Leah POV
Naniniwala ako na lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Cyrus, hindi na kami nag-usap. Hindi ko din alam kung nasaan sya, sinubukan kong tawagan sya pero di ko sya macontact. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at naiintindihan ko kung galit sya sa akin. Wala na kong mukha na ihaharap sa kanya dahil sa ginawa ko. Tama si Fatima, kailangan kong alamin at magdesisyon kung sino nga ba talaga o kung ano ba talaga tong nararamdaman ko.
Makikipagkita ako kay Andrei ngayon, at pumayag naman sya, hindi ko alam kung anong mangyayari after nito pero eto ang dapat kong ginawa noon pa bago ko makipagrelasyon ulit.
Nandito na ako sa resto ni Fatima, di ko naisipan makipagusap para naman deresto ako sa confession room with Fatima. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na agad sya. Nakaramdam ako ng kaba at takot pero kailangan ko harapin sya.
"Hi, Kanina ka pa?"
"No. Kadadating ko lang din."
"Okay, umorder ka na ba? Alam mo si Fatima nagmmanage nito kaya for sure magugustuhan mo yung foods."
"Leah ano bang pag-uusapan natin?"
"Nagmamadali ka ba? may lakad ka ba? Sabihin mo lang pwede namang next time na lang to"
"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako na nagyaya ka makipagkita."
"Yun naman pala eh, umorder muna tayo kasi gutom na din ako."
Tsk. Grabe naman to! Bat ko ba naisipan gawin to. Hindi ko alam kung paano ko sisismulan. Mukha naman okay na to si Andrei, baka mamaya isipin nya bitter ocampo ako dito. Pero infairness gwapo pa din sya.
"Bakit ka nakatingin? May dumi ba ko sa mukha?"
"Ha?! Hindi napatingin lang ako baka kasi kulang pa sayo yan, order ka pa."
"Hahahaha para mo naman akong bibitayin after mo ko pakainin"
"Kung pwede nga lang eh"
"Ano? May sinasabi ka?"
"Ha? Wala sabi ko kung pwede lang wag ka masyado madaldal kasi baka mabulunan ka."
"Hahahaha leahng leah ka pa din talaga!"
Natapos na kami kumain pero wala pa din ni isang nagsasalita, parang gusto kong tawagin si Fatima at sya ang magsimula. Pero kailangan ko tong gawin ng magisa. Sige Leah kaya mo yan! Ginusto mo to eh.
"Ahm Andrei.."
"Yes?"
"Uhm.. Gusto kitang makausap kasiiiii."
"Kasi?"
"I think we need a closure"
"What do you mean?"
"Alam ko na matagal na tayong wala. Nakapagmove on na tayo pero..."
"Pero?"
"Pero.. kasi... ano.."
"What?"
"The truth is..."
Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso, hinihintay ang sasabihin ko. Mas lalo akong kinabahan dahil sa gianagawa nya.
"I just want to know.. Why?"
Nagulat sya sa sinabi ko, alam ko na alam nya na ang ibig sabihin ko. Hindi sya nakasagot agad at umiwas ng tingin sakin.

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
Storie d'amorePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?