JM's POV
May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyari, may mga feelings na di mo inaasahan na mararamdaman mo pala. May mga taong dadating sa buhay mo para mapasaya ka pero yun din pala ang makakasakit sayo ng sobra. May mga pangyayari na kahit hindi mo gusto, eh nangyayari. Katulad na lang ng minahal ko si Fatima ng hindi ko inaasahan. Ng di ko sinasadya. At ayaw kong mangyari pero nangyari. Paano? Dito nagsimula ang lahat..
Flashback
First day of class namin bilang 3rd year na kami. Kilala ang banda namin, dahil alam nyo na.. Puro gwapo at talented kami. :D Si joseph ang pinaka close ko sa kanila, tahimik at mahiyain kaya naman laging napagiiwanan pagdating sa chix. :)
Wala pang masyadong klase kaya naman lumabas muna ako para tumambay sa lobby. At dun ko nakita ang isang babae. Ordinaryong babae, sakto lang pero nung ngumiti sya, dun yata ako tinamaan at nahulog. Pinagmamasdan ko lang sya nun habang nakikipagtawanan sa mga kasama nya. Bakit kaya ngayon ko lang nakita tong babaeng to? Maganda sya, Pwede.. Hahaha
Simula nun, madalas nakikita ko na sya at nalaman ko ang pangalan nya nung tinawag sya ng kaibigan nya.. Fatima. Yun ang pangalan nya.
Hindi ko sinabi sa kahit sino na may nagugustuhan akong babae dahil alam ko naman na aasarin lang nila ko dun. Akala ko si Joseph lang torpe sa amin, yun pala mas torpe pa ata ako. At nakakainis talaga yun. Hanggang sa isang araw, nagbago ang lahat nang makita sya ni Joseph..
Nagpanggap ako na parang di ko kilala si fatima, na parang wala akong gusto sa kanya. Aaminin ko, simula nang sabihin sa akin ni joseph na gusto nya si fatima, gusto kong sabihin na nauna ako eh. Pero nakita ko na naging inspirasyon nya si fatima at sobrang nakatulong yun sa banda namin. Kaya naman hinayaan ko na at nagpaubaya na ako dahil sabi ko na mawawala din naman ang pagkagusto ko sa kanya. Pero akala ko lang pala yun. Dahil nung kinausap ako ni joseph na ilakad ko sya kay fatima, dun na mas lumalim ang feelings ko para sa kanya. Mas lalo ko syang nakilala at mas lalo akong napalapit sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay joseph yun dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, sa mga oras na gusto kong sabihin kay fatima na mahal ko siya, natatakot ako para sa banda. Sigurado kasing masisira yun pag nalaman ito ni joseph.
Sinabi ko na kay joseph na aminin na ang lahat hangga't kaya ko pang labanan ang feelings ko kay fatima. At nung pumayag sya, nawalan na talaga ako ng pagasa.
Nung araw na nalaman ni fatima ang totoo, hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil ayoko syang nakikitang nasasaktan kaya naman naglakas loob akong sabihin sa kanya na mahal ko siya pero hindi sya naniwala, sinubukan ko syang habulin pero lumayo pa din sya. Sana kasi ako na lang talaga si Mr. Right. Sana hindi na ako naging duwag at sana hindi ganito ang nangyari.
End of flashback
Pagkatapos ng gabing yun, sinubukan ko sya itext o tawagan pero naka off ang cp nya. Pumunta ako sa kanila pero sabi sa akin ng kapatid nya wala daw sya dun. Bakit ngayong kaya ko ng ipaglaban at ipakita na mahal ko siya, tsaka pa naging huli ang lahat.
Leah's POV
Sa totoo lang, naloloka ako sa mga nangyayari. Sinasabi ko na nga ba na magkakagulo ang lahat eh. Pati si bes galit na din sa akin. Nung nalaman ko na si Mr. Right ay si joseph at hindi si Jm. Gusto ko na talagang sabihin kay bes yun eh. Pero nakiusap sa akin si joseph na wag muna sabihin at alam ko na masaya naman si fatima kaya hinayaan ko muna, at sira ulo din si Jm dahil gusto nya din pala si fatima. Ang gulo! Sana kasi, sinabi ko na lang din kay bes eh. Yan tuloy, imbis na sumaya sya nasaktan pa sya.
Pumunta ako sa bahay nila fatima nung gabing yun. At sabi ng kapatid nya nasa kwarto na daw sya kaya agad ko namang pinuntahan para magsorry.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko syang nakatalukbong ng kumot at naririnig ko syang umiiyak pati tuloy ako naiiyak para sa kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?