Jessie's Point of View
Pumasok ang isang lalaki sa bahay na nasa 30's. Buong-buong pagtataka na nilingon ko si mama.
"Ma sino po siya?"-Tanong ng kapatid kong si Pau. Lumuhod si mama at mapait na nginitian si Pau. "Pasok ka muna anak, may importante lang kaming pag-uusapan."
Umalis naman si Pau at pumasok sa kwarto niya.
"Ma. Anong meron?"- Kalmadong tanong ko, pero sa kaloob-looban ko, alam kong may hindi magandang mangyayari ngayon. Mag mula sa mga pinagsasabi ni mama kahapon at sa nakikita ko ngayon. Kinakabahan ako.
"Kayo na ho ay aking sinusundo?"- Kung kanina ay puno ng kaba ang nararamdaman ko, nagyon ay natapalan na ito ng takot.
"A-Ano?"
"Naka ready na po ba ang gamit ninyo?"-Tanong nung lalaki. Ano ba ang pinagsasabi niya! Nilingon ko si mama, tulala nanaman at ngayo'y naluluha.
"Ma!"- Pag-tawag ko sa atensyon nito. Narinig ko ang malaks na pag buntong hininga ni mama tska niya ako hinarap, sa wakas!
"Pwede mo ba muna kaming iwan saglit?"-Tanong ni mama dun sa lalaki. Tumango naman siya at binigyan kami ng pagkakataong makapag-usap.
"Anak."
"Ma ano pong meron?"
"I-Im sorry anak. Ptawarin mo sana ako sa ginawa ko. Para naman to sa ikabubuti ninyo eh, para sayo ito at sa kapatid mo ito."-Deretsong sagot ni mama, pero wala padin akong maintindihan. Takot lang ang nadarama ko ngayon.
"A-ano po ba kasing meron?!"
"Ibibigay na kita sa iba."
Nanlaki ang mga mata ko. "ANO!?"
Ipinamigay?! Ano ako laruan?
"A-anak patawad."
Umiiyak nanaman si mama, pero wala akong pakialam!
"Ano po ba ang s-sinasabi niyo?!"-Natatakot ako sa magiging sagot ni mama. Buong katotohanan ang gusto kong marinig pero natatakot ako.
"Financial problems anak. Nag k-kulang ako, nangutang ako, para sa pag-aaral ninyong magkakapatid. At kapalit ng pera na hindi ko kailanman mababayaran, ikaw ang ---"
"Hindi mabayarang pera? Kaya sa madling salita, ako ang bayad?!"- Ito na ang pinaka-masakit na narinig ko sa tanan ng buhay ko. Wala palang panama ang mga pinag sasabi ng mga tsismosa sa tabi dito sa sinabi ng mama ko.
"A-anak."
Dumaloy sa akin pisngi ang mga luhang kumawala sa aking mata.
~CM~