Fatima's POV
Pagkababa ko sa kotse bumungad sa akin ang napakagandang mga angels na nakasabit sa entrance ng park, may mga lights and roses na nakalagay sa gilid. Pumasok na ako at nakita ko ang mga kabanda nya, isa isa silang nagbibigay sa akin ng roses at nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si leah na may dalang bouquet. Habang papalapit ako ng papalapit, hindi ko maiwasang madagdagan ang kaba ko. At nagulat pa ako ng biglang may nagplay ng music.
Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit para lang sayo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo ako man ay naguguluhanSa boses pa lang, alam kong si JM na ang kumakanta. Nandito na ako malapit sa table nang biglang lumabas si JM, natuwa ako at napangiti habang kumakanta sya. Nakatitig lang ako sa kanya at feeling ko kami lang ang nandito. Di pa man din natatapos ang kanta ay lumabas si Joseph.
Nakatingin sya sa akin at parang di mapakali, nginitian ko sya at sinuklian naman nya yun. Lumapit sya sa akin at kasabay nun ang paghawak nya sa kamay ko. Agad kong inalis yun sa pagkabigla ko..
"Joseph? A-no yun? Bakit?"
"Fatima thank you dahil pumunta ka, ito na yung right time para masabi ko sayo na..G-gusto kita! M-mahal kita!"
"Ha?! Ano bang kalokohan to joseph? Anong sinasabi mo?"
Napahinto ang lahat at nagulat sa naging reaksyon ko. Kung trip nila to pwes hindi nakakatuwa.
"Ako si Mr. Right fatima"
"Baliw ka ba?! Si JM si Mr. Right! Hindi pwedeng ikaw. JM? Bes? May alam ba kayo dito? Ano ba to?"
"Sorry fatima, Wala kasi akong lakas ng loob para sabihin sayo na ako talaga yun, kaya naman humingi ako ng tulong kay JM para mapalapit sayo"
"Pinaglaruan nyo ko?! Pinaniwala nyo ako sa mga kalokohan nyo! At leah alam mo lahat ng to?!"
"Sorry bes, gusto ko naman talagang sabihin sayo kaso.."
"Kaso ano?! Natuwa kang paikutin ako ng mga to? At JM! Galing mo din eh no? Pinaniwala mo ko na mahal mo din ako! Yun pala ginagawa mo lang lahat ng yun para sa kaibigan mo! "
"Fatima totoo lahat ng pinakita ko sayo. Oo aaminin ko nung una ginagawa ko lang yun para kay Joseph pero nung tumagal, nakalimutan ko na yun dahil pag kasama kita alam ko na totoo ako. Na gusto na din kita!"
"Wow clap clap! Mga manloloko. Thank you ha sana nagenjoy kayo!"
Nagwalk-out na ako at tumakbo palayo. Dun ako umiyak at dun ko naramdaman ang sakit. Di ko akalain na ganito ang manyayari. Nagising na ko sa panaginip ko at sinampal na ako ng realidad.
Sobrang sakit na yung mga taong akala kong nagmamahal sa akin ng totoo ay yun pa ang manloloko at mananakit sa akin ng sobra. Si leah? Hindi ko akalain na gagawin nya sa akin to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at iisipin ko sa mga oras na to. Magulo ang isip ko ayoko ng kahit ano o kahit sino. Grabe sila!
"Fatima!"
Lumingon ako at nakita ko si JM. Binilisan ko ang lakad ko pero naabutan nya ako.
"ano JM? Happy? Bakit ka nandito? Di ka pa kuntento sa sakit na binigay mo? You want more?"
"Let me explain! I'm sorry fatima."
"Explain? Para ano? Magsinungaling ulit? Tama na JM."
Bago pa man din ako makalakad palayo, hinila nya na ako at niyakap. Sa oras na yun parang mas lalong bumigat ang nararamdaman ko, mas lalo akong nasasaktan.
"Please fatima. I'm sorry! I love you!"
Sana sa isang sorry ganon lang kadali mawala at makalimutan lahat ng yun. Pero malas natin, hindi ganon kadali ang magpatawad. Bumitaw na ako sa kanya at tumakbo palayo, ayoko ng madagdagan ang kasinungalingan at panloloko. Gusto ko ng takasan lahat ng ito. Sana isa lang tong panaginip, pero ang saklap kasi ito ang katotohan.
Joseph POV
Alam kong mali. Sa una pa lang alam ko na hindi dapat ganito. Masyado ako naging mahina. Masyado ako naging duwag. Kaya ito ngayon, hindi na nga naging akin, tuluyan pang nawala. Ang tanga ko kasi nagdesisyon ako ng hindi naman talaga dapat. Una pa lang dapat pinagisipan ko na tong mabuti. Sana ako ang mahal ni fatima at hindi si JM.
Flashback
Nung nakita ko si fatima sa park, sinabi ko na agad kay JM na love at first sight ako sa kanya. Pinagtawanan nya lang ako nun at inasar. Sya din ang dahilan kung bakit ako nakasulat ng kanta at si JM ang vocalist namin kaya sa kanya ko pinatry. Sobrang laking inspirasyon nun para sa akin si Fatima. Simula nun, lagi ko na syang nakikita sa school. Ilang beses ko ng tinangkang lumapit at magpakilala sa kanya pero nauunahan ako ng kaba. Kaya nung nakita ko ulit sya sa park, sinabi sa akin ni Jm na lapitan ko sya dahil sa amin sya nakatingin nun pero naunahan nanaman ako ng takot kaya sinabi ko kay Jm na sya ang lumapit at tanungin ang pangalan. Nung araw na yun sobrang papasalamat ko kay Jm.
Nakita din namin sya ulit nun na mukhang malungkot, kaya naman sinabi ko kay JM na puntahan namin at ipakilala ako, nung mga oras na yun pinagpapawisan ako ng malamig at salamat ulit kay Jm dahil nakasama namin sya magice cream at nalaman ko pa kung saan sya nakatira at ang # nya. Agad agad ko syang tinext at nagpakilalang Mr. Right.
Nakita ko sya sa building namin at tinawag nya ako, hindi ko alam kung bakit hinahanap nya si JM pero kinabahan ako baka kasi may alam na sya. Habang naguusap sila ni Jm di ako mapakali hanggang sa matapos sila, dun ko nalaman na ang akala ni fatima si Mr. Right si JM. At yung araw na din yun ang pinagsisihan ko sa lahat. Sinabi ko kay JM na ilakad ako sa paraang di nya malalaman na ako talaga si Mr. Right, at pumayag sya.
Nagdecide ako na manligaw sa paraang alam ko, binigyan ko sya ng mga surprise. Nagresearch ako sa mga kaklase nya kung anong mga gusto nya. At nung araw na pumunta ako sa kanila para ibigay ang gift ko, dun nalaman ni leah na ako si Mr. Right. Hanggang sa magdinner kaming apat, dun ko nakausap si leah and thank God, naiintindihan nya ang sitwasyon ko. Kaya naman di nya muna agad ito sinabi kay Fatima.
Then one day, kinausap ako ni JM. Sinabi nya sakin na aminin ko na daw ang lahat kay fatima, dahil baka mahuli na ang lahat. Kaya naman umagree ako.
End of flashback
Kaya naman eto na ang nangyari. Hindi ko inaasahan lahat ng ito. Akala ko madali nyang matatanggap at may clue na sya na ako si Mr. Right dahil nagpalakad ako kay Jm. Pero mali ako. Nang sinabi ni JM na may gusto din sya kay fatima. Nagulat ako at gusto kong manapak sa sobrang galit. Hindi ko akalain na ttraydurin ako ng sarili kong best friend. Kaya nang makaalis si fatima bigla ko syang sinapak.
"Bro let me explain!"
"Ano yun? Akala ko ako ang nilakakad mo kay fatima, yun pala sarili mo na."
"Sorry. Di ko napagilan ang sarili ko, di ko sinasadya"
"Gago ka Jm. Pinagkatiwalaan kita! Akala ko kaibigan kita!"
Inawat na kami ni mga barkada namin at tumakbo si Jm para sundan si fatima. Sa huli ako pa din ang mahina. Ako pa din ang talo. Wala talaga kong kwenta.

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?