Jm's POV
This day is the right time. This is it! Sana ito na yung matagal kong hinintay na pagkakataon para maging maayos ang lahat.
Papunta na ako sa resto ni Fatima. Medyo kanina pa ako kinakabahan. Super clueless ako ngayon. At kanina pa din ako nagiimagine kung anong pwedeng mangyari mamaya.
Scene 1
Pag bukas ko ng pinto. Sumalabong agad sa akin ang magandang ngiti nya.
"Hi JM! bakit ngayon ka lang nagpakita? I miss you so much!"
"I still love you fatima, I'm sorry for everything"
"Me too JM. I realized na ikaw pa din ang mahal ko."
Sabay yakap nya sakin..
Pero syempre isang malaking joke lang yon. Asa pa ko na ganon ang mangyayari. Pero pano kapag..
Scene 2
Pagpasok ko sa pinto. Bumungad kaagad saakin ang mga nagliliparan na pinggan at baso.
"Gago ka JM! Ang kapal ng mukha mong bumalik pa dito! Pagkatapos ng ginawa mo"
"Fatima sorry! I still love you! Please give me another chance"
"Umalis ka dito chance chance mo mukha mo! Di na kita mahal!"
Pwede... Mga 70% chance na pwedeng mangyari. Haaay jm masyado kang napapapraning. Ooppss! I'm here! Good luck Jm!!
"Good morning Sir!"
"Hi Good morning, nandyan ba si Ms. Fatima?"
"Yes Sir, kayo po ba si Mr. Cruz?"
"Yes ako nga. May meeting ako sa kanya."
"Sige po sir, upo muna po kayo at iinform ko lang po si Ma'am na nandito na kayo."
"Okay thanks."
Hindi na ako mapakali habang naghihintay. Hindi ko din alam kung bakit ako nandito, o kung tama ba talaga tong ginagawa ko. Pero I will take a risk. Mapatawad man nya ako o hindi atleast nag try ako.
"Mr. Cruz pwede na po kayong pumasok s office ni Ma'am. This way po."
"Ah okay. Thanks."
Ayan na. Habang papalapit ako sa office ni fatima, feeling ko kakainin ako ng buhay ng pinto.
"Ma'am fatima nandito na po sya."
"Sige thank you! Mr. Cruz, have a sit."
"H-hi Good morning!"
"Good morning. So about your business proposal.."
"Fatima before that, can we talk first about us?"
"Us? What about us?!"
"Look fatima, alam ko na ayaw mo ng balikan yung past. Pero sa tingin ko, kailangan natin ng closure. I'm so.."
"I know. But I don't need your sorry. Besides okay na ko, nakalimutan ko na din yun."
"Then bakit ka ganyan? Bakit ka ganon nung dinner?"
"Nagulat lang ako. Yun lang yun. I didn't expect na ikaw yung immeet namin ni Joseph."
Tumayo si fatima. At tumalikod sa akin. Alam ko na may luha na akong nakita papabagsak sa mata nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na ako sa kanya at niyakap ko sya. Dun sya umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na to. Ayoko syang nakikitang ganito.
"I'm sorry! I'm sorry for hurting you so much. And I'm sorry if I'm still inlove with you. I'm sorry I love you!"
Humarap sya sa akin at sinampal nya ako sabay talikod.
"Umalis ka na."
"Pero fatima.."
"Umalis ka na!!"
Wala na kong nagawa kung hindi umalis at respetuhin ang sinabi nya. Pero bago pa man ako umalis..
"Fatima mahal kita. At hindi kaagad ako susuko, mahal kita at ipaglalaban ko yun! Alam kong mahal mo din ako. Mahal mo pa ako."

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?