"Baby, Can I be your Mr. Right forever?"
Hindi nakasagot si fatima sa pagkabigla at parang hindi pa pumapasok sa isip nya lahat ng nangyayari. Habang naghihintay si Joseph ng sagot mula kay Fatima hindi nya maiwasang kabahan na baka tanggihan sya ni Fatima. Kaya naman nagsalita sya ulit.
"Sorry, nabigla ka ba? Hindi naman ako nagmamadali sa sagot mo. I can wait!"
"No, it's okay. Nagulat lang ako. Pero sasagutin ko na yung tanong mo."
"Talaga? Tatanggapin ko kahit ano pa yung sagot mo. I love you and I will do anything para mapatunayan ko lang sayo na ikaw lang ang gusto ko makasama sa lahat ng oras. Fatima, baby will you marry me?"
"Yes baby."
Hindi inexpect ni Joseph na iyon ang isasagot ni fatima. Niyakap nya lang to ng mahigpit at napaluha sa sobrang saya. Hindi sya makapaniwala kaya itinanong nya ulit ito.
"Talaga ba?"
"Oo nga. I love you and I will marry you!"
"Yessssss! I love you more baby and thank you. This is the best gift for our anniversary."
Leah POV
"Ano?! Agad? Teka ba't parang ang bilis?"
"Ano ka ba? Mahal ako ni Joseph bes."
"Oo alam ko naman yun, pero ikaw gaano ka kasigurado na mahal mo si joseph?"
"Mahal ko sya. Okay?"
"Paano yung isa?"
"Sino?"
"Ah talaga dapat sinasabi pa yung pangalan? Edi si Jm"
"Ssshhh. Bes labas si Jm samin. Ano naman kinalaman nya dito?"
"Baka nakakalimutan mo bes gusto ni Jm na magkaroon ng happy ending ang love story nyo. So paano pag nalaman nya to?"
"Problema nya na yun. Basta ako alam ko ang tama at mali."
"Bes iba ang tama at mali sa kung sino ba talaga ang mahal mo."
"Ikaw talaga pinapagulo mo lang yung isip ko. Tsaka alam mo wag mo ako itulad sayo na naguguluhan kung sino sa dalawa. Si Andrei o si Cyrus"
"Bat naman sakin napunta yung usapan? "
"Ano? okay na ba kayo ni cy?"
"Hindi pa. Di pa kami nagkakausap, naiinis pa ko sa kanya."
"Hay nako, kung ako sayo kausapin mo na sya."
"kakausapin ko naman, magpapalamig muna ko. Baka kasi pag kinausap ko sya ngayon, papiliin ko lang sya kung ako o yung trabaho nya. At ayoko mangyari yun."
JM POVs
"Hello bro, Bakit ka napatawag?"
"Jm saan ka? Nagyaya si Joseph ngayon eh kita kita daw tayo."
"talaga? Anong meron?"
"Ewan ko, biglaan lang. Ano dating gawi?"
"Okay sige. Punta na ko."
Baka nandun si Fatima, baka this time makita ulit sya. Kahit makita ko lang sya masaya na ko. Kahit na makita ko sya na kasama si joseph.
"Hey! Long time. hahaha"
"Bro buti nakadating ka."
"Anong meron? At nagyaya ata ng biglaan to si Joseph"
"Hahaha mga bro gusto ko lang magcelebrate"
"Celebrate ng ano?"
"Anniversary namin kahapon ni Fatima"
"Ayun naman pala. Kayo na talaga!"
"Hahahaha bro ano naman kinalaman namin dyan?"
"Oo nga. Kailangan pati kami magcelebrate? Hahahaha"
"Hindi pa kasi ako tapos. Gusto ko din kayong iinvite"
"Bro alam na to!"
"Ten ten tenen ten ten tenen"
"Hahahaha bro she said yes. Ikakasal na kami"
"What?"
"Oh makareact ka naman JM. Hahahaha"
"So congrats sa inyo."
"Congrats bro, So happy for both of you."
"Salamat. Cheers!"
Natahimik ako sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari to. Bakit? Bakit ka pumayag fatima. Napaka unfair.
....
"Bro kaya mo pa?"
"Jm mukhang nakadami ka na ah. Hahahaha ayokong maging driver ah."
"Gago! Kaya ko pa."
"Joseph na saan nga pala si fatima?"
"Nakauwi na. Kasama nya si Leah."
"Let's go mga bro's lets party!"
Kailangan kong makausap si Fatima. Kailangan ko sya puntahan. Umalis na ako ng hindi man lang ako nagpaalam. Hindi din naman nila mahahalata dahil mga may tama na yung mga bugok na yun. Agad akong pumunta sa bahay nila Fatima. Tinatawagan ko sya pero hindi nya ako sinasagot.
Ding dong Ding dong..
"Fatima, Kailangan natin mag usap."
"Alam ko naririnig mo ako"
"Lumabas ka kausapin mo ako"
"Ano ba Jm gabi na nagiingay ka pa dyan"
"Magusap tayo"
"Ano ba? Bakit ka nandito?"
"Bakit ganyan ka sakin?"
"Lasing ka ba? Umuwi ka na!"
"Ayoko. Kausapin mo ako"
"Umalis ka na. Baka makita ka pa ni Joseph dito"
"Wala akong pake. Bakit pumayag ka?"
"..."
"Bakit napaka unfair mo? Bakit sya ang dali mong pinatawad, bakit galit na galit ka sakin. Bakit sya binigyan mo ng chance, bakit ako kahit 1% chance di mo kaya ibigay. Bakit sya ang minahal mo at bakit hindi ako? Fatima bakit ang daya mo? Ipaintindi mo naman sa akin kasi masakit na. Mahal na mahal kita fatima pero bakit kailangan mong gawin sa akin to?"
"...."
"Sumagot ka naman oh. Ang tanging kasalanan ko lang naman minahal kita at hindi ko nagawang panindigan yun sa iba at aminin sayo ang lahat. Pero bakit feeling ko daig ko pa nakapatay at hindi mo ko magawang mapatawad. Mahal mo pa ba ako?"
"Umalis ka na"
"hindi ako aalis dito. Sagutin mo muna ang tanong ko, Mahal mo pa ba ako? kung hindi na, hindi na ako magpapakita sayo kahit kailan. Lalayo na ako."
"....."
Hindi sya sumasagot at umiiyak lang sya. I think alam ko na ang sagot..
"I'll take that as a no. Sorry"
Tumalikod na ako, at naglakad palayo.
"Jm!"
Napahinto ako ng tinawag nya ako, Lumingon ako at nakita ko syang papalapit sa akin. Bigla nya akong niyakap at niyakap ko din naman sya.
"Sorry, Ayokong mawala ka."
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?