Jessielie's POV
Iminulat ko ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang napaka-guwapong nilalang, of course it's Zig.
"Morning gorgeous. Nasa baba na ang mga bata."-Nakangiting bungad nito sa akin tska ako hinalikan sa noo.
"Morning too handsome."-Nakangiti ring pag-bati ko tska siya hinalikan sa noo na may malakas na tunog. Napatawa kaming dalawa at para naman itong nang-gigil sa akin, niyakap niya ako nang napaka-higpit and we cuddled there for a minute.
"Hindi pa tayo lumalangoy"-Naka-pout na pagrereklamo ko tska niya hinalikan ang labi ko. "Oo na mahal, maliligo na tayo pagkatapos mong kumain."-Sagot nito. Ngumiti ako tska agad agad na tumayo at naligo, siya naman ay pinuntahan ang mga bata para bantayan.
Matapos akong mag-ayos, nag-tungo na agad ako sa baba at pinag-hahalik ang mga anak ko habang kumakain ito, nalagpasan ko na si Clancey pero napabalik ako at tinignan ang maliit na akamy nito, chocolate?
Napatingin ako kay Zig na kumamot sa batok.
"Dad! Zienna!"-Malakas na sigaw ko habang naka-tingin kay Zig. Agad nalumapit ang dalawa kaya sinumbong ko nanaman si Zig, nag-umpisa an siyang pag-sabihan ni dad na kesyo raw maagang masisira ang ngipin ng bata. Umalis ako roon at tinungo ang ref para uminom ng tubig. Tska naka-ngising pinapanuod si Zig na sobrang malapit lang sa kinatatayuan ko.
"Dad! She's so cute, she started crying when I did not gave her any chocolates. Her cuteness is overload."-Pag-eexplain ni Zig. Napa-iling naman si dad at kinuha si Clancey at hinugasan ang kamay nito.
Nilingon ako ni Zig at ako naman ay tinawanan siya, sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Mommy I want to swim."-Sabay na saad ni Lancey at Lincoln, sumabat naman si Clancey at sinabing siya rin daw ay gustong lumangoy. Sakto, sa ilalim an maxi dress ko ay ang aking favorite two piece red bikini na may gold sa gitna showing off my cleavage.
"Sure baby."-Sagot ko at pinaghahalik sila sa noo.
"How about daddy?"-Tanong ni Clancey na ngayon ay naka-upo an rin at kumakain.
"Of course daddy will come."-Nakangiting sagot ni Zig at pinaghahalik rin ang tatlo. Masaya akong kumakain habang sila Zig ay nag-tungo sa itaas para palitan ang mga bata, nang matapos na ako sakto namang bumaba sila. Buhat ni Zig si Clancey dahil tamad talaga yang si Clancey, hawak naman ng isang kamay nito si Lincoln na nakahawak rin kay Zane na parang bwisit na bwisit ang mukha, nilapitan ko sila at hinawakan sa kamay si Zane.
Nag-tungo kami sa dagat at agad na naglaro ang mga bata sa sand dala-dala ang laruan nila, yung ginagamit nang mga bata sa sand kapag may binubuo silang ewan. -.-
Naupo kami ni Zig sa isang tabi habang masayang tinitignan sila.
"Ang saya ko sobra, at hindi ako mag-sasawang sabihin sa iyo yun araw-araw."-Nilingon ko si Zig matapos niyang sabihin ito. Napangiti ako dahil nakangiti siya. Magsasalita na sana ako kaso biglang dumating si ate.
"Hoy lovers na hindi maintindihan! Maligo na kayo doon at mag-saya ako nang bahala sa mga bata. Nakakhiya naman kina manang."-Natatawa niyang sabi at naupo sa tabi ko, nilingon naman namin ang gawi nina manang at nag-sasaya sila roon at nagtatampisaw. Napangiti nalang kami, nag-hirap rin sila sa bahay, they deserve that happiness.
"Let's go Jessie."-Inilahad ni Zig ang kamay niya pagkatayo nito. Kinuha ko naman ito at nag-lakad patungo sa mga bata para mag-paalam at baka hanapin nila kami, nag-tungo na kami sa dagat pero bago yun, hinubad muna ni Zig ang t-shirt niya, lumantad tuloy yung nakaka-gutom na abs niya. Tska siya nag-tungo sa dagat, napa-taas naman ang kilay ko dahil talagang ipinakita ang ganda ng katawan niya. Ang katulad kong maganda ay hindi papatalo, kaya hinubad ko ang dress ko at lumantad ang napakaganda kong katawan na dalang-dala nung favorite bikini ko, hingis ko kay ate na ngayon ay pinag-tatawanan ako pero sumisipol rin ito. Nag-tungo na ako sa dagat at agad na niyakap si Zig mula sa likuran nito.