Chapter 83

42.6K 607 55
                                    

@Angel_Rose28 uy sorry haha. Ito na yiee <3

Jessielie's POV

The couple that are meant to be are the ones who go through everything that's designed to tear them apart and come out even stronger. 

Tumayo ako at hinarap ang full length mirror, napangiti ako dahil sa babaeng nakikita ko ngayon sa salamin. A woman who got hurt million times but got back up for her to be happy again. 

"You're gorgeous."-Napalingon ako sa pinang-galingan ng boses na iyon, si Zienna at dad.

Hinarap ako ni Zienna tska nginitian at nagulat ako ng may inilagay siyang maliit na crown sa ulohan ko. "Hindi namin iyan ibinigay sa'yo nung araw nang kasal niyo, alam mo naman." Bahagyang nahiya siya at pilit na ngumiti. "Pero ngayon, ibinibigay ko na sa'yo yan. Welcome to the family Jess, I am so sorry." Naluha siya at niyakap ako.

"Zienna naman eh! Pinapaiyak mo ako, sapakin kaya kita!" Parehas kaming natawa dahil sa pang-aasar ko. 

Naramdaman ko na rin ang pag-yakap ni Clancey sa tuhod ko. At napatawa ako dahil sa suot nito, parehas na parehas kami ng gown, ang kanya ay walang veil pero parehas na parehas talaga kami, napalingon ako sa dalawang bata na paparating kasama sina manang. Naka-tuxedo rin ang mga ito. Lumuhod ako at niyakap ko sila.

"I love you mommy."-Lincoln and Zane both said. Hinalikan ko sila sa pisngi tska na tumayo.

"Congratulations iha."-Niyakap ako ni dad. 

Pero nasa ganuong sitwasyon kami ng tinawag na kami ng coordinator para mag-punta na sa simbahan. Inalalayan ako nina Zienna hanggang sa naka-rating na kami sa kotse na maghahatid sa akin. Sumakay na sila sa van tska kami umalis.

Mahigpit na hawak ko ang bouquet tska malalim na huminga. 

Matapos ang sampung minuto, huminto na kami sa harapan ng simbahan, tanaw ko na rito ang mga tao, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Ang tears of joy na gusto nang lumabas ay pinipigilan ko, my make will be ruined. Tss. 

Hanggang sa sumenyas na sila na mag-uumpisa na. Nag-umpisang mag martsa ang lahat ng abay. Isinara ang napaka-laking pinto tska ako pinalabas. Sad to say, wala akong kasamang mag mmartsa sa loob pero okay lang, nasa loob naman na ang makakasama ko habang buhay. 

Nag-lakad na ako at tumayo sa harapan ng pintuan.

"A bride should not walk in the aisle all by herself."-Napalingon ako sa coordinator, isa siyang british. Nasa ganuon akong posisyon ng may isang babae at lalaking tumayo sa magkabilaan ko. Napanganga ako nang masilayan ko ang dalawa. Nag-umpisa nang mangilid ang luha ko.

"Oops honey. You should not cry."-Nakangiting saad ng mama ko, naka-suot lamang ito ng itim na slacks at itim na coat. Sunod na binalingan ko ang aking amang naka-tingin rin sa akin. Hindi ko na talaga napigilan at kusa ng tumulo ang luha ko. Pero pinalis ito ng papa ko.

"We should get going."-Pag-sisingit nung coordinator, napatawa kami at nag-yakapan. Inalis ni mama ang itim na gloves nito, ganuon din si papa. Tska na ako kumapit kay papa. 

Kasabay na nuon ang dahan-dahang pag-bukas ng pinto ang pag-tunog ng isang awiting, intro pa lang niya, ramdam na ramdam mo na ang ibig ipahiwatag nung kanta. Lahat ng tao ay nagsi-tayuan na ng mag-lakad kami.

Lahat ng tao ay nakangiting naka-tingin sa amin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko rin si dad at ate na naka-titig sa dalawang taong kasama ko ngayon. Marahil nag-tataka ang mga ito kung sino ang kasama ko. Napalingon naman ako sa mga anak ko, si Zane at Lincoln ay masayang naka-tingin sa akin, napatawa ako nang makita si Clancey na kumakain ng chocolate habang kumakaway-kaway pa sa akin.

"Iha, maga yatang mabubugi ang apo nami."-Napa-hagikhik kami ng mahina dahil sa sinabi ni papa, pati na rin ang accent nito at kulang-kula na letra kapag nag-sasalita. 

Inalis ko na ang paningin ko roon at dumapo kay Zig, napa-iyak ako nang makita siyang naka-tingin sa akin habang matamis na naka-ngiti, ang guwapo niya, sobrang guwapo niya.

On this day, my life will finally change. A change that I've been dreaming of.

Huminto na kami nang nasa altar na kami, nakipag-kamay ang mga magulang ko sa papa ni Zig, pero makikita mo sa papa ni Zig na nagtataka ito kung sino ang mga kasama ko. Pero walang nag-salita at nag-palitan lang ng ngiti. Hinawakan naman ni dad ang kamay ko at inilahad sa kamay nni Zig. 

"Please be careful of our daughter for we will not be with her always."-Saad nang mama at papa ko nang mahawakan na ni Zig ang kamay ko.

Tila nagulat ang mag-ama dahil sa hindi inaasahang pag-tatagpo ng mga ito. At dito pa sa simbahan kung saan ikakasal na ako. Kahit gulat ay tumango si Zig.

Kumapit ako sa braso niya tska kami nag-lakad papunta sa mga upuan namin, kaharap ng pare at altar.

Being someone's first love may be great, but to be their last is beyond perfect. 

Noon, nakaramdam ako ng takot at kaba pero ngayong alam kong mahal ko siya at mahal niya ako, sobra-sobrang galak at excitement ang nararamdaman ko. 

Madami ang sinabi ng pare, madaming blessings ang aming natanggap, hanggang sa dumating na ang pagpapalitan namin ng sing-sing.

"With this ring, I give you my heart. I promise from this day forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home. And with this ring I promise I will pack you lunch, I will make the bed and will kiss you all the time specially when you're mad."-Napahagikhik ako dahil sa sinabi niya.

"With this ring, I give you my trust, my heart,  and my soul. As you wear this ring, there is a promise that you will be my husband through good and bad. A promise that you will catch spiders for me, you will get the mail and you will hug me all the time."-Napatawa silang lahat dahil sa sagot ko sa sinabi niya.

Muling nag-salita ang pare hanggang sa sinabi na nito ang mga salitang nag-papatunay na kami ay pinag-iisa.

"You are now husband and wife. You may now kiss the bride."-The father announced.

Nakangiti kaming magka-harap ni Zig, hinawakan niya ang veil ko at unti-unti itong inalis. Tumitig siya sa akin at dahan-dahan siyang lumapit at hinalikan ako ng puno ng pagmamahal. Kasabay nang pagpalakpak ng mga tao ay ang siyang pag-tulo ng mga luha namin.

Love begins in a moment , grows over time and lasts in an eternity. 

***

"Ito ang pinaka-masayang araw ko."-Saad ni Zig habang kami ay sumasayaw sa gitna. 

Naaalala niyo ba noong unang kasal namin? Halos hindi kami mag-pansin nuon, at kung magpapansinan mo, peke lang, in short peke ang lahat nuon Halos hindi rin ako nito ipinakilala sa mga kaibigan niya. Pero iba na ngayon, super proud niya ako ipinakilala sa lahat ng pamilya niyang naka-punta rito sa kasal namin, sobra ang sayang nadarama ko, nakakabaliw.

"Thank you Jess for welcoming me in your life."-Zig. Ngumiti ako at hinaplos ang mukha niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon kung saan naka-lagay ang sing-sing.

"Madami pa tayong pag-dadaanan babe pero sana kakapit pa tayong dalawa. I love you so much Jess."-He said sweetly.

We continued to dance na parang kami lang ang tao sa mundo.

Here's to LOVE and LAUGHTER and HAPPILY EVER AFTER

Here's to LOVE and LAUGHTER and HAPPILY EVER AFTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

@AnicaBlaze Twitter

DakilangCrazyMedusa Facebook 

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon