Jessielie's POV
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng malalakas na tawa. Napadalilat ako at napaupo, luminga ako sa paligid pero wala akong nakita ni kahit anino. Saan nanggagaling yung tawa? Hindi kaya magiging horror na ang kwento ko?
Napatampal ako sa mukha dahil sa naisip, tumayo nalang ako at nag-ayos ng sarili tska ako bumaba at nag-tungo sa sala at doon ko nakitang nakatali sa upuan si Zig at pinaglalaruan siya ng mga anak ko, bahagya akong napangiti. Hindi nila alam na narito ako kaya masaya ko lang silang pinanuod, napag-desisyunan kong ilabas ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato at video.
Naka puting t-shirt si Zig, naka pantalon ng black, naka piring ang mga mata nito, nakatali sa isang upuan at puno ng pintura ang shirt na kung anu-ano ang drawing lalo na ang mukha nito. Masayang pinapanuod ko sila nang lumapit ang kasam-bahay namin na may ngiti sa labi.
"Ilang taon na rin ang nakalilipas simula nang maging asawa mo siya, hindi naging maganda ang pagsasamahan niyo noon pero tignan mo naman ngayon, nakakatuwa silang tignan at makikita mo kung gaano nila ka-miss ang ama nila. Pati itong si Zig ay nasisisyahan, ala sais nang magising ako at nakita ko na lang silang naglalaro ng ganyan."-Nakangiting nilingon ko si lala. Siya yung dating kasambahay namin, noong hindi pa kami magkasundo ni Zig ay siya na ang kasambahay namin at syempre hanggang ngayon ay siya pa rin, at ngayon ngang nagkaka-edad na siya, hiniling niyang tawagin siyang lala kaysa lola.
"Natutuwa nga po ako sa nasisilayan ko ngayon, ang sarap sa pakiramdam at ang sarap nilang panuorin."
"Mommy!"-Sunod sunod na naglingunan ang dalawa ng sumigaw si Clancey at nagtatakbo papalapit sa akin, sumunod naman ang dalawa. Si Zig naman ay palinga-linga dahil naka-piring ang mga mata. Lumuhod ako para pantayan ang tatlo.
"What are you doing again?"-Natatawang tanong ko sa tatlo, mula nang makilala niyo ang tatlong ito alam niyo naman kung gaano sila kagulo diba? These two boys of mine beheaded Clancey's Barbie doll and hang it.
"We just wanted to have some fun."-Lintanya ni Clancey tska ito nag pout, pero napa kunot noo ako nang habang nag-sasalita ito ay may napansin akong color brown something sa ngipin niya, don't tell me!
Agad akong tumayo at sinapok si Zig sa ulo.
"Aww! Kids was that you? Don't ---"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil inalis ko ang piring sa mata niya.
"Jess? Why did you ----"
Sinapok ko siya muli sa ulo at narinig ko pa ang hagikhikan ng tatlo.
"You let Clancey ate chocolates again?! Diba sabi ko naman sa'yong bawal siya kasi lunod na siya sa sweets? Ikaw ang kulit kulit mo!"-Napa-sigaw ito ng pingutin ko siya pero may halong tawa. Binitawan ko siya at nilapitan ang tatlo.
"Let's go babies, kain na tayo at iwan si daddy diyan. Taraa"-Natatawang asar ko tska nilingon si Zig na ngayon ay nag-sisisigaw at pilit na kumakawala sa upuan. Natawa kaming lima tska kami lumapit sa lamesa at nag-almusal na kasama ang mga kasambahay. Pero nasa kalagitnaan kami ng kainan ng may sumigaw mula sa sala.
"Kyaah! Tulong tulong naka-gapos ang kapatid ko huhu! Tulungan niyo kami!"-Agad akong napatayo at nag-tungo sa sala at doon ko naabutan ang kapatid ni Zig na ngayon ay hinihingal pa at si Zig na naka-kunot ang noo at tinitignan ang ate niya na para itong isang bobo. -.-
"Ate. Kagagawan yan ng tatlo, kaya hayaan mo siya diyan at manigas dahil pinakain nanaman niya si Clancey ng chocolate."-Pag-eexplain ko tska inirapan si Zig na halatang gusto nang makawala.
"Aish this brat! Ma diabetes yang anak mo ng di oras eh!"-Sigaw ng kapatid ni Zig tska niya binato si Zig ng teddy bear na naka-kalat sa sahig. Napailing ako tska niyaya si ate, todo sigaw naman si Zig. Naupo na kami at itinuloy ang pagkain. Pero hindi pa ako nakaka-subo ng marinig ko ang boses ni dad, ang papa ni Zig. Nag-tungo ako doon at sumandal sa pader habang ngumingisi.