Mr. Right POV
Napakaboring. Boring. Boring talaga pag walang pasok -.- una dahil wala akong kasama sa bahay, pangalawa walang jamming kasama ang barkada at syempre hindi ko sya makikita. :( kanina ko pa din iniisip at tinatangka nga magtext sa kanya pero baka busy sya, baka nagpapahinga. Namimiss ko na sya.
Nagbabasa-basa na lang ako para malibang. Tutal malapit na naman ang exams namin pero may part pa din sa isip ko na hindi makafocus sa binabasa ko. Iniisip ko kung paano ako aamin sa kanya na gusto ko sya. Na gusto ko syang ligawan. Na gusto ko syang maging girlfriend.. Ang hirap dumamoves!! Tss.
Bahala na. Magtetext na ako sa kanya! Sayang lang din ang chance kung hindi ako gagawa ng paraan.
To: Fatima
Hi Good evening. Gising ka pa ba? I just want to ask something.
Message sent
Hindi na ko mapakali. Parang hindi ako lalaki sa mga kinikilos ko. Patingin tingin ako sa phone ko baka magreply na sya, at ayun nagreply na nga :D
Fatima
Hello, Yes I'm still up. What is it?
Grabehan na tong kaba ko! Yung kaba ko, Para akong tinawag sa recitation tapos hindi ako nakapagreview. Hoooooh!
Pano ko ba sisimulan to? Pano ko masasabi kung pwede ko syang ligawan? PAAANOOOOOOOO?!
After 3hours
Hindi ko namalayan ang oras. At hanggang ngayon iniisip ko pa din kung anong irereply ko sa kanya. Ang hina ko naman sa mga ganito. Sinubukan ko itext ang mga barkada ko pero puro kalokohan lang ang suggestions nila. Mga loko-loko talaga! Bahala na talaga si batman kung ano mang maisipan ko.
To: fatima
Sorry late reply. You know what? From the moment I saw, I know that you're the one I'm waiting for. I know na medyo mabilis pero eto na kasi yung nakikita kong chance so I grab it. Gusto kita! Alam ko na hindi ka agad maniniwala, Kaya kung papayagan mo sana ako. Gusto ko sanang manligaw, kung okay lang sayo?Message sent
Ayan. Okay na yan! Ang tanong gising pa kaya sya? Ang bagal ko kasi eh. Mamaya na lang, alam ko na gagawin ko. Sana magwork. :)
Sunday morning
Akala nyo ba natulog ako? Hindi. Dahil pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Kailangan talagang maaga ako ngayon dahil may gagawin ako. At sana magustuhan nya. :)
Pupunta ako ngayon sa mall para bumili ng ibibigay ko sakanya.
1box ✔
3 pink roses✔
1 card ✔
1 angel figurine ✔Okay na lahat. Pwede ko na sya ibigay. Kaya dumiresto na ako sa bahay nila, sana tulog pa siya. Sana hindi nya ko makita.
Habang palapit na yung sasakyan ko sa kanila. Hindi ko maiwasang kabahan. Gusto ko ng bumaba pero may pumipigil sa akin. Kaya ko to! Kailangan ko ng bilisan at baka mahuli pa ko.
Nagmamadali na kong iwanan lahat sa pinto nila yun. At nang paalis na ko may bumukas ng pinto. Oh shit!
"Sino ka?!"
Fatima's POV
"Bes! Huy gumising ka na dyan. Bilisan mo!"
Antok pa ko. Antok na antok pa ko! Napakaaga pa naman, eto talagang si Leah napakaingay. Mamaya na please?
"Bes naman eh! Tingnan mo to oh."
"ayaw mo? Bahala ka bigay pa naman to ni Mr. Right"
Ano daw? Bigay nino? Ni Mr. Right? Paanong..?
Oooooohhhhhh! Mmmmmmmm! Ggggggggg! ❤❤❤
"Bes kanino galing to?"
"Kay Mr. Right?"
"Pano mo naman nasabi?"
"Nakita ko sya kanina, uuwi na sana ako eh. Balak ko na lang itext ka pag gising mo eh kaso.. Nakita ko syang iniwan yan."
"Ha? Sino sya? si JM ba sya?"
"Secret :) buksan mo na yung box dali"
Pagkabukas ko ng box may 3 roses at angel figurine and may card na may nakasulat na
"I just wanna make your day special and to make you smile. Because you're more beautiful when your eyes and lips smile. I hope that you appreciate my little gift. Have a great day ahead my angel :)"
At tuluyan na kong nahimatay sa kilig. De joke lang! Unexpected. Speechless ako. Pero ang nakakaloka ang mga hampas sa akin ni bes. Grabe sakit ha. Kinuha ko agad ang phone ko at inutusan kong magpaload si bes. Hehehe sa tapat lang naman namin yun kaya di na sya umangal. Nang dumating na yung load nagtext ako sa kanya.
To: Mr. Right
Thank you! :) Napasaya mo ko ngayong araw na to. :)
Ang nakakapagtaka lang.. Paano nya nalamang may collection ako ng mga angel? Galing magresearch ah. Hehehe.
"Bes pano mo nasabing si JM yang Mr. Right?"
Nakakagulat naman to. Pasulpot sulpot.
"Halata naman eh. :)"
"Sure ka na iisa lang si Mr. Right at JM?"
"Oo naman. Bakit?"
"Eh kasi... Ah wala sige uwi na ko. Bye! See you later."
"Bye. Ingat bes. Loveyou!"
Parang ewan to si bes. Halata naman na si JM at Mr. Right ay iisa. Haynako basta ako kilig kilig kilig ako ngayon. ❤❤
At nagreply sya.Mr. Right
Wala yun. Basta para sayo! :) nagustuhan mo ba yung mga laman ng box?
To: Mr. Right
Oo naman. Paano mo pala nalaman na gusto ko yung mga angel?
Mr. Right
Kapag gusto, may paraan :)
Edi wow! :D
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomancePaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?