Fatima's POV
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi at nagawa iyon, pero ang alam ko lang nasasaktan ako na nakikita kong nasasaktan sya... At dahil sa akin pa. Alam kong mali, pero tama si Leah mas mahal ko pa din si JM. Mahal na mahal ko sya at ayoko syang mawala.
"Fatima, Please.. Wag kang magpakasal kay Joseph."
"Hindi pwede. Naka-oo na ako sakanya."
"Pero ako ang mahal mo diba? Ako ang gusto mo. Sabi mo ayaw mong mawala ako pero bakit papakasalan mo sya?"
"JM kahit ikaw ang mahal ko, kahit ikaw ang gusto ko makasama, kahit ikaw ang gusto kong pakasalan.. Hindi ko kayang saktan si Joseph."
"At ako kaya mo? Kaya mo na makita akong nasasaktan. Kaya mong igive up ako? ganon ba fatima?!"
"Hindi, Hindi mo ko naiintindihan."
"Pwes ipaintindi mo sa akin!! Hindi ko alam kung bakit ka ganyan. Hindi ko alam kung bakit sinasabi mo na ayaw mo ako mawala pero nilelet-go mo ako."
"Nahihirapan ako na magdesisyon JM. Pero kailangan ko gawin ang dapat.. At yun ang pakasalan si Joseph. Ayokong mawala ka pero ayoko din maging selfish. Mahal kita pero hanggang dito nalang tayo.."
"No.. Hindi pwedeng hanggang dito na lang tayo!! Hindi ako papayag. Mahal na mahal kita Fatima"
"JM kailangan na nating tanggapin. Gusto kong maging masaya ka na din sa iba.. Just let go.."
"Pero paano kung sayo lang ako sasaya?"
"JM.."
"Sige, Kung yan ang desisyon mo Fatima, tatangapin ko."
Tumalikod na sya at naglakad papalayo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, sobrang sakit na nakikita syang palayo ng palayo sa akin. Pero kailangan ko na din tumalikod at lumayo para sa ikabubuti naming lahat.
"Fatima!!"
"Fatima"
"Fatima"
Mas pinili kong hindi na lumingon kahit tinatawag nya ako, Mas pinili kong magpatuloy maglakad. Dahil sa oras na lumingon ako alam ko na magbabago nanaman ang desisyon ko.
Ring..Ring..Ring..
"Hello?"
"Fatima.. Bago ko umalis, Please allow me to say this words to you. Kahit sa huling pagkakataon. And I'll promise that this is the last."
"Ano yun?'
"I love you so much!"
HIndi nya na ako hinayaang magsalita, agad nyang binaba at pag lingon ko wala na sya. Mas lalo akong napaiyak at ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Feeling ko mas masakit pa to sa dati.
JM's POV
"I love you so much"
Kahit sa huling pagkakataon, nasabi ko sa kanya yan. Siguro nga di sapat ang pagmamahal ko sa kanya para ako ang piliin nya.
Nagdesisyon ako na bumalik sa barkada. Alam ko nandun pa si Joseph, baka kung ano ang magawa ko sakanya pero gusto kong magpakalasing at makalimot. Gusto kong makalimutan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Kahit ngayong gabi lang.
"Oh bro? Saan ka galing?! Bigla bigla ka na lang nawawala."
"Dyan lang. May dinaanan lang ako."
"Bat ganyan muka mo? Muka kang nasabugan ng problema"
"hahahaha may problema ka ba JM?"
"Oo! Ikaw ang problema ko. Ikaw Joseph!!"
"Ano?! Hahaha lasing ka na JM."
"Joseph Congratulations! Ikakasal ka na sa taong mahal ko."
"Eh gago ka pala eh!"
Bigla akong sinuntok ni Joseph.. Ni Hindi ko man lang naramdaman yung sakit ng suntok mas nangingibabaw pa din yung sakit dahil kay Fatima.
"Ano bang problema mo ha?!!"
"Problema ko? Ikaw!! Bakit kasi ikaw ang pinili nya. Bakit ikaw!!"
"Hanggang ngayon JM?!! Tigilan mo na kami! Maging masaya ka na lang sa amin!!"
"Oo Hanggang ngayon mahal ko pa sya! Pero ikaw ang pinili nya. Congrats Bro nasayo na ang pinaka mamahal kong babae! Cheers!!"
"JM tama na yan. Tara na uuwi na kita"
"Kaya kong umuwi. Bitawan nyo ko!"
Lumabas ako at sumakay sa sasakyan ko. Dali dali akong nagmaneho. Hindi ko talaga kayang mawala si Fatima! Pupuntahan ko sya. Bahala na.
Mabilis akong nagpatakbo, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sya. Pero hindi nya sinasagot. Ilang beses ko syang tinawagan at ng sa wakas sinagot nya na..
"Hello?"
Beeeeepppp... Beeeeppp..
Nasilaw ako sa liwanag at hindi ko na alam ang nangyari.......
![](https://img.wattpad.com/cover/51088509-288-k164209.jpg)
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?