shrugged her shoulders.

"Wala kang karapatan para paalisin ako dito nang walang rason."-Sagot ko.

"Reason? Pina-abort mo ang baby na nasa sinapupunan mo and you have to be punished."-Matigas na sabi nito.

Nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko, napa-hikbi ako bigla dahilan para takpan ko ang labi ko.

"A-ano?"-Sagot ko nang mahina pero sapat na ito para marinig niya.

Akala ko ay sasagot ito pero tumaas lang ang kilay niya.

"P-pamangkin mo yung nawala."-I said between my sobs. Pero tumaas lang ang kilay nito. Oo, kapatid ito ni Zig.

Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Grabe!"-Sigaw ko sakanya at umalis sa lugar na iyon. Naka-yuko akong umalis sa building na iyon at nag-punta sa lugar na pwede kong ilabas lahat ng hinanakit ko.

Someone's POV
"Is she looking for me?"

"Yes tita."

"I'll call her. Soon. Cause for now I still have my mission."

"Sure tita. I understand, but she's having a hard time."

"I know but for now I can't help her. Meaning, don't leave her. Goodbye."-She seriously said and immediately hung up the phone.

***
Pansin niyo? Ang hilig ko sa someone's POV? Mahilig mang-bitin ng mga readers.
Ginagawa ko yan para yung ibang readers eh ma challenge. Ma excite sa next chap. Paano kung walang pabitin edi hindi na kayo ma eexcite sa next chap, mararamdaman niyong parang ang boring na na nung next chap. Kaya please? Don't complain na nabibitin kayo, kasi maganda ang mabitin, there will be an excitement. Please bare with me. Thanks.

Itutuloy...

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon