Leah's POV
Nasaan nanaman kaya itong si bes? Yung totoo?! Simula ng umariba ang love life nya eh ang hirap na nya mahanap. Iba na to! Well, masaya naman ako sa nangyayari sa kanya pero di ko din maiwasan na magalala. Dahil remember? May alam ako na sikretong malupit. Sana lang talaga worth it lahat sa dulo.
Bes Calling..
"Halo?"
"Leah sorry ngayon ko lang nabasa text mo, magkasama kasi kami ni JM ngayon eh."
"Okay lang. Ganyan ka naman eh. Huhuhu ganyan ka na ngayon"
"Drama much bes? Di bagay sayo. San ka ba ngayon puntahan ka namin"
"Grabe ka sakin. Wag na baka makaistorbo ako sainyo. Sige bye"
At binaba ko na po. Nakakatampo naman parang dati lang sakin lahat ng oras nya. Chos! So now. Where to go? What to do?
"Leah!"
Oh there you are! Himala at di sya nakabuntot kila JM.
"Oy wazzup? Anong atin?"
"Pwede mo ba kaming tulungan? May plan kami. Please?"
"Plan na ano?"
"Alam mo na yun. This is it!"
"OMG! Go na. Push"
Pasensya na di kayo makarelate. Hayaan nyo sa next chapter makakarelate na kayo. Bwahahaha
Andrei's POV
Kamusta ako? Eto asa pa more. Hintay pa more. Sakit pa more. Hugot pa more! Araw-araw kong pinupuntahan si Leah, tinatawagan, tinetext pero ni kahit isang letter sa alphabet wala akong natanggap sa kanya. Pero syempre hindi ako susuko kahit ilang beses nya pa ko iwasan. Alam ko masyado na kong makulit pero hanggat may chance ako iggrab ko para lang mabago ang situation namin ni leah.
Dadaan muna ako sa bookstore dahil may kailangan akong bilhin para sa project namin pagkatapos dederetso na ako kila leah..
Pero di na pala kailangan dahil nakita ko na sya sa bookstore. Lalapitan ko na sana sya pero may lumapit sa kanya na isang lalake. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nung guy at mukhang close na close sila. Oo nagseselos ako kahit past na ako. Kahit wala akong karapatan pero hindi pwede to!!
"Leah!"
Mukhang nagulat sya nung tinawag ko sya. Grabe!
"Anong ginagawa mo dito?"
"Yan na ba pinalit mo sakin ha?
"Wag kang manggulo dito andrei"
"Di ako nanggugulo! Kaya ba ayaw mo na sakin?"
"Bro mali yang iniisip mo!"
"Wag moko matawag na bro di kita kapatid! At wag ka makialam dahil hindi ikaw tinatanong ko!"
"Andrei tama na! Umalis ka na!"
"Leah ganyan ka na ba ha? Sige ngayon tatanungin kita mahal mo pa ba ako? Kung hindi na hindi na din kita kukulitin. Titigil na ko!"
Tiningnan ko sya sa mata. Maluha luha sya habang naghihintay ako ng sagot. Please leah sabihing mong mahal mo pa din ako..
Pero di sya sumasagot. Di nya ko sinagot. I guess I'm done. I guess we're done.
At tuluyan na kong tumalikod, kasabay ng pagtalikod ko sa nararamdaman ko para sa babaeng minahal ko ng sobra. Pagtalikod ko sa lahat ng memories. Goodbye leah! I'm sorry.Fatima's POV
Sabi nila pag kasama mo ang mahal mo, parang kayo lang ang nasa mundo. Parang walang oras na tumatakbo, walang araw na lumulubog, wala kang ibang nakikita kung hindi sya. Yung kahit na kasama mo sya namimiss mo pa din sya. Yung naiimagine mo ang future mo kasama sya. Ganon ba yun? Ganito kasi yung feeling ko ngayon. Oo, He's the one!
"Fatima?"
"Yes? Ano yun?"
"May dapat kang malaman."
"Ha? Ano yun?"
"Bukas. 7pm hihintayin kita sa park"
"Okay sige."
Kinabahan ako sa sinabi nya. Baka ito na yung hinihintay ko. Ready na ko mag yes! Hahaha

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?