Sa isang relationship, ano nga ba talaga ang pinakamahalaga? Ang LOVE o ang TRUST.
Sabi nila kapag sa isang relationship may trust hinding-hindi matitibag ang love. Mas lalo pa tong titibay. Pero ang isang relasyon na walang trust nababalewala ang love.
Ano nga ba talaga ang batayan ng isang relasyon? Kaya mo bang manatili sa kanya dahil mahal mo sya kahit wala na ang tiwala sa isa't isa. O pipiliin mo na lang igive-up ang nararamdaman mong pagmamahal para lang wala ng masaktan at mahirapan?
Pag pinairal mo ba ang love, at the end babalik na din ang tiwala at babalik na kayo sa dati? Eh paano kung hindi? Paano kung hindi pala enough ang love?Mahirap..
Magulo..
Nakakabaliw..
Nakakapagod..
Madaming tumatakbo sa isip ko.. Puro what if's, puro doubt.
Mahal ko siya pero bakit hindi ko na magawang magtiwala pa?
Mahal ko nga ba talaga siya o nanghihinayang na lang ako naging samahan namin.
Mahal ko nga ba siya o natatakot lang ako na sa bandang huli ako din ang magsisisi.Ano nga ba ang dapat pairalin?
Ano nga ba ang dapat sundin kung iba ang sinasabi ng isip at puso ko?Paano ko nga ba pagkakatiwalaan ang lalaking sumira ng tiwala ko.
Ang lalaking sinayang ang pagmamahal ko noon.
Ang lalaking sinaktan ako. At....Ang lalaking bumabalik sa akin ngayon.

BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
Roman d'amourPaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?