Fatima's POV
Monday, 7:30 am.
Napaka-aga kong nagising kahit na hapon pa naman ang first class ko. Gusto kong matulog kaso gising na gising na ang diwa ko. Sige na nga babangon ko na to.
"Good morning to myself! Lord, sana maging okay ang lahat ngayong araw na to. Salamat for this day. I love you!"
Ring.. Ring.. Ring..
Leah's calling..
Hay nako. Ang aga naman nito mambulabog at himala maaga din syang nagising.
"Hello?"
("Bes good morning! Agahan mo naman pumasok ngayon oh?")
"Ha bakit? Anong meron?"
("Basta may ikkwento ako sayo. I need my bestfriend. See you later ha?")
"Ano yun? Anong oras? Tsaka.." tooot.. Tooot.. Tooot..
Aba'y bastos to ha. Nagsasalita pa ko eh.
1 new message received
Leah:
Bes 11:00 am sa lobby. Thanks, Ingat!Okay. No choice! Sige na wala na din akong magagawa baka magtampo pa to sakin. Magaayos na ko.
10:30am, School lobby.
Nandito na ako ngayon sa lobby ng school. Medyo walang tao dahil siguro may mga klase na sila. Matext na nga si Leah.
To Leah:
Bes I'm here na sa lobby. San ka na? Wait kita.After 1hour. Wala pa ding Leah Alejandro sa lobby at wala pa ding reply. Saan na ba to? Tss.
To Leah:
Nasaan ka na? Tagal ha. Anong petsa na.1 new message received
Leah:
Bes im sorry! Bigla kasing pumunta dito si Andrei. I'll explain later. Sorry talaga. I love you!Great. Just great! Masasapak ko na to si leah eh. Hay nakakabeast mode. Anong gagawin ko ngayon dito? Kainis naman. Ayoko ng umuwi dahil medyo malayo ang bahay namin. Sige no choice pupunta na lang ako sa park at makikinig ng music. Tamang tama kailangan ko ng magandang ambiance.
Sa park.
Baby now that I found you
I will not let you go
I build my world around you
I need you so
Baby even though you dont need
You dont need me no more.Napapasabay na ko sa kanta. Haay naiimagine ko nanaman ang future ko. Yung tipong sweet kami ni JM na magkasama sa park tapos masaya lang kaming magkasama.. Pero speaking of JM. Hindi ko pa sya nakikita. :( nasan na kaya yun?
(Lingon lingon. Lingon sa likod.. At paglingon ko sa gilid ko.... )Teka. Sya ba yun? Nanaginip ba ko? Siya nga! Si jm kasama ang mga kaklase nya. Lord ito na ba ang tinatawag na destiny? Pagkakataon nga naman oh. Thank you lord!
Tinanggal ko na ang earphone ko para marinig ang jamming nila.
Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba?
Sana nama'y walaDi mo ko masisisi sumusulyap palagi
Sayong mga mata oh kay ganda oh binibini..Oh ang isang katulad mo ay di na dapat pang pakawalan..
Alam mo ba pag naging tayo hinding hindi na kita bibitawan..Haayyy. Ang ganda talaga ng boses niya. Nakakainlove. Swerte talaga ng magiging gf nya at sana ako yun. Naaalala ko nanaman ang una naming pagkikita sa kantang yan.
"Ahm ehem. Miss?"
"Miss?"
"Excuse me miss?"
Si Jm nasa harap ko. Malala na to fatima. Okay gising na!
"Uy miss? Hello?"
"Ay kabayo! H-ha? Kanina ka pa nandyan?"
"medyo. Napansin ko kasi kanina ka pa nakatingin samin. Kaya naisip ko naiingayan ka na samin. Sorry ah."
Oh crap! Nahuli nya ko. Ano ba yan. Pano ba to?
"Ah eh. H-hindi. Actually napatingin lang ako. That was a nice song. Iniisip ko lang kung anong title"
Hala. Ano bang sinasabi ko? Umaayos ka fatima sasabunutan kita.
"Original song namin yun. Thank you naappreciate mo. Wait. Parang you look familiar. Have we met before?"
"H-ha? Dun sa.. Ano.. Uhmm.."
"Ah! Dun sa canteen. Oo dun nga."
Oh yes! Naalala nya. Kilig! ❤
"Ay oo. Ikaw yun. Naalala ko na" ayan ganyan nga. Wag kang pahalata.
"so nice to see you again. By the way Im JM and you are?"
naglahad sya ng kamay sa akin. Omg! Teka. Bat ang lamig ng kamay ko. Medyo pawis na din. Turn off. Pero keri lang basta mahawakan ko sya.
"I know. Este I'm fatima. Nice to meet you." at nahawakan ko na ang kamay niya. Wooooh! Heaven! Thank you talaga lord! Ayoko ng bitawan. Pero...
"Fatima sige ah alis na ko tinatawag na ko ng kaibigan ko eh. See you around! Bye :)"
Ha? Ano? Ganon lang? Epal naman tong kaibigan niya. Teka! May nadala ka. Uy yung puso ko nadala mo. Huy! Dito ka muna. Haay umaalis na sya ng tuluyan ni hindi nanaman ako nakapagsalita. B-bye JM. :(
Oh wait! Anong oras na ba? Sakto papasok na ko. :) Ang sarap naman ng may insipirasyon.. Lalalalala...
Sa school.
Teka. Si leah ba yun?! Akala ko ba?..
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomansaPaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?