Fatima's POV
Sa wakas tapos na ang klase ko. Hindi ko inexpect na matatapos ko ng maaga ang exams ko. Parang energetic at motivated ako ngayon. Iba talaga epekto ng inlove. Ay mali! Hindi pa ko inlove, inspired lang :) hihihi.
Niyaya ako ng mga kaklase ko na gumala kaso nga lang may plano na ko ngayon, maybe next time. :) alam nyo na ba plano ko? Ang hanapin si JM at kausapin sya. :)
Nagpunta ako sa building nila pero di ko sya makita. San ba yun?
"Uy joseph!" (ayan buti na lang nakita ko to.)
"Ha?"
"Ay sorry mukhang nagulat kita."
"okay lang. Bat ka nandito?"
"Ehehe tatanong ko lang sana kung nakita mo si JM?"
"Si JM?"
"Oo. Si JM, magkasama ba kayo kanina?"
"Bakit mo sya hinahanap?"
"Gusto ko lang sana sya makausap :)"
"Ahm. Actually pupunta ako dun sa kanila. Gusto mong sumama?"
"Sige :)"
Habang naglalakad kami, hindi ko alam kung bakit pero ang weird talaga. Nakakaloka. Tahimik lang sya at paranf walang kasama. Mukhang tagilid to kay bes.
"Malapit na ba tayo?" (Boring naman kasi kasama nito)
"Oo. Nandito na tayo"
Yun. Sa wakas! Nandito na kami sa bahay daw ng kaklase nila, siguro mga 2 kanto lang ito mula sa school.
"Dito kami minsan nagppractice"
"Ah."
Bigla na kong kinabahan. Parang di ko na alam kung paano ko sisimulan. Bat ba ko sumama? Aish.
"Pre dito ka na pala. Naks may chix na kasama oh"
"Pre sya ba yung sinasabi mo? Yiii"
"Hahahaha mga baliw. San si Jm?"
"Kumuha lang ng inumin.. Ayan na pala eh"
Grabe nakakahiya na to fatima. Pano ba? Pano ko sisimulan??
"Oy Jm kasama ko si Fatima, hinahanap ka kasi nya kanina so sinama ko na dito"
"Uy fatima hi. Bakit? May maitutulong ba ko sayo?"
Susme. Ano ba tong pinasok ko. Feeling ko kasi kanina ready na ko, ngayong nandito na ko feeling ko gusto ko na lang umalis... Hindi!! Go na to. Aja!
"Uhm. Jm pwede ba kita makausap? May sasabihin lang sana ako sayo."
"Sure. Sige sa labas na lang tayo."
"Yiiiiieeeee. Pre goodluck ha. Hahahaha"
"Pre galawang breezy ka nanaman"
"Mga siraulo!"
Nubayan. Nakantsawan pa kami mas lalo tuloy akong kinabahan. So lumabas kami ni Jm pero nakikita pa din kami ng mga barkada nya.
"Fatima?"
"H-ha?"
"Ano yung sasabihin mo?"
This is it! This is really is it pancit!
"Jm gusto ko sanang mag thank you sayo."
"Thank you? Para san?"
Kunwari pa to. Hihih
"Alam ko na lahat. Kaya wag ka ng magdeny"
"deny? I can't understand. Anong alam mo na?"
Gusto kong matawa sa kanya dahil galing nya umarte. Acting pa more! Hahaha
"Yung mga efforts mo sa akin. Diba ikaw si Mr. Right?"
Leah's POV
Yung moment na akala mo okay ka na. Akala mo wala na. Akala mo kaya mo na. Akala mo di na sya babalik pero AKALA MO LANG PALA LAHAT. Back to zero nanaman ata ako? Ang dami kong tanong.. Bakit sya bumalik pa? Bakit nagssorry sya ngayon? Wala na ba sila? Paano nya nagawa sa akin yun? Minahal nya ba talaga ko? Pero alam kong sya lang makakasagot lahat nyan. What if pinayagan ko sya magexplain? Ano kayang mangyayari? Pero kung masagot man nya lahat ng yan. O magexplain sa akin, Magagawa ko pa bang maniwala sa kanya?
Pinakamahirap na sitwasyon pagkatapos ng break-up ay ang magPRETEND. Hindi ko kailangan magmukmok at isipin magdamag yung unggoy na yun. Di nya deserve. Erase! Erase!!
Nagtext sa akin kanina si bes na kakausapin nya na si JM about dun kay Mr. Right? Ano na kayang nangyari dun? Matext na nga.
To: Bes
Bes? Anyare? Anong ganap?Lumalovelife na talaga to si bes. Nakakatuwang isipin na baliktad na kami ngayon. Sya na ang busy at ako na ang free. Pero susuportahan ko pa din sya sa lovelife nya.
Busy talaga to si bes. Hindi nagrereply. Ano na kayang nangyari? Magkaalaman na kaya? Ako? May alam ako na hindi nyo pa alam. :)
Ano kayang alam ni leah na hindi nyo pa alam?
May haka-haka na ba kayo? :) Abangan po natin ang mga mangyayari. And thank you very much po sa lahat ng mga nagbabasa nito. :) :*
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?