Chapter 4

118K 2.2K 16
                                    

Jessie's Point of View

Pinapaalis na ako ng sarili kong ina. Alam kong mahal niya ako, nararamdaman ko yun pero ang hirap isipin at tanggapin ang nangyayari ngayon.  

Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at hinarap si mama. Tska ko kinuha ang bag ko at doon nilagay ang mga gamit ko.

Umupo si mama sa kama. At muli niya akong tinawag na 'anak.'

"Huwag na po kayong mag-salita. Aalis na po ako."- Malamig na saad ko, pero talagang traydor ang aking mga mata dahil lumuha nanaman ito. Hindi ko siya kayang kausapin, sobra akong nasasaktan, ang hirap humanap ng salita at pakiramdam ko kapag nagsasalita ako sa harap niya, labas sa ilong ang mga sinasabi ko. Hindi ko talaga kaya.

"Patawarin mo ako. Ginawa ko ito para saiyo at sa kinabukasan ng mga kapatid mo."- She pleaded.

"SAAMIN? ANG SABIHIN NIYO PARA SAINYO TO! SAINYO NG MGA KAPATID KO! KAILANGAN NIYO AKONG IBENTA PARA SAINYO NG MGA KAPATID KO!"- Malakas na sigaw ko at pakiramdam ko sasabog na ako ng di oras.

Naiinis at nagagalit talaga ako ngayon, hindi  na nagawa pang magsalita ni mama at umiyak nalang. Binuhat ko na ang mga bag ko, pakiramdam ko nanginginig ako at anytime, maaari akong bumagsak. 

"Salamat sa pag ampon. Paalam."- Sarkastikong saad ko. Umiling-iling ako at ipinakita ang pagka dismaya ko.

Narinig kong napahagulgol si mama. Hindi na ako magpapaalam sa mga kapatid ko, lumabas na ako at nakita yung lalaki kanina. Binuhat niya ang mga bag ko at inilagay sa likod ng kotse. Binuksan niya ang backseat. 

Tinignan ko muli ang bahay at inalala ang masasayang ala-ala. Iwinaksi ko ito sa aking isipan at pumasok na sa kotse.

"Saan po tayo pupunta?"- Tanong ko.

"Malayo po ma'am. Mabuti pa't ipagpahinga niyo po muna iyan."- Sagot nito.

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan nalang ang mga luha na kumawala. Hindi ko ito mapipigilan.


NAALIMPUNGATAN ako sa mahinang pag tapik sa balikat ko. "Ma'am narito na ho tayo."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at hindi makapaniwala sa nakikita, isang mansyon, magarbong mansyon.

"Pasok po kayo ma'am."- Pag aanyaya nung lalaki. Tumango ako at sinundan siya.

Kinakabahan at natatakot ako sa kung anong klase ng tao ang makakaharap ko ngayon.

Lalaki ba o babae? Masungit ba o mabait? Matanda o bata pa?

Pumasok na ako sa loob. At kung ano ang ikinaganda ng labas nitong mansyon ay siya namang ikina pangit nito sa loob. Ang looban ay nag mistulang basurahan. Nagkalat na wrapper ng candy, mga soda can, mga papel at mga damit.

"N-nasaan po mga tao dito?"- Tanong ko doon sa lalaki.

"Darating na po yun ma'am. Pasok nalang po kayo sa kwarto ninyo, huwag ho kayong mag-alala, nanduon na rin ho ang gamit ninyo."- Sabi niya at umalis na siya kaya sinundan ko siya.

Pumasok kami sa isang kwarto.

"Dito na po ang kwarto niyo. Ihahatid ko nalang po ang mga gamit niyo dito."- Sabi niya sa akin. Tumango lang ako at pumasok sa room, para akong naninibago sa kwartong ito. Napaka-ganda, pero wala ako sa mood para mag diwang sa kwartong tutulugan ko ngayon dahil sobrang napaka-bigat ng pakiramdam ko.

Napaka-yaman naman nitong inutangan ni mama pero bakit nagmamadali siyang pagbayadin si mama? Ang saklap lang na ako ang bayad, kailan ba naging bayad ang tao?

"Ma'am --- "-Pumasok ang isang babae. Isa siyang katulong pero napaka bata ng hitsura nito.

"Ahm miss ano ka rito?"- Tanong ko.

"Y-yaya po."

"Yaya? Nag apply ka ba?"

"Hindi po. naghahanap po kasi ng yaya yung gwapo kong amo kaya pumasok ako dito! Sige po b-bye!"- Sabi niya at umalis.

Gwapong amo? Nagawa pa talaga niyang purihin ang kung sino man yan! Hindi ko na nagawa pang ayusin ang mga gamit ko, sobrang pagod ang nararamdaman ko.

Humiga ako at hinayaan ang sariling tuluyan ng makatulog.


~CM~

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon