Fatima's POV
Baba ba ko o hindi? Bumaba ka na fatima! Eh ano naman kung sya? Hindi aalis na lang ako. Baba na! ano naman kung magkita kayo? Shit! Mukha na kong baliw dito.
Aatras na ko. Bahala na.
Umalis na ako, at nagtext kay joseph na hindi ako makakapunta dahil biglang sumama pakiramdam ko. Hindi pa sya nagrreply, siguro may tinatapos pa sya. Pero what if magkita sila dun? Baka magkagulo. Simula ng nangyari yun alam kong hindi pa sila naguusap at hindi pa sila nagkakaayos. Paano na to?
Pero siguro, ito na din yung time para magkaayos sila. Keri lang naman sakin pero yung saamin? No way! Mas okay na wala na kaming closure. Ayoko na syang makausap o kahit ano pa man. Tama? Tama!
Nandito na ko sa bahay, ng magtext si leah.
"Bes san ka na? Nakita ko car mo kanina pero bigla kang umalis."
Nakita ako ni bes? Hala baka magsabi yun kila mike, tapos sabihin ni mike kay joseph, malalaman ni joseph na nagpunta ako dun. Haist! Matawagan nga si leah
"Hello?"
"Hello bes! Favor naman oh!"
"San ka ba? Nakita na.."
"Ssshh.. Baka may makarinig sayo, bes kasi alam kong nandyan si ano."
"Sinong ano?"
"Si jm!"
"Oh ano naman?"
"Bes di pa ko handang makita sya o makausap. Kaya wag mong sabihin na nakita mo ko dyan kanina kahit kanino sinabi ko kasi kay joseph na masama pakiramdam ko kaya di na ko tumuloy"
"Ang gaga mo talaga! Ewan ko sayo. Bahala ka. Oo sige sayang naman."
"Thank you bes."
"Sige na. Alam mo kahit anong iwas mo, maliit lang ang mundo nyong dalawa kaya wag ka ng trying hard maglaro ng hide and seek"
"Ano ka ba?"
"Just saying bes. Oshaa, bye! Loveyou!"
Baliw talaga yun si bes. Di ako umiiwas no. Tss!
Alam mo kahit anong iwas mo, maliit lang ang mundo nyong dalawa kaya wag ka ng trying hard maglaro ng hide and seek
Alam mo kahit anong iwas mo, maliit lang ang mundo nyong dalawa kaya wag ka ng trying hard maglaro ng hide and seek
Alam mo kahit anong iwas mo, maliit lang ang mundo nyong dalawa kaya wag ka ng trying hard maglaro ng hide and seek
Waaaah!! Bakit paulit ulit sa isip ko yung sinabi ni bes? Masama nga ata talaga pakiramdam ko?! Waaaahhhh! Arrrrghh!
"babe?"
"babe! Kanina ka pa nandyan?"
"Hindi pero naririnig kitang sumisigaw. Bakit? Anong nangyari sayo?"
"Ah wala naman, masakit kasi ulo ko. Bat nandito ka?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Babe naman?"
"Haha well syempre gusto muna kitang icheck if okay ka lang. Nagdala ako ng foods and some medicines."
"Thank you, baby"
"dito na lang kaya ako mukhang di ka talaga okay eh."
"I'm okay, go to mike's party baka magtampo pa sila."

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomansaPaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?