Ang Pagbabalik

33 0 0
                                    

Fatima POV

"Ang bilis ng oras bes no? Biruin mo 1month na lang ang hihintayin nyo ni Joseph at magpapakasal na kayo. Haaayy tapos kami na."

"Oo nga eh, sayang nga lang at hindi tayo double wedding."

"Ano ka ba? Kahit magbestfriend tayo may sariling moment pa din dapat tayo. Diba? Tsaka di na rin kami makakasabay sa inyo dahil madami pa kaming kailangan ilakad."

"Hahaha oo na bes. Sige na mauuna na kami."

"Pero bes seryoso, masaya ako para sayo. Masaya ako na nakikita kang masaya na. Yung totoong masaya."

"Ako din. Masaya ako para sayo. Halika nga dito napaka drama mo talaga"

Sa wakas, tapos na din ang mga masasamang nangyari. Okay na kami, okay na sila Leah. Sobrang blessed at thankful ako sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Bes susunduin ka ba ni Joseph?"

"Ha? Hindi naman. Bakit?"

"Good. Magpapasama sana ako sa mall."

"Sige, okay lang. Tara na?"

"Okay, go lets!"

.....

Nandito kami ngayon sa mall ni Leah. as usual, hindi nanaman nya alam kung anong bibilhin nya, nakakapagod talaga kasama to si Leah sa mga ganitong lugar eh.

"Bes dito muna ako. Titingnan ko lang yung bago nilang model."

"Okay sige. I'll wait here."

"Sir maganda po yang singsing na yan, para sa girlfriend nyo po ba?" -Saleslady

"Yes. Sige eto na lang kukunin ko." -unknown

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses nya, parang familiar. Tumayo ako para tingnan ito..

"Bes!"

"Oh? Okay na?"

"Oo. San ka pupunta?"

"Ha? Para kasing may narinig akong boses na kilala ko, titingnan ko lang sana."

"Hahaha! Wag na. Gutom na ko kain na tayo."

"Okay."

....

"Hello Joseph?"

"Hi Babe, san na kayo?"

"nandito kami sa mall. Kumakain na kami. Ikaw nagdinner ka na ba?"

"Oo katatapos ko lang din. Sige enjoy. Call me kapag nasa bahay ka na."

"Sige. Ingat ka."

"I will. Thank you! Kayo din. I love you!"

"I love you too. Bye!"

"Bakit mo ba ko pinapauwi? Gusto ko dito magstay okay?" - Unknown

Narinig ko nanaman ang boses kanina. Para talagang kilala ko eh, lumingon lingon ako pero di ko naman alam kung nasaan.

"Huy bes?"

"May hinahanap ka ba?"

"Ha? Wala!"

"Tara na."

"Sige"

Ang weird. Tumayo na ako at may naaninag akong familiar na tao.

"JM?"

Si JM ba yun? Wait. Hindi pwede, patay na sya eh.

"JM? Uy bes ano ka ba? Bakit bigla bigla mo nalang binabanggit si JM?"

"Leah parang nakita ko sya."

"Haaaa?! Bes wag kang ganyan. Creepy ah!"

"Baka kamukha nya lang. Tara na."

Oo nga baka kamukha nya lang. Imposible naman na makita ko sya. Nababaliw lang siguro ako. Haaayy Fatima yan ka nanaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon