Jessielie's POV
"I can't believe you did that!"-Zig shouted. Napangisi naman ako."Did what?"-I asked like an innocent. Napahilamos naman siya sa mukha, sinigawan ko lang naman kasi ang mama niya, kulang pa nga yung mga pinag-gagagawa ko ngayon eh.
"My mom is not in a good shape."
"So what!? I don't care!"-Mataray na sabi ko at iniwan siya, nag-tungo sa kusina, kumuha ako ng isang mansanas tska ako lumabas at bumungad naman sa akin ang ina at ate ni Zig na nag-uusap sa may garden. Ngumisi ako tska ko sila nilapitan. Napatingin naman sa akin ang kapatid ni Zig.
"Oh Jessie. Why don't you join us?"-Mahinang tanong ng mama niya, maybe naaalala niya yung mga pinag-sasabi ko sakanya kanina. Kumagat ako sa apple tska tumawa sa harap niya.
"Alam mo nakaka-bilib ka. Pagkatapos lahat ng mga ginawa mo, may gana ka pang humarap sa akin ng ganyang mukha. Nakangiti at napaka amo."-Pagtataray ko, tila nagulat ito sa mga pinag sasabi ko.
"Iha, hindi mo ---"
Naputol ang dapat nitong sasabihin nang sadya kong tabigin ang isang basing may lamang juice, bumuhos ito sa lap ni Ellis. Napa singhap siya pero hindi na nag-salita.
"Oops! Sorry."-I said with a smirk. Pero mukhang hindi naka-tiis ang ate ni Zig, pabalang itong tumayo at masamang tingin ang ibinato sa akin.
"Sumusobra ka na ah! We've been trying our best to get along with you pero tumigas ka! We want to make things right, but you ---"
I scoffed and face her.
"Make things right!? Nagpapatawa ka ba? Hindi niyo na mababago yung mga pinag gagagawa niyo sa akin noon, at pwede ba huwag kang umasal diyan na ikaw ang naaapi kasi in the first place ikaw yung mayabang na nang-aapi! Huwag kang mag-malinis! Pwede ba!"-Malakas na singhal ko sakanya.
"You want a fight? Huh Jessie!?"-Mataray na saad nito. Ngumisi ako at lumapit pa sakanya.
"Oh yes honey. That's what I've been waiting for."-Pagtataray ko tska naglakad palayo, tinatawag pa ako ni Ellis but I did not look back. Narating ko ang second floor and then biglang may humawak sa braso ko at iniharap ako sakanya, bumungad sa akin ang ate ni Zig.
"Ano bang problema mo! Pwede bang kalimutan mo na ang nangyari?!"-Malakas na sigaw niya sa akin, napatawa ako ng napaka-hina.
"You killed the innocent child inside me, you ruined my life and you did not even care. Ano sa tingin mo ang kahahantungan ng mga pinag-gagawa niyo sa akin? Should I just let you off? Everyday till night, I am crying alone, hoping that someone will save me from hell, but no one came."
"I understand you, kaya nga ---"
"Understand? Hindi mo ako naiintindihan because you are living in a luxurious life, hindi mo mararansan ang pag-hihirap ko. Pero para naman malaman mo ang naramdaman ko noon, should I do it?"-I said smirking and I stared at her tummy. She's pregnant eh.
Nanlaki ang mga mata niya at napa-hawak doon, lumapit pa ako sakanya pero siya naman ay nanginginig na humakbang.
"Parang awa mo na, h-huwag mong gagawin sa amin yung ginawa ko."-Nanginginig na sabi nito. Pero imbes na maawa, ay ngumisi pa ako, ngising nakaka-kaba at mukhang umepekto ang ngisi ko dahil kitang-kita ko na kung paano ito manginig, nabitawan naman nito ang chips na hawak niya tska ito nagkalat sa sahig.
"Scared ehy? I was also scared at that time, specially when I saw blood, hindi ko alam ang gagawin ko, I've been asking for your help but you just left me there crying and sweating. And I've been thinking, should I scare you till your baby loses its grip and blood will start to flow down on your thighs and then you'll collapse and I will leave you alone. That'll be fun right?"-I said smirking like a killer, I heard a sob hanggang sa napa-upo siya sa sahig. Yumuko ako para pantayan siya.