Chapter 23

74.3K 1.1K 154
                                    

Jessielie's POV

Andito kami ngayon ni Callie sa isang favorite clothes shop niya. Binilihan niya ako ng mga damit for preggy, bumili din siya ng maxi dress para palitan ko yung masikip kong damit na suot kanina.

"Oh ano? Nakapag-desisyon ka na ba kung paano mo sasabihin sa mahiwaga mong asawa ang tungkol sa dinadala mo?"-Nag-aalalang tanong ni Callie.

"Nakapag-isip na ako friendship hindi ko muna sasabihin sakanya ngayon. Sasabihin ko nalang sakanya sa right time, pero hindi pa yun ngayon."-Sagot ko sakanya.

"Kelan naman ang right time?"

"I don't know. Basta ayaw ko munang sabihin ngayon."-Sagot ko.

Niyakap niya naman ako.

"Basta pag may problema sabihin mo lang sa akin I won't hesitate para tulungan ka. Sige na, ihahatid na kita 7 pm na din eh."-Callie.

Tumango ako. Sumakay na kami sa kotse niya at hinatid ako sa bahay namin.

Nang makarating kami.

"Jessie. May baby ka jan sa tummy mo. Please huwag mong hahayaang sasaktan ka ni Zig physically."-Pagpapaalala ni Callie.

Tumango ako at muling nagpasalamat tska lumabas at pumasok sa bahay na tinitirahan namin.

*

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Hindi ako naka-kain!"-Nagulat ako sa pag-sigaw ni Zig habang may hawak na beer.

He's drinking.

"Sorry Zig. Madami kasing patient sa p-public hospital na pinuntahan ko."-Pag-eexplain ko.

"Hospital? Really?!"-Sigaw niya at hinila ang tela ng maxi dress malapit sa tummy ko at tinignan ang mga hawak kong paper bag.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Baka saktan niya ako .. kami ng baby.

"Zig huwag kang mag-isip ng masama. Nakita ko si Callie, nilibre niya ako. Sorry ulit."-Sagot ko at yumuko. Ayaw kong makita ang nakakatakot niyang mukha.

"Tss. Go cook for dinner!"-Sigaw niya at bumalik sa pag-inom.

Naka hinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa kwarto ko at nilapag ang mga damit doon.Bumaba na din ako at pumasok sa kusina para magluto ng chilli con carne. Hmm sarap. Parang gusto ko ng spices ngayon hihi. Nang matapos ng mahanda lahat, tinawag ko na si Zig.

"Huwag kang sasabay sa akin, ayaw kong maka-sabay ang isang katulad mo."-Walang emosyon niyang sabi. Kahit gustong-gusto ko siyang sabayan hindi na ako nag-mapilit, baka saktan niya lang ako mapahamak pa si baby.

Pinanuod ko lang siyang kumain, inuutusan niya din ako kung gusto niya ng water or juice para lang akong isang katulong dito but it's okay huwag niya na lang akong sasaktan.

I am watching him while he's eating napaka gwapo ng isang katulad niya. Napangiti ako ng maisip na baka maganda or gwapo ang magiging anak namin tska maganda din naman ako ah hahaha ^__^ Napahimas ako sa tyan. Nang umalis siya, umupo na ako pero nagulat ako ng walang natira. 

Biglang nag-init ang ulo ko.

"Zig! Bakit mo naman ako hindi tinirahan?"-Lakas-loob kong tanong.

Nagulat ako ng nilagay niya ang isang kamay sa magkibalang pisngi malapit sa labi ko at pinisil ito.

"Bakit nagrereklamo ka?!"-Sigaw niya.

Bakit ba ganyan siya?!

"Zig nagugutom lang naman ako eh."-Pagdadahilan ko. Pero totoo naman talaga.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon