The pain

406 14 0
                                    

Leah's POV

Halos dalawang linggo na din ang nakalipas simula ng mangyari sa amin yun ni Andrei. At hanggang ngayon wala pa din akong ibang maramdaman kung hindi sakit.

Hinding-hindi mawala sa isip ko ang araw na yun..

Flashback

Pagkatapos namin magusap ni bes tungkol sa nangyari sa akin. Napagdecide ko na puntahan ulit si Andrei. Baka kasi galit lang sya, baka kasi nabigla lang sya, baka kasi nadala lang sya sa emosyon nya. Baka kasi joke lang yun para isurprise ako.

Pumunta ako sa kanila, nagbaka sakali akong nandun sya. Pero nabigo ako. Sabi ni tita hindi pa daw sya umuuwi simula kanina. Inisip ko kung saan pa sya pwede magpunta. Sinubukan kong tawagan isa-isa ang mga kaibigan nya pero hindi daw nila kasama si Andrei.

Maiyak-iyak na kong umuwi sa bahay buti na lang wala sila mama at ang kapatid ko lang na si Leandro ang nandito. Umakyat agad ako sa kwarto. Pero mas lalo akong napaluha sa nakita ko..






Puno ng mga memorable things na galing sa kanya. Mga pictures namin together, mga stuff toy, mga box na puno ng letters, mga pillows and bouquets. :(





Ang hirap..


Sobrang gulo..


Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko sya kayang mawala ng tuluyan.

Tinext at tinatawagan ko sya pero naka off ang phone nya.

The next day

Nakatulog na pala ako kakaiyak at kakahintay ng reply nya. Masakit ang mata ko at namamaga. Tiningnan ko agad yung phone ko pero si bes lang ang nagtext. Super thankful ako at may kaibigan akong tulad ni bes. Pero kailangan ko munang mapagisa.

Hindi ako pumasok ng school. Gusto ko ulit pumunta kila Andrei baka sakaling nandun na yun. Nagayos na ako at hindi ko na nagawang magpaalam kila mama. Ayokong makita nila ako lalo na sa ganitong itsura ko, for sure na magaalala sila.

Malapit na ako sa bahay nila Andrei.. Pero parang may nakita akong isang babae. Hindi familiar ang mukha nya sa akin. Habang papalapit ako sa kanila biglang lumabas si Andrei at nakita ko kung pano nya inakbayan ang babae papasok sa bahay nila. Para kong pinatay sa nakita ko, bakit parang okay lang kay Andrei lahat?

Ang tanga ko talaga. Gaga ka leah!














At pagkatapos nun. Sinabi ko na sa magulang ko ang totoong nangyari at naintindihan naman nila na kailangan kong lumayo at magpakalma.

Kaya andito ako ngayon sa probinsya namin. Ni hindi na ko nakapagpaalam kay bes dahil paniguradong hindi yun papayag. Sana okay lang si bes sa manila. Natutuwa ako sa kanya dahil nababasa ko ang mga messages nya. Pero hindi ko pa kayang makipagusap dahil ayoko ng pagusapan si Andrei.

Sisiguraduhin ko na pagbalik ko hindi na ako iiyak at malulungkot. Hindi na ko masasaktan. At limot ko na sya.





Unknown POV

Napakasaya ko ngayong araw na to. Hindi ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko..

Nakita namin sya ng kaibigan ko na magisa at parang may problema sa school kanina. Sinubukan naming lapitan sya at mukhang nagulat pa sya sa amin.. Akala ko masungit sya o isnobera. Pero napakabait at approachable pa sya. Gusto kong tanungin kung ang iniisip nya pero baka isipin naman nya na feeling close agad ako. Kaya niyaya na lang namin syang magice cream. At yes! Pumayag sya.

Habang pinagmamasdan ko syang kumain ng ice cream. Wala akong ibang masabi kung hindi wow. Sa mga oras na ngumingiti sya, sa bawat buka ng labi nya, sa bawat salitang nabibigkas nya, sa bawat kilos nya.. Perfect para sa akin!

Umuwi ako sa bahay namin ng parang nakadrugs. Hindi talaga ako makamove on sa nangyari, ni hindi maalis sa mata ko yung mukha nya. Grabe! Tinamaan na talaga ako.

Nakahiga na ako. Pero hindi pa din ako makatulog. May gusto akong gawin pero inuunahan ako ng kaba. Haist! Nakuha ko nga ang number nya pero hindi ko naman sya magawang itext.

Kaya ko to. Kakayanin ko to. Itetext ko na.

To: Fatima

Good night fatima! Sleep well. Hope to see you tom. :)

Teka. Wag muna kaya akong magpakilala? Tama sige wag muna. At pinindot ko na ang sent. Wooooh!

Message sent

Hindi ako mapakali. Nabasa nya kaya yun? Baka tulog na yun. Sana mabasa nya. Sana...

1 new message received

Eto na!!! Wooh! Wow fantastic baby wow. Wooooh!!! Eto na babasahin ko na.

Fatima

Who is this?

Shet! Magpapakilala na ba ko? Sasabihin ko na ba pangalan ko? Hindi wag muna para exciting. Eh ano nanamang sasabihin ko dito?

Ah alam ko na..

To: Fatima

I'm your Mr. Right!

Message sent.

Nanananana wow fantastic baby dance. Woooooh! Nasend na. Hay kalma lang.

Tagal naman ng text nya. Hindi kaya nagalit yun. Baka iniisip nun niloloko lang sya. Haynako.. Bukas na nga lang.






Kinabukasan, @School

Pag pasok ko pa lang sa gate, nakita ko na ang agad ang mga kagrupo ko. Mamaya na ang auditon namin. Last practice na to kaya pinagiigihan na namin. Sana manood sya mamaya. :)








Kami na ang next na magpperform. Nandito na kami sa gilid ng stage, sobrang kinakabahan na ako. Sana maging perfect lahat mamaya. Pero, kanina pa umiikot ang mata ko sa mga audience. Hindi ko pa din sya makita. Nasaan na kaya sya? Hanggang sa Di ko namalayang tapos na pala at Kami na ang next!

tinawag na kami, Goodluck sa amin.. Madaming tao, napakaingay. Pero bago pa man din kami makapagstart..



























Bigla syang dumating. Nandito na si Fatima! Rock en roll to the world na ito! :D



It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon