Fatima's POV
Simula ng bitawan nya ang mga salitang "Mahal pa din kita at hindi ako susuko" at ang pagtalikod't paglayo nya sa akin hindi na ako natahimik. Feeling ko bumalik nanaman ako sa dati. Gusto kong maniwala sa kanya na hindi nya sinasadya ang lahat ng ginawa nya na sadyang mahal nya lang talaga ako ng mga panahong yun pero meron akong takot na baka maulit nanaman ako sa panahong sakit at lungkot lang ang nararamdaman ko. Hindi ko alam.. Hindi ko talaga alam.
Isa lang talaga masasabihan ko sa ganitong sitwasyon.. Si leah..
To Leah:
"Bes san ka? Let's meet!"
....
Bakit kaya di nagrereply at sinasagot ni leah? Wala naman syang pasok ngayon ah.
ring... ring... ring..
"Hello bes? san ka?"
"Babe It's me."
"Babe ikaw pala.. Si leah kasi kanina ko pa tinatawagan eh, di ako sinasagot."
"Oh I see! Bakit may lakad ba kayo ngayon?"
"Wala naman. I just miss my bestfriend."
"And me? Did you miss me?"
"Ofcourse babe. I miss you!"
"I miss you too babe! Btw, Kamusta yung meeting nyo ni Jm?"
"Ha? ah.. hmm.."
"Why? Is there something wrong? Hindi ba approve sayo?"
"No, Okay naman. But sa tingin mo ba okay lang na sya yung maging supplier?"
"Why not babe? I know Jm is good pagdating sa ganyan. Trust him!"
"Trust him?"
"Yah! Alam ko na makakabuti kung sya ang piliin mo."
"Piliin ko?"
"hahaha babe are you okay? Inuulit mo lang yung sinasabi ko eh. What I mean is Piliin mo syang pagkatiwalaan.. Para sa business mo."
"Ah o-okay."
"sige na babe I have to go, Sunduin kita later okay? I love you."
"...."
"Babe still there?"
"Yes, ano ulit yun?"
"I said I love you!"
"I love you too!"
Ano ba naman yan! Ibig sabihin ni Joseph sa business hindi sayo at kay Jm. Okay? So, Fatima go back to work and focus.
Melissa POV
Simula ng umalis si Jm at bumalik sa Pinas, Hindi ko mapigilan ang maging malungkot at mamiss sya. Lagi kasi kaming magkasama dati. He always there for me, isang text o tawag ko pa lang nandyan na sya kagad sa tabi ko. He is my best buddy, best brother, best friend and my best man of my life. Oo matagal na kaming magkaibigan pero matagal ko na din syang mahal. I love him kahit na may mahal syang iba. I love him kahit na kaibigan lang ang turing nya sa akin. I love him kahit na malabo. I LOVE HIM KAHIT NA ALAM KONG HINDI NYA MASUSUKLIAN YUN.
Naalala ko, I was drunk that time. Nasa bar ako and then naisipan kong pumunta sa bahay ni Jm madaling araw na yun pero di ko naisip na baka tulog na sya that time. I was in front of their house and shouting his name. Hanggang nakita ko sa window na binuksan nya na yung light and sinilip ako. Binaba nya ako with his angry face. Oh VERY ANGRY FACE. :)
"Anong ginagawa mo dito?" Nakainom ka pa and nagdrive ka?"
"Yes, And I'm safe! Galing diba?"
"Ano ngang ginagawa mo dito? Iuuwi na kita."
"No!! I'm here because I miss you!"
"Melissa lasing ka na. Lagot ka sa dad mo pag nalaman nya to."
"Jm I have something to tell you"
"Bukas na yan!"
"No! This is important."
"What?"
"I-i- bwaaahhh buuuuuh"
"Yuck melissa, sinukahan mo pa ko. Let's go inside. pasaway ka talaga"
When I go to his room. I saw her photo. Nakita ko si Fatima.. Ang babaeng mahal ng lalakeng mahal ko. Napaluha ako.. Bakit kailangan si Jm pa ang mahalin ko.
"Melissa are you okay? May problema ka ba? Bakit ka umiiyak?
"Jm kung kamukha ko sya, kung kaugali ko sya, kung ako sya, maiinlove ka kaya sakin?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"I love you Jm! I really do.. And this feeling is a big sh*t!"
Nagulat sya sa sinabi ko, at di sya nakapagsalita. Lumapit ako sa kanya and I kissed him. Pero nagulat ako sa ginawa nya dahil agad nya akong pinalayo at tinulak. That's it! Alam ko na ang sagot..
Ilang oras din kaming di nagkibuan. Wala ni isang salita na umalingawngaw sa kwarto na yun. Kaya naisipan kong tumayo na lang at umalis na. Pero bago pa man din ako makalabas, hinawakan nya ako..
"I'm sorry melissa! But I love.."
"I know. You still love her. Don't worry I already expect this. I'll be fine."
"Melissa I love you as my best friend."
"And that's a bullsh*t Jm. I can't make you love me"
Tinanggal ko na ang kamay ko at lumabas.
...
After nun, may ilangan na samin ni Jm pero nagdecide kami na hindi itapon ang pagkakaibigan namin. So ngayon, Eto kami okay ulit kahit na alam ko sa sarili ko na nagppretend lang ako kahit sobrang sakit na. Ganon talaga ata talaga, If you love someone, you will do everything for him kahit na masakit. kahit na mahirap. Just love him unconditionally.
Yess! Nakaupdate ulit. Sorry sorry sobrang napakatagal ng update ko. Pero thank you po sa mga nagv-vote and nagaadd sa kanilang mga reading list's and nagffollow. I hope maka update ulit ako next week. Thank you! :) Enjoy reading.. <3
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomansaPaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?