The bestfriends

394 14 0
                                    

Leah's POV

Eto na ang tamang panahon para magsimula ng panibagong life. Kailangan ko ng bumalik sa mga totoong nagmamahal sakin at yun ang family and friends ko. Kaya naman nagdecide na akong umuwi. Hindi ko pwede igive up lahat nang dahil lang sa isang walang kwentang lalake. Aja! Keri ko to. Ang ganda ko kaya. :)

Pagkauwi ko, niyakap ko agad sila mama at ang kapatid ko. Namiss ko sila sobra. Masaya ako at nakasama ko na sila pero hindi ko pa din maiwasang malungkot dahil naaalala ko dito sa bahay ang mga pangit na nangyari.

Sobrang pagod ko sa byahe kaya nakatulog na ko, ni hindi ko pa pala nasasabi kay fatima na nandito na ko. Issurprise ko nalang sya. :)



Fatima's house

Pag punta ko sa kanila sinabi sa akin ni tita na hindi pa daw gising si fatima. Haynako naman tong babaeng to tanghali na eh. Kaya nag pasya akong ako na ang gumising sa kanya.

Tok tok.. Tok tok..

Mantika naman matulog to. Ang sakit na ng kamay ko kakakatok. Tss!

Tok.. Tok. Tok..

"Sino ba yan? Teka lang. Istorbo naman oh!"

Grabe naman si bes. Beast mode agad. Hahaha eh kung binubuksan nya na yung pinto.

"Oh my gosh! Leaaaaaah!"

"Hi bes. Miss me? :)"

"Of course bes. Kamusta ka? Okay ka na ba? Nakausap mo na ba sya? Okay na ba kayo? Kailan ka pa dumating? May pasalubong ka ba? May chika pala ako sayo, kuma.."

"Hep hep! Teka ha. Sa dami ng tanong mo nakalimutan ko na kung anong isasagot ko."

At sabay kaming natawa. Hay baliw pa din tong kaibigan ko. Hahaha so ayun nga, nagchikahan lang kami buong araw. Nasabi ko sa kanya ang nangyari at syempre natural na reaksyon ng kaibigan.. GALIT KAY EX.

Nalaman ko din na may namumuong love story sa kanila ng crush nyang si JM. Sobrang happy ko dahil sa wakas magkakalovelife na sya ulit. :) nabanggit din nya yung kaibigan ni JM na si Joseph. Hmmmm, I'm not interested. Maybe next time.








Fatima's POV

Si Leah pala yung nangbulabog sa pagtulog ko. Masaya ako dahil nandito na ang bestfriend ko. Pero hindi ko pa din maalis ang magalala kahit na sinasabi nya sakin na okay lang sya. At habang kasama ko sya, alam kong may nagbago kay bes.

Kulang talaga ang isang araw sa amin ni bes pag magkasama, kaya naman naisipan nyang magovernight sa bahay. Okay lang dahil wala namang pasok bukas. Kain. Kwento. Kain. Chika. Puro kami ganyan, hanggang sa hindi ko namalayan na nagtext na pala sya. At si bes ang nakabasa nun.

Mr. Right

Hi Good evening. Gising ka pa ba? I just want to ask something.

Binasa ng malakas ni leah. At kinabahan ako dun. Ano kaya ang tatanong nya?

"hala bes. Baka tatanong nya kung pwede manligaw sayo? Yiiiiii!"

"Wag kang ano dyan bes. Agad agad? Akin na nga yang phone KO."

Rereplyan ko ba o hindi? Bat kinakabahan ako? Yun nga kaya talaga ang itatanong nya. Eeeeeeehhh.

"Replyan mo na! Dali! Tagal oh!"

"Oo na. Eto na nga oh."

To: Mr. Right

Hello, Yes I'm still up. What is it?"

Message sent

After 30mins. Wala pa ding reply si Mr. Right. Ano ba yan! Pinagloloko ata ako nun eh. Bumaba muna si leah para kumuha ng chichirya. Haaay. Baka naman nawrong send lang yun o kaya tulog na?

"Bes ano meron ng reply?

1 new message received

Speaking of reply. Hihihih. Eto na sya.

8888

Expired na ang iyong Unlitext and call. Thank you!

"Anong sabi bes?"

Nakakadismaya! Hindi dahil expired na ang load kundi akala ko sya na.

"Wala bes. Expired na daw load ko."

"Nubayan! Akala ko pa naman sya na."

After 3hours.

Nakatulog na si bes dahil 3am na din pero ako gusto ko ng matulog pero yung isip ko gising na gising pa at gumagala pa. Sinusulyapan ko pa din ang phone ko at baka magreply pa sya pero...

1 new message

Mr. Right

Sorry late reply. You know what? From the moment I saw, I know that you're the one I'm waiting for. I know na medyo mabilis pero eto na kasi yung nakikita kong chance so I grab it. Gusto kita! Alam ko na hindi ka agad maniniwala, Kaya kung papayagan mo sana ako. Gusto ko sanang manligaw, kung okay lang sayo?

Nanaginip ba ko? Hindi! Eto talaga ang reply nya. Yiiiiiiiiieeeeeee! Gusto kong sumigaw at gumulong gulong pero naalala ko nandito pala si bes. Mygosh! Wait. Kalma.

To: Mr. Right

Ah yun ba? Lahat naman ng tao may chance. So why not? Ikaw bahala. :)
























MESSAGE SENDING FAILED

Oh crap! Expired na pala yung load ko. Huhuhuhu. :(

It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon