I love you, Goodbye!

481 14 0
                                    

Sa school.

Teka. Si leah ba yun?! Akala ko ba?

May 30minutes pa naman ako puntahan ko muna tong babaeng to. Lagot ka talaga sa akin leah.

"Bes?"

"Bes akala ko ba magkasama kayo ni andrei? Eh bakit nandito ka? Ikaw talaga nakakainis ka sabi mo.."

"Bes huhuhuhu."

Biglang humarap sa akin si Leah at nakita kong umiiyak sya. Bigla kong siyang niyakap at tinanong kung bakit? At anong nangyari?

"Si andrei kasi bes. Huhuhuhu.. Ganito kasi yun...

Leah's POV

Paalis na ako sa bahay. Dahil may usapan kami ni fatima na magkikita kami ng school. Kailangan ko talaga ng kaibigan ngayon dahil naiinis ako kay Andrei. Palabas na ko ako ng gate ng biglang dumating si Andrei.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Babs pwede ba tayong magusap?"

Nung sinabi ni Andrei sa akin yan, nakaramdam ako ng kaba at takot. First time kong maramdaman to.

"Sige. Dun na lang tayo magusap sa loob."

Naupo kami sa sala. Mga ilang minuto din kaming nagpakiramdaman. Bakit parang may mali? Bakit ganito ang feeling ko ngayon?

"Andrei ano bang paguusapan natin?"

"Ahmm. Una leah gusto kong magsorry about last night."

Leah? Leah talaga? First time nya kong tinawag ng leah simula nung naging kami. Nakakapanibago.

"Okay na yun babs. May mali din naman ako pero sana kasi pinagbigyan mo na lang ako para di na ko nainis at nang away. Dapat kasi.."

"Leah!"

Napahinto ako sa sinasabi ko. Nagulat ako sa kanya. Iba sya ngayon. Bakit parang hindi sya si Andrei.

"Leah puro na lang ba ganyan? Puro ganito nalang ba tayo? Sa tuwing maguusap tayo lagi kang dapat ganyan. Dapat ganon. Ikaw na lang ba lagi?"

Natahamik ako sa sinabi nya. At hinayaan ko syang magsalita.

"Lagi na lang ikaw masusunod. Lagi na lang dapat ikaw pinakikinggan. Ni isang beses ba narinig mo kong nagreklamo. Hindi diba?"

"Teka nga andrei! Sinusumbatan mo ba ako ha? Anong gusto mong palabasin ngayon?"

"Leah mahal kita pero napapagod na ko. Nagsasawa na ko. Paulit-ulit na lang tayo"

At nang sinabi nya yan. Doon ako napaluha. Sakit. Ang sakit pala. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"I'm sorry leah. Pero kailangan nating bigyan ang isa't isa ng space at time. Ayoko ng dumating sa time na magkasuklaman tayo sa isa't isa."

"Teka babs ano bang sinasabi mo? Diba nakakaya naman natin? Diba? Mahal mo ko diba? Bakit kailangan ganito?

Hindi sya umiimik. Pero nakita kong tumutulo na ang luha nya.

"Babs sorry na. Wag naman ganito. Promise this time papakinggan na kita. Uy? Sumagot ka naman. Babs :("

"I'm sorry Leah! Pagod na ko. Sorry!"

At bigla na lang syang umalis. Nawala na sya sa paningin ko. Tuluyan nya na kong iniwan.


Fatima's POV

Grabe pala ang nangyari kay Leah ngayon. Nang matapos syang magkwento sa akin. Iyak na sya ng iyak. Ni kahit anong sabihin kong pampalubag loob walang epekto sa kanya. Gusto ko siyang samahan magdamag at damayan. Pero ayaw nya. Gusto nyang pumasok na lang ako. Sinunod ko sya dahil gusto nya din daw mapag isa.

Sa totoo lang. Nagaaalala ako sa bestfriend ko. Alam ko kung gaano nya kamahal si Andrei. At hindi din ako makapaniwala na magagawa yun ni Andrei.

Kanina ko pa din tinetext ang dalawa. Pero ni isa sa kanila ayaw magreply. Gusto kong kausapin si Andrei at awayin sya pero naisip ko na di ko naman sya masisisi. Alam ko ang ugali ni Leah at may point naman talaga siya. Pero naaawa ako kay Leah alam kong hindi nya kakayanin na matuluyang mawala sa kanya si Andrei. Paano ba ko makakatulong?
Clueless din ako. Siguro nga kailangan nilang makapag isip. Pero..

Sana maging okay na ang lahat. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila.


After 1week.

1week na din nakalipas matapos ang nangyari kila Leah at Andrei. At hanggang ngayon hindi ko pa din sila nakakausap.

Si leah hindi pumapasok at nang pumunta ako sa kanila sinabi sa akin ng kapatid nya pumunta daw sya sa probinsya. Ang huling text sa akin ni leah ay..

"Bes. Sorry kung hindi na ko nagpaalam sayo. I'll be okay don't worry. I'll see you soon! Thank you for concern. Gusto ko lang mapagisa at makapagisip. I love you. Ingat"

Haaaay. Namimiss ko na ang bestfriend ko. Nagaalala na din ako sa kanya. Alam kong kailangan nya ko. Pero alam kong mas kailangan nya si Andrei.

Si andrei naman ay hindi ko macontact. Ni wala akong balita sa kanya. Nakakaloka! Nakakawala ng beauty ang mga nangyayari. Bakit kaya ganito?




















"Alam mo sa tuwing nakikita kita laging malalim ang iniisip mo."




















Sino yun? Si.......

It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon