Fatima's POV
Mr. Right? Hahahaha. Yun talaga code name nya? May pagkacorny din pala si JM. Pero sya nga ba talaga yun? Bahala na. :)
Nandito ako ngayon sa school. Medyo nagiging busy na ako dahil sa mga sunod-sunod na activities ng school. Sayang nga lang at wala si bes dito, for sure na mageenjoy sya sa magaganap na mga events.
1 new message received
Mr. Right
Manood ka mamaya ha? Asahan kita. Ingat :)Oo, Mr. Right talaga ang sinave ko sa phonebook ko. At confirm si JM nga talaga sya, may nalalaman pa syang code name eh halata naman sya. :) pero sige sasakyan ko ang trip nya. Para hindi naman halata.
To: Mr. Right
Ha saan? Hindi nga kita kilala eh.Mr. Right
Sa audition mamaya. Makikilala mo din ako soon. :)Hahahaha natatawa talaga ako kay JM. Akala nya hindi sya halata. Susmeyo soon pa eh ngayon palang kilala ko na sya.
Nandito na ko sa lobby at katatapos lang namin sa pag prepare. Nagsisimula na ang audition, Iniisip ko kung pupunta pa ko sa audition dahil baka pag nakita ko sya, hindi ko mapigilan ang sumigaw ng "I LOVE YOU JM" pero eto na ang pagkakataon ko para mas lalong mapalapit sa kanya.
Habang papunta ako, tinawag na ang banda nila. Sakto lang pala ako. Pumunta ako sa may gilid at mukhang nakita na niya ako kaya ngumiti na lang ako at sinuklian niya yun at nagsimula na silang kumanta.
Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y walaHabang kumakanta sya, hindi ko mapigilan ang ngumingiti.
Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibiniFeeling ko para sa akin yung kanta at hinaharana nya ako.
O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di papabayaan
Pagkat Ikaw sakin ay PrinsesaPagkatapos na pagkatapos nilang kumanta, lahat ng babae ay nagtitilian na. Pati ako napapagilid na sa sobrang harot ng mga to. At biglang may sumigaw ng "i love you JM Cruz"
Aba! Sino yun? Sabihin nyo kung sino yun sasabunutan ko talaga. Landi much! :/ grrr..
Maganda ang comment sa kanila at syempre tanggap sila. :) I'm so happy for them. Hindi naman talaga matatanggi na magaling talaga sila.
Paalis na sana ako ng bigla akong tinawag ni JM. Yiiiieee! :D
"Fatima!"
"Oh? Ikaw pala. Congrats nga pala sainyo."
"thank you! Bat aalis ka na agad?"
"Ha? Uuwi na ko JM. May gagawin pa kasi ako eh." (Pigilan mo ko please hahaha)
"Wag muna. Kain tayo nila Joseph. Treat namin. :) diba joseph?"
"ha? Oo." -joseph
Okay na sana. Date na dapat eh. Bat kailangan kasama pa ang bestfriend. Dapat kasi nandito si bes eh para double date. Hihihihi.
"Osige. Treat pala eh, go ako dyan. Hahaha"
"So tara na!"
Habang kumakain kaming tatlo. Napaka awkward. Ni walang nagsasalita. Bat ganon?
"So fatima, may boyfriend ka na ba?"
Wow ha. Nakakabigla naman to si JM. Medyo breezy boy. :D
"Wala pa. Bat mo naman natanong?"
"Good. Eh kasi baka may magalit pag nalamang sumama ka samin :)"
"ah ganon ba? Hehe"
Speechless na ko. Lord please help me. :)
"Hatid ka na namin fatima. Gabi na din eh."
"Okay :)"
Syempre hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Kahit kasama si Joseph keri na dahil sobrang tahimik naman nya. Kaya feeling ko kaming dalawa lang ni JM. Ang bilis lang ng oras pag kasama mo ang gusto mo, nandito na agad kami sa bahay. Haysusme. B-bye na ba? Parang ayoko pa.
"So, dito ka na pala. Sige ah mauna na kami. Thank you goodnight! :)"- JM
"Salamat din. Ingat kayo. Bye JM and Joseph"
Ayun umalis na sila. Grabe naman tong araw na to, ang saya lang. :) hindi pa man din ako nakakapasok ng bahay eh may biglang nagtext.
Mr. Right
You made my day special. Thank you for your time. Good night!Nang nabasa ko yan sobrang gusto kong tumumbling sa tuwa. Hahahaha baka naman hindi na ako makatulog nito.
Kinabukasan.
Maaga pa pero nagising na ko sa katok sa kwarto ko. Grabe lang, parang masisira na yung pinto makakatok!
"Sino ba yan? Teka lang. Istorbo naman oh."
Pag bukas ko ng pinto, nagulat ako kung sino ang nakita ko..
Andrei's POV
Ilang linggo na din ang nakalipas ng maghiwalay kami ni Leah. Masyadong mabilis ang panahon pero yung sakit at lungkot na nararamdaman ko parang kahapon lang nangyari.
Sabi nila "kapag mahal ka, babalikan ka" at totoo yun. Dahil binalikan ko sya pero huli na ata ang lahat.
Flashback
Pag alis ko kila leah. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak. At ayokong makita nya yun. Nagpunta ako sa bar at naginom. Nagbabakasali na makalimot at maging manhid kahit sandali pero habang unti unti akong nalalasing mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako.
Pag gising ko nasa bahay na ako, masakit ang ulo ko pero mas masakit ang nararamdaman ko. Parang ayoko ng bumangon at kumilos. Mali na sinaktan ko sya. Mali na iniwan ko sya. Mali itong desisyon ko kaya nagdecide ako na pumunta sa kanila at bawiin ang lahat.
Pero bago pa ako lumabas ng bahay, sumalubong sa akin ang bestfriend ko, si Andrea. Galing syang america at ngayon ko lang ulit sya nakita after 5years. Natuwa ako dahil nandito sya ngayong kailangan ko sya.
Pinapasok ko muna sya bahay para makita sya nila mama. Magpapaalam na sana ako na aalis na pero pinigilan ako ni papa. Dahil may bisita nga kami kaya no choice ako kung hindi mag stay. Triny kong itext si leah pero no reply at naka off din ang phone nya.
Gabi na din nakauwi si Andrea at hinatid ko pa sya sa kanila. Natutuwa ako dahil hindi pa din nagbabago ang bestfriend ko. Nashare ko sa kanya ang problema ko at same lang din ang sinabi nya sa akin na puntahan ko si leah at mag apologize.
Kaya pinuntahan ko agad si leah sa bahay nila pero nabigo ako. Umalis sya, tuluyan nya na akong iniwan. Tuluyan na din syang sumuko.
Kasalanan ko naman talaga ang lahat.Hihintayin kita leah.
BINABASA MO ANG
It's hard to trust again.
RomansaPaano nga ba maibalik ang tiwala? Paano mo nga pagkakatiwalaan ang taong minsan ng sumira nito? Ano nga ba ang dapat pairalin? ang sinasabi ng puso o ng isip? Paano ba natin masasabing tama ang desisyon natin?