The Accident

97 8 0
                                    


Fatima's POV

Kailangan kong kumalma, Hindi dapat ako makita ni Joseph na ganito. Dahil panigurado mag-aalala at kukulitin nya lang ako kung anong nangyari. Kaya naisipan ko nalang magkulong sa kwarto.

Naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari. Kailangan ko ng makakausap at si Leah lang ang pwede kong kausapin.

Kinuha ko ang cellphone ko at kanina pa pala tumatawag si JM. Ayoko na syang kausapin pa. Matagal ng tapos ang sa amin at mali kung ipagpapatuloy ko pa yung nararamdaman ko. Matawagan na nga lang si Leah.

Biglang Nagring ang cellphone ko at nagulat ako kaya napindot ko ang answer button. Shit ang tanga tanga talaga!

"Hello?"

Beeeepppp... Beeeeeepppp..

Yan lamang ang narinig ko sa kabilang linya, at ang malakas na bangga. Nabitawan ko ang cellphone ko at nanghina ako.

Hindi!! Hindi Fatima! Mali yang iniisip mo. Tawagan mo ulit sya.

the number you have dialed is not in service

Nakailang tawag na ako pero bakit di ko sya macontact?!

Please JM.. Wag naman sana..

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan ko ng tawagan si Leah o si Joseph.

"Hello Bes?"

"Bes!! huhuhu"

"Oh anong nangyari sayo?!"

"Bes di ko na alam gagawin ko, please puntahan mo na ko ngayon."

"Okay sige."

"Thank you"

Ilang oras din akong naghintay kay Leah. Malapit sya ng malapit pero ang tagal ng malapit nya.

"Bes! Ano bang nangyari? Kaloka ka"

"Bes si JM kasi di ko macontact?"

"OMG! May balak ba kayo magsama? tapos di ka nya sinipot o kaya.."

"Shhh.. no!!"

Kinuwento ko kay Leah ang buong nangyari. Pati sya ay hindi makapaniwala at nagaalala na din.

"Bes anong gagawin natin?"

"Leah tawagan mo naman si Joseph o kaya yung mga barkada nila. Pakamusta mo si JM."

"Okay fine, I will call Leo."

"Hello Leo?"

"Oh? Leah what's up?"

"Ahmm pwede favor?"

"Sure. Ano yun?"

"Kailangan ko kasi ng tulong kay JM. Eh kaso di ko sya macontact. Kasama mo ba sya or nakausap mo na?"

"Kasama namin sya kanina, kaso umalis na sya. May nangyari kasi."

"Ha? Anong nangyari?!"

"Si JM and Joseph nagkagulo because of Fatima. Pero lasing lang din kasi sila."

"Really?! OMG. Okay lang ba sila? Si Joseph? Can you please help me to find JM please?"

"Okay lang si Joseph. Nagpapakalma, Wag mo nalang din sabihin kay Fatima baka magalalala pa sya. I will try to contact JM then I will update you."

"Thank you so much, bye"

...

" Bes anoong nangyari? Si joseph? Si jm? Tinatawagan ko sila pero wala talaga"

"Bes relax okay. Okay lang si Joseph, kasama pa din nya ang barkada. Pero si JM umalis na daw kanina pa dahil nagkagulo sila ni Joseph. Pero wag mo nalang sabihin na sinabi ko."

"What?!"

"Oh sabi ko relax diba? Okay naman na. Maghintay na lang tayo sa tawag ni Leo."

"Okay."

Ilang oras na ang nakakalips, Pero wala pa ding tawag o balita kay JM.

"Bes, tawagan mo ulit. Sige na"

"Kanina ko pa tinatawagan si Leo bes, baka naman makulitan na yun sa akin at di na ko pansinin."

"Ang tagal kasi eh."

...

Ring... Ring... Ring..

"Oh eto na"

"Hello Leo?"

"Hello Leah, Ahmm. Bad news.. Nandito kami sa hospital. Nabangga yung kotse ni JM eh. Critical sya ngayon"

"Ha?!! Saang hospital? Pupunta kami."

"Leah kung kasama mo si Fatima, wag muna. Nandito naman kami tsaka si Joseph. Iuupdate nalang kita"

"okay, I understand. Thank you!"

...

"Bes wag ka mabibigla, Pero naaksidente daw si JM. Nasa hospital sila lahat ngayon."

"What? Tara na, puntahan natin."

"Wag muna. Hindi makakabuti kung pupunta ka pa dun."

"Bes, kasalanan ko to. Lahat ako ang dahilan! Sana ako nalang, hindi si JM. Huhuhuhu"

"Tama na. Wala kang kasalanan."

"Kung hindi dahil sa akin, di magkakaganito"

"Sssshhh.. Alam mo magpahinga ka muna, umakyat ka muna sa taas. Iuupdate nalang kita"

Sinunod ko si Leah. Di ko na din alam kung kaya ko pa lahat ng nangyayari. Sana okay lang sya, sana walang mangyari na mas masama sa kanya..

Sana.....

....

Joseph POV

Hindi ko alam kung maniniwala na ba ako na "Ang mga masasayang pangyayari ay may kakambal na malungkot na pangyayari"

Kasalanan ko kung bakit nandito sa hospital ang kaibigan ko. Sana hindi ko na sya pinatulan. Hindi nya kasalanan kung bakit hanggang ngayon mahal nya pa si Fatima.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay JM.

"Bro, sa tingin ko kailangan mo munang puntahan si Fatima. Alam nya na ang nangyari kay JM."

"Ano?! Sino nagsabi?"

"Ako bro. Kausap ko si Leah kanina eh, malamang nabanggit nya na kay Fatima yun"

"Excuse me, kayo po ba ang family o kasama ng pasyente?"

"Yes, Kami nga po doc"

"I would like to inform you that the patient is..."

It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon