The Bad News

81 8 4
                                    

Joseph POV

"The patient is critical until now. Wala pa din syang malay hanggang ngayon. Madaming nawala na dugo sa kanya at kailangan maoperahan ka agad sya. But we need to talk to his parents. Nasaan ba sila?"

"Ah doc. Nasa ibang bansa po eh. Pero doc kung ano man po ang dapat gawin sa kaibigan namin para maging okay sya gawin nyo na po. Kami na lang po magpapaliwanag sa parents nya."

"Don't worry ginagawa na namin ang best namin para maging okay ang kaibigan nyo. Pero kailangan namin kahit guardian nya."

"Sige po. Tinawagan na namin ang auntie nya. Papunta na sya"

"Okay. Maiwan ko muna kayo"

"Thank you Doc."

....

Ayokong isipin na ako ang dahilan kung bakit nangyari to. Pero kung hindi ko sya pinatulan sana okay pa ngayon si JM.

"Bro alis muna ko. Puntahan ko si Fatima"

"Sige bro. Ingat!"

"Balitaan nyo na lang ako."

.....

"Babe?"

"Oh. Joseph. Ano kamusta si JM?" -Leah

"Wala pa din syang malay. Nasan si Fatima? Okay lang ba sya?"

"Hindi. Nasa kwarto sya ngayon" -Leah

Nasasaktan ako na nakikita kong nasasaktan si Fatima. Alam ko na mahal nya pa din si JM at sobra syang nagaalala. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon na nakikita ko syang umiiyak.

"Babe?"

"Joseph ano kamusta?"

"I’m sorry! Sana di ko na lang pinatulan yung kabaliwan ni JM para di na nangyari sa kanya to"

"Ssshhhh. I’m sorry babe! Ako lahat may gawa neto. Ako dapat sisihin."

"Wala kang kasalanan. Wag mo sisihin ang sarili mo!"

"Joseph tell me okay lang ba sya?"

Hindi ako nakasagot. Umiling lang ako at yun lalo ang nagpaiyak sa kanya. Wala akong magawa, hindi ko alam kung anong gagawin ko para maging okay sya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang yakapin sya.

Knock..knock..

"Joseph, sorry pero kausapin ka daw ni Leo. Urgent." -Leah

"Thanks leah. Lalabas na ako."

"Go ahead. Kausapin mo na sya." -Fatima

....

"Hello?"

"Bro may balita ako. Nandito na yung auntie ni JM."

"Oh? Ano ng nangyari?"

"Eh nagdesisyon sila na sa ibang bansa na lang ipagamot si JM after ng operation."

"What?!"

"Oo pre. Galit na galit sa atin si tito nung nakausap kami sa phone. Hindi daw tama na bumalik pa dito si JM."

"Sorry bro. Nadamay pa kayo.Kailan ang alis nila?"

"Baka bukas daw."

"Okay sige. Salamat bro"

Dapat ko pa bang sabihin kay Fatima na aalis na si JM?

"Babe? Sinong aalis?" -Fatima

"Ha? Ano kasi.."

"Ano yun?" -Fatima

"Aalis na si JM. Pupunta na syang ibang bansa para dun magpagamot. Baka bukas daw ang alis."

...........

After 3weeks...

Fatima POV

"Bes alam mo feeling ko mas bagay sayo to. Ay hindi parang ito. What do you think?"

Kamusta na kaya sya? Okay na kaya sya? Wala pa din akong balita simula nung umalis sya.

"Hey! Bes?!"

Ni hindi ko man lang sya nabisita sa ospital. Ni hindi ko man lang sya nakita sa huling pagkakataon.

"Bes ano ba??"

"Ha?"

"Ano gising na?"

"Bakit ba?"

"Anong bakit ba? Kanina pa kita kinakausap. Okay ka lang ba?"

"Bes wala ka bang balita?"

"Yan na nga ba sinasabi ko eh. Nako kung nandito lang si Jospeh ewan ko na lang."

"Nagtatanong lang naman ako. Syempre kaibigan ko pa din yung tao."

"Ewan ko sayo! Di mo ko maloloko. Ano? Gusto mo pa ba ituloy tong kasal nyo?"

"Bes tawagan ko kaya? Kakamustahin ko lang tapos okay na."

"Oo na sige na. Para matahimik na yang isip mo sige na tawagan mo na. Pero parang awa mo na last na yan"

"Oo bes. Last na. Thank you"

Tinawagan ko sya. Kinakabahan ako pero alam kong eto lang paraan para matahimik na ako sa pagaalala sa kanya.

Ring...ring...ring..

"Hello?"

"Uhm. Hello?"

"Sino to?"

"Si fatima. Friend ni JM. Nandyan ba sya?"

"This is Melissa. Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari kay JM?"

"Ha? Anong nangyari?"

"Wala na sya."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"Patay na si JM"



It's hard to trust again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon