Jessielie's POV
Tumingin ako sa paligid at tanging mga pinsan lang ng Standford ang nandito, nagsi-uwian ang iba dahil hindi rin naman kami kakasya dito. Lumabas ako mula sa room tska naglakad papalapit kay tita Ellis.
Sinilayan ko siya tska ngumiti nang napaka-tamis.
"I am sorry again tita, sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sa'yo."-Paghihingi ko ng paumanhin. Nang may biglang umakbay sa akin.
"Maybe you should start calling her mom."-Nilingon ko ang Zig na nasa tabi ko ngayon, nakangiti siyang nakatingin sa mama niya.
"Will she like it?"-I asked. Tumango siya at ngumiti. Ngumiti ako tska tumango rin.
Today is her last day. Napa-buntong hininga ako tska yumakap sa bewang na Zig. Naramdaman ko naman ang pag-halik niya sa labi ko. Tumalikod na kami tska kami ng-tungo sa kusina, bumitaw kami sa isa't isa tska ko inihanda yung gatas ng tatlo na ngayon ay kasalukuyan pa ring natutulog. Nag-umpisa na ako at kukunin ko na sana ang gatas ng mapansin ko ang ate ni Zig na naka-upo sa couch malapit sa akin tska nakatulala sa kawalan. Teka! Nasaan yung mapapangasawa niya? Bakit hindi ko siya nakikita? Lumapit ako kay Zig at bumulong sakanya.
"Can you leave us for a moment, I wanted to talk to her."
Ngumiti siya at tumango tska niya ako hinalikan sa labi tska siya umalis dala-dala ang kape niya. Gumawa ako ng kape, yung masarap syempre tska ako lumapit sakanya at iniabot ang kape. Napatingin naman siya sa akin tska inabot ang kape niya.
"Alam mo ba kung gaano ako nagdudusa ngayon?"-Malamyang tanong niya pero mararamdaman mo yung galit niya. Napatitig naman ako sakanya.
"Ang hirap ---"
"Mas higit pa diyan ang naramdaman ko noon."-Pagpuputol ko sa dapat niyang sabihin tska tumalikod. Tss! Hindi naman dapat ganito eh, I just wanted to talk to her pero ganyan na? Magddrama na siya sa harap ko. Ipapamukha nanaman sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit sila nagdurusa ngayon.
"Ano ba ang alam mo?"-Inis na tanong niya na ikinangisi ko tska siya hinarap, ngayon ay naka-tayo na siya. Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.
"Hindi ba't dapat yan ang itinatanong mo sa sarili mo at hindi sa akin?"-Nakataas ang kilay na tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat niya sa inasta ko, yeah I wanted to make it up with tita Ellis or mom pero hindi naman pwedeng babalik ako sa dati na nagpaka-manhid at tanga.
"Ha! My mom died ---"
"Oh yes! I know that already! Ako ang may dahilan kung bakit nagkaganyan ang mom --- kung bakit naging ganito ang lahat, yes I am the reason why you are broke right now, yes I am the reason why you always cry at night, yes I am the reason why your baby died, and surely yes I am the reason behind this shits! But have you ever asked yourself, who is the reason behind this hatred in my heart! Who is the reason why I turned like this? Who is the reason why I became like this? Who is the reason why I cam back with revenge? Have you even asked that to yourself if not then ask yourself already! And think about what you all did to me."-Mahina pero matitigas na linya ang binitawan ko dahilan para bumagsak ang mga balikat niya at mapatitig sa akin.
"Alam ko ang nararamdaman mo ngayon dahil pinagdaanan ko na yan. My biological mother left me for her own personal reason, at yung taong nag-alaga at kinilala kong ina ay nawala sa buhay ko, yung dalawang kapatid na inalagaan ko na kahit hindi ko kadugo ay nasa malayong lugar na at ako ang naiwang mag-isa pero dumating kayo sa buhay ko, ginulo ninyo, ang dami-dami ninyong nakakakilala sa akin pero pakiramdam ko nag-iisa lang ako dahil wala ni kahit isa sainyo ang tinulungan ako dahil lahat kayo ay pinagkaisahan ako, sirang-sira na ako. So don't you dare question me because you did this to me! You made me into this girl with hate all over her!"-Sigaw ko sakanya dahilan para mapayuko siya.
"Your mom wanted her family to be happy, and I am doing this for all of you and not for me, I am not doing this dahil sa pagiging pabaya ko sa mom mo, I am doing this for her, to grant her wish dahil yun nalang ang kaya kong ibigay. Nagiging mabait na akong tao oh. Pero inialayo niyo nanaman ako, I was about to talk to you nicely but then you questioned me again and said things about how you are suffering right now!"-I shouted. Nakayuko lamang siya at hindi na nagtapon ng tingin hanggang sa umalis ako sa harap niya at nagtungo sa veranda kung saan ako tumatambay at doon ko inilabas lahat ng sakit sa loob-loob ko.
'Bakit naman? Bakit naman ganito ang takbo ng buhay ko? Palaging umiiyak, MMK na ba to? Tss.'
Pinahid ko ang luha ko pero patuloy pa rin ito sa pagtulo ng luha ko. Kahit anong pahid ko ay nanduon pa rin, ganuon pa rin ang inilalabas kaya hinayaan ko na pero di ko akalain susunod siya sa akin.
"Jess."-Malungkot at mahinang boses ang nagsalita mula sa likod ko, dahan-dahan akong lumingon at nagulat siya ng makita akong lumuluha. Pero nawala rin kaagad yun tska siya nag-abot ng tissue, tinignan ko iyon tska tinanggap at pinahid ang mukha kong nababasa dahil sa luha. Ibinalik ko ang paningin ko sa view pero naramdaman ko ang pag-lapit nito at ngayon ay nasa tabi ko na siya habang nakatingin rin sa kabuuan ng city.
"I am sorry."-Lintanya niya, bahagya akong napangiti pero hindi ko ipinahalata sakanya.
"You're right. Kahit na sigawan kita at sisihin ng paulit-ulit hindi na mabubuhay si mama. Patuloy kitang sinisigawan at sinasabihan ng masasakit na salit pero hindi ko man lang naisip na gusto na ni mama ng katahimikan sa pamilya natin at maging masaya nalang. Now she's gone I cannot even grant her wish at ako bilang anak, ang lumalapit pa sayo at inaaway ka."
Good thoughts.
"S-sana patawarin mo na ako sa mga ginawa ko sayo noon, patawarin mo ako kasi hindi ako naging mabuti sayo."-This time napalingon na ako dahil ramdam ko sa pananalita niya umiiyak siya at tama nga ako. Pero hindi ko siya pinansin, hindi siya binigyan ng tissue at ipinakitang wala na akong gana but I just wanted her to tell everything. Dapat niya iyong ilabas.
"I ruined you many years ago at ngayong nagbalik ka na, sinisira nanaman kita. Napaka-mean ko sa'yo noon, at alam kong nanginginig ka kapag nakikita mo ako at ako naman ay natutuwang makita ka pang ganuon, natutuwa rin ako kapag inaaway ka ni Zig. Pasensya."-Umiiyak na sabi nito. Rinig ko ang malalim na pag-buntong-hininga niya.
"Sinira kita at ngayon ako naman yung sirang-sira. Ang hirap ng napag-dadaanan ko ngayon at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, isipin ko pang wala na akong masasandalan dahil wala na si mommy. Pakiramdam ko kinuha na sa akin lahat, iniisip kong ito na nga yata yung karma ko dahil sa mga pinag-gagagawa ko sayo noon. At hindi ako magsisinungaling, dahil sa mga isiping iyon, ay nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita kita. I keep on blaming you pero napaag-isipisip kong, patuloy kitang sinisisi pero hindi ko man lang sinisi ang sarili ko kung bakita ganyan ka na ngayon. Hindi na ikaw yung Jessie noon na may mabuting puso. Kaya sana patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo, tama ka nga talaga."-Humihikbing lintanya nito.
Napa-ngiti ako tska nilingon siya, lumingon rin siya at bahagya akong nagulat dahil ang isang mataray, mayabang, at nakakatakot na ate ni Zig na nakilala ko ay mayroong napaka-among mukha.
"Sorry talaga."-Umiiyak ng sabi nito at napa-upo pa. Nakaramdam ako ng awa bigla sakanya, lalo pa't sinabi nitong wala na siyang masasandalan ngayon pa't marami raw siyang pinag-dadaanan ngayon. Yumuko ako at hinawakan ang magkabilang braso niya at iniangat siya. Patuloy siya sa pag-iyak, kaya naman hinila ko siya at niyakap, ramdam kong nagulat siya pero maya-maya pa ay humigpit na rin ang yakap niya at umiyak ng umiyak.
Napa-pikit ako. 2 down, 1 to go.
"Thank you Jessielie. Thank you for accepting us, thank you so much."-Umiiyak na sabi nito tska ako mahigpit na niyakap.
***
Yehey! Haha.
Next ulit, actually may mga mangyayari pa so wait for me. Okay?
Lovelots <3
Godbless!